Tiffany's Point of View.
"Ms.Nolasco, are you okay? You look pale." Sabi ni Mr.Lim, teacher namin sa Economics. "Pumunta ka muna sa clinic. I will excuse you to your next teachers."
Tumayo kaagad ako. "T-Thankyou sir." Sabi ko bago binitbit ang mga gamit ko at naglakad palabas ng classroom.
Mula kagabi ay hindi pa ako kumakain. Pagkatapos ko kasing gawin ang project ni Jenny ay 150 lang ang binayad nya, kung babawasan ko iyon pang-kain ay mababawasan ang pang-tuition ko.
Dumeretso nalang ako sa clinic at umupo sa isang hospital bed pagkalista ko ng pangalan ko. Itutulog ko nalang siguro 'to.
"Miss. Lalabas muna ako, okay? Sleep ka muna dyan." Sabi nung Nurse. "Kukuha na rin muna ako ng gamot sa barangay. Make sure busog ka ah?"
I just nodded at humiga na. Mabilis akong kinain ng antok dala na rin siguro ng puyat at kawalan ko ng kain kagabi.
"Okay naman po ba talaga sya?" I heard someone asking. Sino kaya 'yun? Gising na ako pero ayaw pang dumilat ng mata ko.
"She's really okay. I think gutom sya or 'di pa kumakain since last night." Dinig kong sagot ng Nurse.
"Oh, I see." Sagot naman nung lalaki at nakarinig ako ng footsteps papalapit sakin. "Hoy seatmate, bat 'dika kasi kumakain? Aish."
And with that, napadilat na ako. Nakita kong nanlaki ang mata ni... Paul Vincent at dali daling lumayo ng kaunti sakin.
"D-Did you just heard what I've... said?" He ask me. I nodded. "Oh man. Holy shit!"
Umupo ako at humarap sakanya. "Why are you here? May klase pa ah." Tanong ko. Bakas sa mukha nya ang kaba, but still he looks handsome.
"Uwian na kasi eh." Sagot nya. Ako naman ngayon ang nanlaki ang mata. Seryoso?!
"Kailangan ko ng umuwi." Sagot ko at kinuha ang mga gamit ko. "Omygad. Anong oras na? Shit, wala na akong masasakyan!"
"Uhh. Let me drive you home." Biglang sabi ni... Clyde! "Tutal bukas naman ay start na ng tutorial natin."
Wait. Tutorial?
"Tutori--" hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"Yes. Tutorial. Binasa mo ba ang letter ni Lolo?" Sabi nya. Hays, 'diko pa pala nababasa 'yun. "So, let's go? Oh by the way, Insan umuwi ka daw agad sabi ni Tita."
Insan? Magpinsan sila? Damn. Diko napansin, mukhang mabait kasi si Paul kaysa kay Clyde na mukhang mayabang.
BINABASA MO ANG
100 Days with Mr. Arrogant [On-Hold]
RomanceWho would have thought that I will doubt everything I believed in... after spending 100 days with Mr. Arrogant.