Daniel's POV:
"Ninety Miles outside Chicago
Can't stop driving, I don't know why
So many questions need an answer
Two years later you're still on my mind."
"-----
Ano ba yan? Ang epal naman. Nakikinig yung tao, tapos tatangalin yung Headset ko. Psh! Sino ba kasi toh.
Kaya humarap ako.
At naguat ako...
Si Kath pala.
"Ah.. Ahhhmm.. Bakit Kath? May problema ba?" tanong ko sa kanya ng pautal-utal. Eh sa nagulat talaga ako ay.
"Oo may problema!" sabi niya habang hiahabol niya ang kanyang hininga.
Ano daw?! May problema?!!
"Ha?! Ano?!!" sabi ko na parang medyo napapanic.
At tiningnan ko lang siya. At bigla siyang...
"HAHAHAHAHAHAHA!!! WAHAHAHA!!! You should've seen your face! hahahah! Takte. Ganti ko na yan! Pinagod mo ako kahahanap at kahahabol sayo." sabi niya.
Tang--na talaga si Kath! HUH!?? Teka paki ulit?!
Hinahanap daw niya ako?
Hmmm.. ^_^
"Hmm.. Teka? Hinahanap mo ako? Bakit namiss mo na agad ako?" sabi ko ng nakakaloko.
"Ulol! Miss mo your face! May pinapasabi kasi si Diego sayo!" sabi naman niya.
"Teka! Pwede mo naman na itext na lang ah." sabi ko naman. Huli ka ngayon. Muwahahaha!
Kath's POV:
"Teka! Pwede mo naman na itext na lang ah." sabi ni DJ sa akin.
Oo nga noh?! tanga ko talaga. Tss. Ano na ngayon sasabihin ko??!
"Ahh..Ehh.. Baka di mo k-kasi maintindihan. Sa IQ mong yan baka di mo maunaw-waan." sabi ko kay Daniel na pautal-utal.
"Tss.. Nahiya ka pa. Gusto mo lang talaga ako makita--"
BOGSHH!
"Aray naman!" sabi ni Daniel. Paano naman kasi binatukan ko. Wahahaha
"Teka, ano ba pinapasabi ni Diego?" tanong niya sa akin.
"Sabi kasi ni Diego sumunod na lang daw tayo sa kanila, Kasi nauna na sila pumunta kayna Whitney. Pumunta na lang daw tayo sa Golf course and Resort nina Whitney." sabi ko.
"Ahh.. So? sasabay ka sa akin?" tanong naman niya ng nakangiti.
"Ahh. Wait teka lang pala." sabi ko at bigla akong lumayo ng konti sa kanya at kinuha ko yung phone ko.
At tinawagan ko kasi si Kuya Yvan. Sinabi ko na huwag na niya akong sunduin at sasabay na lang ako kay Daniel. Dahil pupunta pa kami kayna Whitney.
"Ano? Okey na?" tanong sa akin ni Daniel.
"Aahhm.. Oo!" sabi ko then I smiled.
At siya din.
Pumasok na kami pareho sa kotse niya. And I remember to text mommy.