Chapter 5

9.8K 148 0
                                    

Chapter 5


Lumabas akong kwarto at nakita ko agad si Mike na nakatayo sa sala na may hawak na cellphone. Nakatalikod siya sa akin at napansin ko ang medyo kusot niyang damit. I believe we have an iron inside his room. Dapat, inayos muna niya ang kanyang damit. God! Para talagang bata.

"Anong lumabas sa report Red?" narinig kong sabi niya sa kabilang linya. "What? Oh come on. Bakit ang lamya naman ng mga taong kinuha mo?... Sorry." Napataas kilay ako. Nanatili pa din akong nakatayo sa kanyang likoran. Alam pala niya ang salitang sorry?

"Then make it happen. Masasaktan siya dito. Red, pagod na ako. Wala na akong pakialam! Ayoko na. Ayoko na." padabog niyang sabi at marahas na lumabas ng bahay. Napaawang ang bibig ko. What was that?

Dahil sa aking narinig, ang daming tanong tuloy ang umaagos sa aking isipan. Sinong siya? May problema ba kami sa kompanya? Tinatago ba niya sa akin ang problemang ito? My God!

Dahil sa malalim kong pag-iisip, nakarating ako sa unibersidad ng wala sa aking perwiso. Nag log-in ako at dumiresto sa aming opisina. Nakita ko agad ang mga co-teachers ko na nagkakape sa kanilang table.

"Good morning!" bati ko sa kanilang lahat.

"Good morning din, Ms. Jullian. I like your heels!" napangiti ako sa sinabi ni Ms. Stef at napatingin ako sa aking heels. Yeah. I love it too.

"Mahal siguro iyan ano?" napailing na lang ako sa tanong ni Ms. Louise.

"Hindi naman." Nakangiting sagot ko.

"Asuus, pahumble! O sige na, magkape ka muna." Ani Ms. Ara sa akin at binigyan ako ng isang mug na may lamang kape. Napakagat labi na lang ako. Kahit hindi kami close nila ay binibigyan pa din nila ako ng kape.

"We need to recharge! We have 30 minutes for our first class. Hay, nakakawalang boses talaga minsan ang pagtuturo." Biglang sambit ni Ms. Alyssa sa gilid. Totoo iyan. Mabuti na lang at may baon ako palaging tubig para may panangga ako sa aking boses na minsan ay kailangan ko pang sumigaw sa harapan ng klase.

Anim kami lahat sa loob ng opisinang ito at puro kami babae. Magkalinya lang ang tinuturuan namin pero nasa ibang department sila na-assign. Kung ako nasa Education department, sila naman nasa Arts and Science na-assign. At sa aming anim, dalawa lang kaming part-timer.

"You know what. You should apply for full time service here, Ma'am." Ani Louise sa akin. Napatingin silang lahat sa gawi ko at dahan-dahan akong umupo. "Hindi ka ba nalulugi? Isang beses sa isang linggo ka lang pumupunta dito. Maraming mga estudyante ang naghahanap sa iyo." Dagdag pa niya.

"I can't. I have work outside. At isa pa, nagrereply naman ako sa gmail nila kapag may tanong sila sa akin." I reason out. Nakita ko silang sabay na napatango.

"OH MY GOD!" sabay kaming napalingon sa isang kasamahan namin na biglang sumigaw kaharap ang kanyang laptop.

Nang maramdaman siguro niyang nakatingin kami lahat sa kanya at inisa-isa niya kaming tingnan.

"Sorry mga Ma'am. I didn't mean to shout, may nabasa kasi ako." ani Ms. Mary Anne. Siya ang katulad kong part timer na hindi mo aakalaing isa pa lang propesor sa unibersidad na ito.

Napailing na lang ako at tumahimik. Inayos ko ang test papers sa aking mesa at inubos ang kape bago tumayo.


***

Lumakad ako sa gitna ng classroom at lumapit sa mga estudyante kong matataas ang leeg.

Napangiti ako sa aking isipan. Actually, cheating in obvious manner is a big slap to teachers like me. And we shouldn't tolerate this ungodly behavior.

"What are you doing?" Bulong ko dito.

"Uhmmm-ahh,. Ano po.. ah sa.. ahh. Sa labas ako nakatingin Ma'am." napangiti ulit ako. Iba ang tanong, iba din ang sagot.

Yumuko ulit sila, "Sorry ma'am. Di na mauulit." Pagaamin ng isa.

"Ang alin? Ang ganyang klaseng tricks?" naiinis kong sabi.

Nakakairita ang mga ganitong estudyante sa totoo lang. Napatingin ako sa aking table sa harapang gitna. Someone is calling my line. Dahil hindi ko nai-silent ang cellphone ko, lahat ng mga estudyante ko napatingin din dito. Disturbance!

