Chapter 9

8.9K 136 6
                                    

Chapter 9 (Flashback)


Nakarating ako sa bahay nila Josef na parang walang alam. Hindi ko magawang kumurap sa pagkabigla sa lahat nang nangyari.

"Ate?" pukaw sa akin ni Andrea. "What happened?"dagdag pa niya. Napailing na lang ako.

"Okay ka lang ba? Where's your husband?" agad na tumulo ang luha ko sa naging tanong ni Josef. 

Kahit hindi kami ganoon ka close ay sumulong na lang ako dito. Hanggang sa nagsimula akong magkwento kung bakit ako umiiyak at nakarinig na lang akong nabasag na baso malapit sa akin.

"WALANG HIYA PALA 'YANG ASAWA MO!" sigaw ni Josef sa galit.. Nakatakip lang ang mga kamay ko sa mukha sa hiyang makita nila ang mga mata kong namamaga na sa pag-iyak.

Lahat ikinwento ko sa kanila. Wala akong alam na ginawa ko para sabihan ako ng ganoon ni Mike. Wala akong alam. Gusto kong sumigaw sa mundo. Buong buhay ko, sa kanya lang ako nakadepende, ngayon kailangan kong matutong tumayo sa aking mga paa? Gusto kong magtanong kung bakit at anong nangyari pero apat na araw na siyang hindi umuuwi sa bahay. Mas lalo lang nanikip ang dibdib ko sa sakit at katanungan kaya kinailangan kong may masabihan.

"Ate, we don't know naman diba. Baka may dahilan yang Asawa mo ku-"

"Dahilan? Ang gago ng Asawa mo, Jullian. Ang hina naman niya para umalis."

"Kuya Josef, hindi naman gagalaw ang isang bagay kung walang magbigay ng dahilan para gumalaw ito."

"Kahit na."

"You don't understand, Kuya."

"I don't need to understand. This is Jullian's marriage we are talking."

"Kaya nga magdahan-dahan tayo. Ngayon, what is your plan Ate?"

Plan? Wala akong alam. Wala akong maisagot. Hindi ko alam ang isasagot. Mike is my strength! And now that he left me, para akong nawalan ng mga buto sa sobrang tamlay at hina ko.

Buong gabi akong umiyak sa bahay nila Josef at pareho nila akong hindi iniwan. Paulit-ulit sa aking isipan na wala akong alam. Pagdating ng gabi, naisipan nilang isama ako sa bar para kahit papaano ay makalimutan ko ang sakit. Pumayag ako sa kadahilanang desperado akong makalimot.

Sa unang pagkakataon, natuto akong uminon ng alak at hindi ko iyon nagustuhan. Nalasing ako at nagising na lang akong nasa bahay na ulit ako nila Josef.

"Good morning, ate. Here's your phone. Wala ba talaga siyang planong tawagan ka o hanapin?" sabi sa akin ni Andrea na kagigising ko lang. Sa kwarto pala niya ako nakatulog. Kinuha ko ang cellphone ko sa kanyang kamay at nagtaka ako kung bakit nasa kanya ito. "Muntik mo nang maiwan iyan kagabi sa bar. Mabuti na lang at nataguan ni Kuya Josef. Umalis na nga pala siya papuntang trabaho." Napatango na lang. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakitang walang text at tawag mula sa kanya. Nagsimula na naman akong umiyak sa harapan ni Andrea.

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong umiiyak sa isang araw. Ang tanging alam ko lang ay pangatlong araw ko na ito sa bahay nila Josef at wala pa din akong natanggap na tawag at text mula kay Mike.

"I'm losing my hope. Isa na lang at iisipin kong gago pala ang asawa mo." Napatingin ako kay Josef na nakaupo sa tabi ko sa kama. "He's not looking for you. Baka naman ayaw na niya sa iyo. Sayang! Kinasal pa naman kayo." Napaiyak ulit ako sa sinabi ni Josef. Hindi ko matanggap.

"Kuya naman, you are not helping." Singit ni Andrea sa aking gilid. "Alam mo, manood na lang tayo ng TV," dagdag na sabi ni Andrea. Kinuha niya ang remote ng TV at bumalik sa pag-upo sa kabilang tabi ko. Bumungad sa amin ang mukha ni Mike at ang kaibigan niyang si Red nang buksan ni Andrea ang TV sa harap namin. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Napatigil ako sa pag-iyak at napapunas ng luha. Isang local news ang nakita ko at sobrang laki ng ngiti ni Mike.

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon