Simula

223 6 1
                                    

Tiffany's Point of View.

Nandito ako ngayon sa garden habang hawak ang sulat galing sa Dean ng campus. Kailangan kong mabayaran ang tuition fee ko para makakuha ng Finals.

Saan naman kaya ako kukuha ng 13 thousand pesos? Almost two months narin kasi mula 'nong mawala ang scholarship ko dahil bumaba ang grade ko sa Economics.

Kulang rin ang kinikita ko sa paggawa ng mga projects at assignments ng mga kaklase ko. May binabayaran rin akong apartment na syang nirerentahan ko, magtatatlong buwan na rin simula 'nong 'di ako nakapagbayad, baka palayasin pa ako.

Hays.

"Uy Tiffany!" Napalingon naman ako sa tumawag sakin, it's Jenny. Siguro ay magpapagawa ito ng project namin sa English kanina. "Busy kaba ngayon?"

"Hindi naman." Sagot ko at umayos ng upo. "Bakit mo natanong, Jenny?"

Napakamot sya ng batok. "Magpapagawa sana ako ng project natin sa English eh. Hindi ko kasi alam kung pano."

"Oh, I see. Sure!" Sagot ko sakanya. Makakatulong 'din 'to pandagdag sa ipon ko para sa tuition fee. Ngumiti sya sakin.

"Sige Tiffany. Mamaya nalang ah? Intayin kita sa parking lot, hihi." Sabi nya sabay alis na. Napabuntong hininga naman ako.

Kulang pa rin naman ang kikitain ko para sa tuition fee ko eh. Kung sana talaga 'di bumaba 'yung grade ko sa Economics, siguro 'di ako mamomoblema ng ganito.

Naisipan kong bumalik na sa classroom dahil 15minutes nalang ay may klase na ako. Hindi ko dapat muna 'to problemahin, mag-aaral muna ako.

Habang naglalakad ako ay may nakakasalubong akong iba't ibang uri ng estudyante. May mga nakamake-ups, naka mini skirts at may mga sariling mundo.

Mga walang problema. I wish I could feel this too.

Sa sobrang busy ko sa paglingon lingon sa mga kapwa ko estudyante, hindi ko namalayan na may mababangga na pala ako.

"Shit. Ano ba? Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?" Sigaw ng nakabangga ko. Nalaglag rin ang mga dala kong libro dahil sa pagkabangga ko sakanya.

Nag-umpisa na akong pulutin ang mga libro kong nalaglag. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko pagkakuha ko ng mga libro ko sa sahig.

I heard him tss-ed. "Nerd." Sabi nya saka sila umalis ng mga kasama nya. Napayuko naman ako dahil marami na akong narinig na side comments patungkol sa nangyari.

"Tatanga-tanga naman kasi."

"Nerd na nga, tanga pa."

"If I know, gusto lang nyan magpapansin kay Clyde."

Isinawalang bahala ko nalang iyon at ipinagpatuloy ang paglalakad papuntang classroom ko, dahil alam kong magsisimula na ang klase.

Yes. Si Clyde Jasper Ocampo ang nakabangga ko. Anak sya ng may-ari nitong campus, he can do anything he wants to do. Sikat 'din sya dahil isa syang model sa isang sikat na modelling agency.

Pumasok na ako sa classroom at umupo sa pinakadulong upuan like always. Wala pa ang teacher namin kaya't nagbasa muna ako ng notes, baka kasi magpasurprise quiz.

Lumipas lang ang sampung minuto ay pumasok na ang teacher namin kasunod ang isang gwapo at chinitong lalaki. Ngayon ko lang 'to nakita, baka transferee.

"Goodmorning class. This is Mr. Paul Vincent Sanchez, your new classmate." Pakilala ni Mrs.Potrido sa kasama nya. "Mr.Sanchez, kindly seat beside Ms.Nolasco."

Hindi pa man nakakaupo sa tabi ko si Paul ay kung ano-ano na ang mga naririnig kong sinasabi nila. Wala naman akong ginagawa, ah.

Hanggang matapos ang klase naming iyon ay puro, "Feeling maganda porket nakatabi si Paul," o 'di kaya'y, "Malandi."

Lord ano po bang nagawa ko para makaranas ako ng ganito? Napakamalas ng araw na 'to.

Lumabas na ako ng classroom at napagpasyahang dumiretso nalang sa Library dahil wala naman akong pagkain. Magbabasa nalang muna ako.

100 Days with Mr. Arrogant [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon