Tiffany's Point of View.Lunes ngayon at may pasok kami. Next week na ang intrams namin at halos lahat ng athletes ay todo practice ngayon sa iba't ibang parte ng Campus.
Pumunta na ako sa classroom namin ngunit pagkadating ko 'don ay nagkalat at nagkakagulo ang mga upuan namin. At 'yung mga kaklase ko naman ay nakaupo sa desks 'non.
"Wala daw klase." Sabi ni Jenny ng makitang naguguluhan ako. "Pero bawal umuwi."
Tumango naman ako at napagpasyahang pumunta nalang sa Library. Tutal ay wala naman sigurong mga tao 'don dahil lahat ay halos nagi-stroll sa Campus.
Gayon na lang ang pagkadismaya ko ng malaman na 'don pala nagmi-meeting ang mga teachers namin. Kaya pala wala kaming klase.
Naisipan kong pumunta sa Music Hall. 'Don ay kakaunti talaga ang pumupunta dahil mas gusto nila ang pagsasayaw. Pumasok ako at nakitang walang estudyante rito.
Umupo ako sa isang mono block chair sa tapat ng isang piano. Parang gusto ko tuloy tumugtog nito, ilang taon na rin mula 'nong huli akong tumugtog nito.
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sintaSinabayan ko na 'rin ng pagkanta. Napapikit ako at pinipigilan ang luhang gustong bumagsak mula sa mga mata ko. Ayokong umiyak.
Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýoNgayon ay hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak. Inalis ko muna ang suot kong salamin atsaka ipinagpatuloy ang pagtugtog.
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýoDoon ko tinapos ang pagtugtog at umiyak ng umiyak. Nasasaktan pa 'rin ako sa t'wing naaalala ko sya. Sya ang kauna-unahang tao na kumanta sa'kin, at ang kaisa-isa kong ex-boyfriend.
Si Cody James..
-
Cody's Point of View.
I saw her crying. Bakas sa mukha nyang nasasaktan sya, wala syang suot na salamin ngayon kaya't kitang kita ko mula sa kinatatayuan kong namumula ang mata nya.
Napahawak naman ako sa dibdib ko. Kumalabog ito at pabilis ng pabilis. Tumingin ako muli kay Tiffany bago tuluyang lumabas ng Music Hall.
"Oh bro. Nakausap mo ba?" Tanong ni Zyrus sakin, isa sa mga kaibigan ko. "Pero bakit ganyan ang hitsura mo?"
Napaiwas ako ng tingin. Habang umiiyak kasi si Tiffany kanina ay naiyak 'rin ako. I hate seeing her crying, masakit sa pakiramdam. Lalo na't ako ang dahilan.
"Let's go." Sabi ko nalang at sumakay sa kotse.
Habang nasa daan kami papuntang bahay ni Dad ay tahimik lang ako. Maski si Zyrus na syang nasa tabi ko ay tahimik 'din.
I'm really sorry, Tiffany. Kasalanan ko kung bakit ka umiiyak. Hindi ko naman ginusto 'yon pero kailangan kong gawin, I'm really sorry.
"Shh. Bro, everything will be alright." Sabi ni Zyrus at tinapik tapik ako sa balikat. Naiyak ako habang iniisip ko ang mga kasalanan ko kay Tiffany.
BINABASA MO ANG
100 Days with Mr. Arrogant [On-Hold]
RomanceWho would have thought that I will doubt everything I believed in... after spending 100 days with Mr. Arrogant.