Chapter 3: Idiot

71 5 0
                                    

Tiffany's Point of View.

Naihatid ako ni Clyde kagabi. Gulat parin ako 'non dahil una, hinatid nyako, pangalawa, tutor daw nyako. For what diba? Alam ko matalino si Clyde eh.

Hays, itututor ko pa si Clyde, pano ako makakahanap ng extra para pandagdag sa tuition?

Sabado ngayon at nandito ako sa apartment na tinutuluyan ko. Actually, nahihiya na ako kasi almost 3 months na akong 'di nakakapagbayad. Feeling ko mapapalayas na ako.

*beep beep*

Humiga muna ako at napatitig sa kisame. Kung siguro ay hindi nawala ng maaga ang Mom ko, maayos pa siguro ang buhay ko. Nasan naman kaya ang Dad ko? Aish!

*tok tok tok*

Napaupo ako at agad tumayo para buksan ang pintuan. Who could that be? Napakaaga pa para maningil kung si Miss Landlady 'yon. Hays!

Ganon nalang ang gulat ko ng si Clyde ang makita ko. What is he doing here?

"Hindi mo 'man lang ba ako papapasukin?" Inip nyang tanong. Napairap naman ako, napaka-arogante ng isang 'to!

Binukas ko ng tuluyan ang pintuan at hinayaan syang pumasok. Pagkapasok nya ay naglibot sya ng paningin sa kabuuan ng kwartong tinutuluyan ko.

Bigla akong nahiya!

"What are you doing here, Clyde?" Tanong ko ng umupo sya sa iisang mono block chair dito sa kwarto ko.

"It's saturday! Start na ng tutorial natin. Don't you read the letter? Aish!" Hindi ko pa nababasa huhu. "Nevermind. Mag-impake kana ng gamit mo, you're staying in my place."

What?!

"Binayaran kona 'din 'yung apartment na 'to, pumayag naman 'yung landlady na umalis ka dito kasi bayad naman na daw."

Kailangan ba talagang 'don ako sa kanila magstay? Pero kung iisipin, makakatipid ako at wala akong poproblemahin na babayaran sa upa.

"Nolasco? Are you still with me?" Nabigla ako ng mag-wave sya ng kamay sa mukha ko. "Ano ba 'yan! Mag-impake kana!"

Tumango ako at inilagay sa isang bag ang mga damit ko. Kailangan mong maging matatag, Tiffany! Wala na si Mom na palaging kasama mo, you need to stand by your own.

Habang nasa sasakyan kami at papunta na sa mansion nila Clyde, tahimik lang kami. Tunog lang ng makina ang maririnig, hanggang sa makarating na kami 'don.

"This will be your room." Sabi ng isang kasambahay na sa tingin ko ay mas matanda sakin ng ilang taon. "Pagpasensyahan mo na't medyo maalikabok, ah? Hindi na kasi nalilinis."

Tumango ako at pumasok na sa kwartong tutuluyan ko. Kulay light pink ang dingding at may isang higaan na single bed at may maliit na study table sa gilid.

Okay na'rin 'to kaysa wala.

Nag-umpisa na akong maglinis ng kabuuan ng kwarto at inayos ang mga gamit ko 'don. Dalawang oras ang ginugol ko para maayos 'yon.

It's already 6pm at kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Nakatitig ako sa kisame at nagmumuni-muni.

Nasaan na kaya si Mom? Nasa piling na kaya sya ni Jesus? I hope so.

*tok tok tok*

"Tiffany?" Dinig kong tawag sakin sa labas ng kwarto. Tumayo ako at binuksan iyon. "Kamusta? Okay kana ba dito sa kwarto na 'to?"

It's Paul Vincent. "Okay naman, Paul." Sagot ko sakanya at binuksan ng tuluyan ang pintuan. "Pasok ka."

"Ah no. Tatawagin lang sana kita para magdinner." Sabi nya at ngumiti. "Let's go?"

Tumango ako at sumunod sakanya sa dining area ng mansion. I wonder, dito 'din kaya nakatira si Paul? Napangiti ako sa naisip ko.

"You're smiling like an idiot."

Nagulat ako ng magsalita si Clyde. Inirapan nya ako at naunang umupo. Ooh, what was that Clyde?

100 Days with Mr. Arrogant [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon