Chapter 14

250 4 0
                                    

I'm sorry guys! We've been so busy these past weeks so bear with us. Nasaan na ang mga readers ko? Mag-ingay naman oh :(

A N D R I A

 Ilang linggo na ang lumipas at Yearly School Fest na namin. Lumabas na ng ospital si Luluko. Masyadong mapilit eh. Namamayat siya at mas lalong namutla. May mga buhok na rin ang nalalagas kaya nagsuot na lang siya ng wig. Itim na wig na halos hanggang beywang tapos may bangs pa. 

Di tulad ng lagpas *ehem* kili-kili at may mahabang bangs na buhok niya noon.

"OA nyo. Tss." at inunahan na kaming mag-lakad. Isang cosplay cafe ang napiling theme ng section namin. At ang napili ko ay si... Erza Scarlet! 

Hahaha!!! Si Luluko naman ay si Hagoromo Gitsune. Minus the fox tails.

"Lezzgo!!!" sabi ko at lumabas na ng dressing room. Kami lang tatlo nila Jazz at Luluko ang naka-cosplay sa aming magkakaibigan.

***

"One fruit parfait. Table 15." sabi ko. 

"Five minutes!" ngiti ng kaklase ko. Nag ikot-ikot pa ako para kumuha ng orders.

"Ha! Ha! Sorry! Na-late ako!" pumasok ang isang Tsuna. Based from his voice.... SI YUAN?! 

"YUAN!?" nagtatakang tanong ko. 

"Oh. Andria!" at lumapit siya. 

"Angas ah! Tsuna." puna ko.

"Miss, kukunin mo pa ba yung order namin?" pag tataray ng higad. Tss. 

"Nakuha ko na ma'am. Tubig lang po di ba?" ngisi ko. Speechless eh!

"Yuan! Pakikuha yung fruit parfait sa counter. Table 15 kamo." sabi ko habang nililigpit ang isang mesa. 

"Coming!"

Nakita ko naman si Luluko na masayang nagse-serve sa mga customers.

"Sana okay lang siya ngayon." bulong ko sa sarili ko.

***

"Break muna ako." sabi ni Luluko sa akin bago lumabas ng room.

L U L U K O

Pumunta ako sa mga booths. Ang daming pwedeng gawin!!! Bumili ako ng caramelized apple (kahit bawal) at nag libot libot. Parang school festival nga ito sa japan eh. Maraming pagkain!!!

"Isang box nga ng cupcake." at nag bayad na ako.

*O*

Isang japanese food bar!!!

"Uh... Traditional ingredients ba gamit nyo?" tanong ko. 

"Oo! Fresh from japan pa yan! May kaklase kasi kaming half-japanese eh." sabi nung babae sa counter. 

"Ah... One of everything nga!" at nag bigay ako ng isang libo. 

"One of everything! Take out!"

"Mmm!! Ang charap!" sabi ko habang kinakain yun. Ibat-ibang klase ng sushi at mga sweets!!! Ang sasarap pa!

"San ka galing?" tanong ni Andria na nasa counter. 

"Sa labas lang. May japanese food bar sa mga seniors! Try mo! Ang sasarap!" at binigyan ko siya ng isang buong dango. 

"Masarap nga! Anong section?" tanong niya 

"A." 

"Puntahan natin yun mamayang uwian! Teka... Bawal caramelized apple sayo ah!" at inagaw niya :( 

CLASSROOM: The Deadly ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon