A N D R I A
a day after....
Pumasok ako sa CR ng teachers at pinatay-sindi ang ilaw doon. Luminga-linga si Ms. Values sa paligid at halatang takot siya. Nag-mamadali siyang tumungo sa pinto ngunit di na siya nakalabas dahil sa pagpalo ko sa batok niya. Tinali ko yung paa at kamay niya at binalot sa isang maliit na plastic ang ulo niya. Tumulong naman sila sa pag-buhat sa kanya. Dinala namin siya sa bodega at tinali sa isang upuan. Tinanggal ko yung panyo sa kanyang bibig at inintay siyang magising.
"Andria!! Tulungan mo ako!!! Pakitanggal naman nitong tali!!!" pag pupumiglas niya. Ngumisi lamang ako.
"Eeeh? Sayang naman effort ko." at nag-pout pa.
"Huh?!"
"DAMN SLOW. Ako kaya ang gumawa niyan sayo!" at tumayo ako and gave her a creepy smile.
"B-Bakit?"
"Naalala mo yung ginawa mo sa akin? Yung pag-tangka mong pag-sagasa sa akin?"
"B-But... Nadala lang ako nun!"
"Nadala your face!!!" sabi ko at pumunta sa pinto. Sumenyas ako at hinagis na nila yung teargas at nag-lagay na kami ng masks. "Sorry Ma'am! Nadala lang ako!!! BWAHAHAHAHAHAHAH!!!" sinarado ko na ang pinto ngunit dinig ko pa rin ang mga pag-sigaw niya. Pumunta kami sa monitoring room kung saan si Belle.
"Saan na yung SD Card?" tanong ko at binigay naman niya iyon. Binasag nila Miko, Anliah, at Reign ang mga CCTV na kung saan nakuhanan kami.
In short, lahat ng CCTV sa first floor at kinuha ang SD card noon para siguradong walang maiiwan na ebidensya. Yung mga guards naman ay walang malay sa entrance. Sinigurado naming di nila kami makikilala. Mata lamang namin ang kita noong sugurin namin sila.
Kung sa tingin niyo ay mababaw ang dahilan namin nagkakamali kayo. Kaya namin ito ginagawa dahil sila ang mga nakatestigo sa unang pagpatay namin. Sila ang nakakita noong pumasok kami sa room noong adviser namin, sila ang nakarinig sa mga boses namin, sila ang nakakita sa pag-dispatsa ng biktima, sila ang nakakita sa pag-labas namin sa naturang kwarto, sila ang nakarinig sa plano namin, sila ang nakahalata, sila ang nag-hinala, sila ang nag-balak mag-report, sila ang NAKAALAM, at sila ang nag-banta.
Kaya di pa nakakarating ang ginagawa namin sa kinauukulan ay tinakot na namin sila. Kaya sinubukan nila kaming saktan, o patayin ngunit di nila nagawa. Natakot silang baka patayin nga namin sila na siyang ginawa namin.
Inaamin namin na hindi pa kami masyadong magaling sa pag-plano noon kaya lumobo ang kailangan naming i-dispatsa. Ngayon ubos na ang listahan at sana wag na iyong madagdagan.
"Tapos na ang trabaho natin." sabi ni Aldrich.
"OO NGA!!! PWEDE NA TAYONG MAMUHAY NG NORMAL!!!" sabi ni Jazz.
"Teka... Si Luluko?" puna ni Miko.
"Nagpa check-up daw eh." sabi ni Reign habang hinahain ang ulam.
"Seriously? Adobo mah friend?!" sabi ko.
"Harhar! I know right!!" sabi niya at pinaypayan pa ang sarili. Pinalo ko naman siya ng pamaypay na di ko alam kung saan ko nakuha.
"Ouchy ouchy! So mean!!" sabi niya
"Harhar! I know right!" panggagaya ko.
"YO!!!" at sumilip kami sa living room.
"WEE!! Luluko!! Tapos na!!!" sabi ko at akmang yayakapin siya pero hinarang niya yung kamay niya sa mukha ko.
"I know... Good job guys!!!" namamaos na sigaw niya.
BINABASA MO ANG
CLASSROOM: The Deadly Prophecy
HorrorThis is not your typical classroom. [Previous title: CLASSROOM]