L U L U K O
Una sa lahat magpapakilala muna ako.
Ako si Luluko Kim. Ang Reaper ng campus namin. Para mas makilala mo ako makikita mo ako sa Room 303. Nakasalamin na may itim na buhok na nakatirintas o kaya may ribbon.
Lagi kong kasama sila Andria Kim, Reign Park, Jazz Lu ,Belle Wu, Anliah Oh, Miko Byun, at Aldrich Lu. Kung kilala mo sila, kilala mo rin siguro ako. Pero di ako madaling mapansin. Kumbaga, parang anino lang nila ako. Sa lahat ng tao, Observer ako.
Spring Vacation namin kaya nandito na naman ako sa harap ng computer gumagawa ng assignments. Bukas talaga babalikan ko ang mga teacher na nagbigay nito.
*brrt*
Pagtingin ko sa cellphone sa tabi ko nag-text si Miko.
1 message received
From: Miko Byun
Kita tayo sa playground.
*end of message*
Ano na naman ang kailangan nun? Nagbihis ako at saka pumunta sa sinasabi niyang playground. Nakita ko siyang nakaupo sa swing.
"Ano kailangan mo?" tanong ko habang nakasandal sa railing.
"Kailangan ko lang ng makakausap.." sabi niya saka tumungo.
"Hayy nako, kung kadramahan yan wag mo akong kausapin.." sabi ko.
"Naaalala mo nung una tayong nagkita dito rin sa playground no ito?" tanong niya. Aba syempre.
"Oo naman.. Bakit?" tanong ko.
"Wala lang." sabi niya
"Tamo, wala ka talagang sense kausap.Ewan ko kung bakit ka napasama sa grupo ko."sbi ko.At paalis na sana noong bigla siyang nagsalita.
"Dahil sayo." sabi niya.
"Yeah. Yeah. Kung ayaw mo mapasama, bakit di o pinili ang secod option?" tanong ko.
"Kasi...Ayaw kong ma--
"Mamatay? Haha lagi namang ganyan, ayaw mong mamatay pero alam mong dadating rin yung araw na yun." sabi ko at saka aalis na sana noong...
"Ayaw kong mahiwalay sayo! Dahil alam ko ang mga pwede mong gawin!" sabi niya. Nabato ako sa mga sinabi niya. Natauhan ako noong umupo ulit siya sa swing.
"Alam ko kung saan na ito papunta." sabi ko saka umuwi na.
***
Pagpasok ko, wala namang halos nagbago pwera sa uniform namin. Walang teacher rin ang nag-violate ng rules. Ito nga pala ang mga rules kung paano ka malalagay sa Death List.
1. Kung mangaargrabyado ka sa isa sa amin.
2. Kung nakakabwiset ka
3. Marami ka nang alam tungkol sa grupo namin..
INFO ABOUT DEATH LIST:
Death Note talaga siya. Dapat in 24 hours mapatay namin ang isa sa listahan.
Nagpapahinga pa kai ngayon dahil wala pang teacher ang gumagawa ng mali. Kahit estudyante ka, pwede ka pa rin masama.
Yan lang naman. Pero pag may nalabag kang niisa dyan magintay ka na lang.
***
Si Reign Park ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan. Siya ang bahala sa mga materials na gagamitin namin kung meron man. Long-haired na laging naka-pony tail. Kakapagupit lang. May salamin din.
Andria Kim. Di kami magka ano-ano niyan pero magkasundo kami. Siya ang madalas na pumapatay kapag harap-harapan. Short-haired.
Jazz Lu. Secretary ng room namin. Medyo kalog at maingay. Laging nakapusod ang buhok. Kaming dalawa ang nag-iisip kung anung gagawin sa mga materials at the same time, taga-plano na rin
Anliah Oh. Di ko siya masyadong close. Isa sa mga nagpaplano kung ano ang gagawin.
Belle Wu. Sa picture, cute size siya. Nakasalamin din. Medyo mahaba rin ang buhok. Kung kelangan gumamit ng computer, siya ang magaling diyan.
Aldrich Lu. Di sila mag kamag-anak ni Jazz pero parehas apelido. Joker. Taga-tago ng Death-List.
Miko Byun. Walang ginagawa yan sa grupo. Kumbaga sabit lang. Ayaw niyang mamatay eh.
***
Kung lilipat ka ng eskwelahan at napili mo pa ang section namin, behave ka dapat kung ayaw mong mapaaga ang pagsundo sayo.
Lahat ng killing method you imagined ay gagawin namin. Depende kung gaano kami naiinis sayo. Manalangin ka na lang na hindi masyadong brutal yung iyo. At ipanalangin mong wag kang mahuli dahil sabi nga nila...
SAVE THE BEST FOR LAST..

BINABASA MO ANG
CLASSROOM: The Deadly Prophecy
HorrorThis is not your typical classroom. [Previous title: CLASSROOM]