Mike Calling...

I glanced at my phone again to make sure na siya talaga ang tumawag. At siya nga. Kung ano man ang kailangan niya, makakahintay pa naman siguro iyan sa bahay, ano? O kung tungkol na naman iyan sa trabaho, he could just send me a file and I will work on it.

Hindi ko alam kung ano na ang iniisip niya ngayon basta ang akin lang huwag niya akong isturbuhin ngayong day-off ko sa kompanya niya.

Hinayaan ko na lang na matapos ang unang tawag niya and I turned my phone into silent mode. Hindi naman siguro siya mamamatay kapag hindi ko sagutin ang tawag niya.

 "What?" sabi ko sa mga estudyante kong nakatingin sa akin at pinandilatan sila ng mata. Kung lessons, di nakikinig. Pero kung chikahan, sobrang attentive. Students these days!

Hindi ko naman nilalahat. Dahil may mga mababait namin, meron lang talagang ganyan. Siguro, mga 2% sa klase ko lang. The rest are okay.

Sa anim na buwan kong pagiging part time professor, I was never the kind of professor where my students find me calm and approachable. I am always the bossy type and the strict one. I always have criteria and standards. Marahil iyon na din ang dahilan kung bakit naiilang silang kausapin ako minsan. Pero kahit ganoon, hindi pa din nawawala ang mga klase ng estudyanteng may malalakas ang loob. Dahil kung naiilang ang mga higher years sa akin, ganoon naman ang ikinatakot ng first years sa akin na kausapin ako. May estudyante pa ako last sem na muntik nang mag drop dahil hindi niya kinaya ang pagiging bossy ko. Mabuti na lang at nakiusapan siya ng kanyang mga kaklase at good thing, nakapasa siya.

Sumasabay naman ako sa mga estudyante, pero kapag nasa class hours kami, hindi ako kumikilala ng mga kaibigan. I want an authority sa klase at lagi kong sinisiguro na may matutunan ang mga estudyante sa akin.

Nang matapos ang klase ko, ramdam kong medyo sumaya ang puso ko nang makita ang mga scores nila sa exam. Hindi talaga maiiwasan ang mga maiitim na utak sa isang grupo. Mabuti na lang at medyo madami ang may mga mapuputing utak.

Kinuha ko ang mga testpapers at tumayo. Lumabas akong classroom at tahimik na tinahak ang daan pabalik sa aking opisina.

Walang tao sa opisina nang makapasok ako. Kinuha ko na lang ang aking visual aids at class attendance at lumabas din. Sunod-sunod ang schedule ko ngayon. Nagtuturo ako sa field kong Assessment of Learning for education students. At lahat ng learning load ko ay magkapareho lang pero iba-iba ang sections.

Palakad na ako papuntang sunod kong klase. Ngiti lang ang naisasagot ko sa mga estudyanteng bumabati sa akin nang magandang umaga. Binati ako agad ng mga estudyante nang makarating ako sa gitna ng classroom. Tumahimik sila at may nakita akong napalunok at yumuyuko. Do I really intimidate them this much at hindi na sila makatingin sa aking mga mata?

Tumalikod ako at kinuha ang manila paper. Isinabit ko ito sa ibabaw ng green board at hinarap sila.

"I'll give you 10 minutes to understand the article in this manila paper and prepare yourself for a short quiz. Ready your 2 sheets of yellow paper and I want to see one color pen on your sheets. I want a plain black and no other color. Ang hindi nakakaintindi sa simpleng direksyon ko ay maaring magtaas ng kamay." Huminto ako at tiningnan sila isa-isa. Nakayuko na ang lahat at walang nagpataas ng kamay. Therefore, they understand my simple instructions.

For me, the simplest way to know if your students can be handled by words kapag marunong silang mag-follow directions. Pero kapag hindi, hanap ulit ng strategy at doon na lalabas ang pagiging istrikta ko.

"10 minutes starts now." Deklara ko at umalis sa harapan nila. Pumunta ako sa may likorang parte at umupo sa bakanteng upuan. Seryoso ang lahat at tahimik. Ito ang gusto kong buhay. Tahimik lang at walang gulo. Pero para lang itong panaginip sa akin, kasi sa totoo lang, sobrang puno ng buhay ko sa katanungang hindi ko alam kung may sagot ba o wala. Tahimik nga lang ako pero hindi nun nawawala ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. Isang araw na lang, nakikita ko ang sarili ko na ibinabalik ang pangyayari. Na hanggang ngayon ay walang kasagutan.

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon