Anong Nangyari?!
DJ's POV:
(texting)
to: Kath
"Kath? Ano ba problema? Reply ka naman Please? :("
-end of txt-
"Kath bakit di ka na nagpaparamdam sa akin? May nagawa ba akong Masama?" malungkot kong tanong sa sarili ko. May nagawa ba ako masama sa kanya. bakit di na siya nagtetext, di na sumasagot sa mga tawag ko at di na rin siya nagchachat sa akin.Putris! ano ba problema nun.
O'nga pala nakalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Daniel John Rivero. Mayaman ang Pamilya namin, sikat ako sa school namin, at actually pagkapanganak pa lang sa akin sikat na ako. D' joke lang haha .
Ako? Magaling ako magbasketball, nga pala player din ako sa school namin. At nga pala pinaka importante sa lahat gwapo ako at habulin ng mga babae. Hahaha. totoo naman ehh.. And for the record since grade 3 ako may naging girlfriend na ako, at halos madami na akong naging girlfriend. Pero ni isa sa kanila ay wala talaga ako minahal at sineryoso. Pampalipas lang talaga. Pero nung naghigh school ako may isang simple pero magandang babae ako nakilala siya si Kathryn Dimalanta. Pero tawag sa kanya Kath. At nalaman ko din na mayaman din pala sila. At matalino pa. Simula ko siyang nakita may iba na ehh.. Parang iba talaga lalo na pagnakikita ko siyang Ngumiti. At simula nun kahit di pa kami close nainlove na ako sa kanya. Taena ang Gay ko!
Babalakin ko na sana siya ligawan pero sabi ng iba kong mga kabarkada masungit pero mabait. At studies come first before boys ang motto daw niya. Kaya tuloy ang isang Rivero na katulad ko ay napatiklop na lang ng ganun at di na siya naligawan. Pero yung isa kong kabarkada ang lakas ng loob pero alam ko di naman siya seryoso kay Kath at siya ay si Albie. Pero naging sila. Ano ba to?!! hayyysss.. kaya di na lang ako nakialam sa kanila. Kaya nagkaroon uli ako ng bagong girlfriend si Stefanie.
Mabait naman siya at sobrang ganda. Pero awan. Hinihintay ko pa rin yung point na maging kami ni Kath pero mukhang pangarap na lang. After ng school year naghiwalay din kami ni Stef kasi nalaman ko sila pala ni Albei ay nabreak na. At sobrang saya ko nun.
Kaya.
nilakasan ko na loob ko. Hiningi ko kay Diego yung number niya. Si Diego nga pala ay isa sa mga kaibigan ni Kath at Bestfriend ko naman siya. At boyfriend siya ni Julia ang Bestfriend ni Kath.
Makalipas ang 1 buwan naging masaya nama kami ni Kath as Friends muna. Pero bakit ganun? Bigla na lang siya hindi nagparamdam. Ano ba nagawa ko sa kanya?
"Putek kang babae ka! Bakit ikaw pa kasi!" sabi ko sa isang picture ni kath sa Laptop ko. Andito kasi ako sa kwarto ko at namumukmok.. tapos may biglang..
"HOOOYY!!!! Di yan magsasalita Bro!" sabi naman ni Diego.
"OHH? Ikaw pala? ano ginagawa mo dito?" sabi ko naman na parang naiiyamot.
"Ayaw mo ba makita Bestfriend mo?" tanong naman niya.
"Ulol! ang Gay mo!" sabi ko naman. At bigla niya ako binato ng unan.
"Nga pala Bro! Sabi sa akin Julia my loves. Ayaw na daw ni Kath makipag usap sayo. Natatakot daw siya sayo dahil playboy ka." sabi naman ng asungol na ito na habang sinasabi ay nangiinis. alam niyo yun.
"Huh? Di ko naman siya kakainin o papatayin ehh!" sabi ko naman ng medyo pasigaw.
"ulol!, Basta brad hayaan mo na lang siya." sabi naman ni Diego sa akin.
Hayyysss.. buhay nga naman.. pinapaparusahan ka na agad pero ano magagawa ko. Hayaan na lang. Kaya tinigilan ko na din si Kath simula nun.
(A/N: ayos ba? :) vote and comment please)