Chapter 5: Day One

60 3 1
                                    


Tiffany's Point of View.

Nagising ako ng may biglang yumugyog sa katawan ko. Argh! Ano bayan, inaantok pa ako!

"Argh, ano ba?" Inis at inaantok kong bigkas atsaka itinakip ang unan sa mukha ko. "Inaantok pa ako, Ma."

"Tss. I'm not your Mom, stupid." And with that, napadilat ako at nakitang malapit ang mukha ni Clyde sa mukha ko! "Get up, this is the day one of our tutor sessions. It will last within 100 days."

"Wait. Sinasabi mo bang 100 days kitang itututor? Ha! At bakit? Pano naman ang mga kailangan kong gawin?"

"Pwede mo naman 'yon gawin after 100 days." Bored nyang sagot. "Atsaka, ipagpapalit mo pa ba 'to kung para naman sa scholarship mo?"

Para sa scholarship ko? Pano naman 'yun nangyari? Niloloko ata ako nito ni Clyde eh!

"Atsaka, bibigyan ka naman ni Mom ng 10thousand every session natin eh." Dagdag pa nya. Nanlaki ang mata ko!

Hindi naman sa mukhang pera ako, ah? Pero kasi, look. Saan ka makakahanap ng trabaho na 5thousand kada session? Atsaka, tutorial lang?

"You okay with that?" Tanong nya. Tumango naman ako. "Okay, mag-ayos kana."

"So, what's our first subject?" Tanong ni Clyde pagkapasok namin sa Library ng bahay nila. Malaki ito at maraming libro.

"Saang subject ka ba nahihirapan?" Tanong ko. Ang alam ko kasi ay matalino si Clyde, madalas ay sa section1 ito gaya ko. Ngayong year lang sa section2.

"All."

Nanlaki naman ang mata ko. "Anong all? Nahihirapan ka sa lahat?" Di makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Yup. That's why itututor mo ako." Sabi nya atsaka umupo. "English ang unahin natin then Science."

"Okay." Sagot ko atsaka umupo kaharap nya.

Madali lang naman makaintindi si Clyde. Sa tingin ko nga ay alam nya na 'to pero nagpapatutor pa rin sya. How do I say that? Simple lang, nasasagot nya lahat ng tanong ko.

Kanina ay binigyan ko sya ng isang activity na medyo mahirap. Seryoso syang nakatitig 'don sa papel na akala mo ay kailangan nya itong matapos.

Gwapo si Clyde, hindi ko itinatanggi iyon. Matangkad 'din sya, mayaman, matalino, singkit ang mga mata, may kilay na medyo may kakapalan, sakto lang 'din ang katawan nya, hindi payat hindi rin mataba.

Kaso, kung ano ang ikinagwapo ni Clyde ay sya ring ikinayabang ng kanyang ugali. Mayabang sya at napakasungit. Minsan ay cold rin sya at bully. Isang aroganteng lalaki.

"Ang hirap naman nito, Tiffany!" Reklamo nya makalipas ang kalahating oras na hindi nya iyon masagot. "Nananadya ka ata, eh!"

Science kasi iyon. About sa Electron Configurations at ang Dot Structure ng mga element.

Look, I'm just give him the symbols of Potassium, Hydrogen, Sodium, Chlorine, Nitrogen, Lithium and Gold.

Hindi naman ganon kahirap 'yon, diba? Actually, madadali pa nga 'yon. Kaya siguro kailangan nito ng tutor, nahihirapan sya sa ibang topics.

Inexplain ko sakanya 'yon at ako ang nagsagot. I think umabot kami ng almost one hour uli bago nya naintindihan. Binigyan ko ulit sya ng quiz para sagutan.

He got it right! I'm so happy.

"Whew! Not bad for our first day." Sabi nya atsaka yumuko sa study table sa harap nya. "Great teaching, Tiffy."

Kumunot naman ang noo ko. Tiffy? The heck

100 Days with Mr. Arrogant [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon