M I K O
I never thought this would happen.
Hi!!!! Miko Byun in the house men!! XDD 15 years na akong naninirahan sa mundong ibabaw. Pinakamatangkad na lalaki sa klase at nakasalamin. Pinakamaingay din. Di halata noh?! XDD
"Wednesday na wednesday ay quiz." sabi ni Anliah
"Kelan mo gusto? Saturday?!" pambabara ko.
"Class, get 1 whole SHIT (sheet yan XD) of paper. Number it from 1-50." sabi ng adviser namin. Bagong adviser to be exact.
"Che. Baka gusto niyo 0.5 to .100." bulong ko.
"Anong sabi mo Miko?" Leche. Narinig pa. -_-" Psh.
"Ma'am, sabi ko po wait lang." Kasi papatayin na talaga kita. Kainis.
***
Ayun, isa ako sa mga may highest score. Nasa harap ko nakaupo si Andria at katabi ko si Luluko.
"Nice, perpek na naman." sabi ni Andria kay Luluko.
"Nag-review ka?" tanong ni Jazz.
"Hindi. Tinatamad ako. Pasakit sa ulo." sabi ni Luluko at inayos yung bag.
"Hayy nako... Sana katulad lang ako ni Luluko." sabi ni Andria.
"Natahimik ka Miko?" tanong ni Aldrich.
"Anong gusto mo? Magwala ako? ~_^" sabi ko.
"Hehe peace yow V^_^V" sabi ni Aldrich.
==========================================
Obviously walang P.E ngayon kasi.... You know na XDD
"La la la la la la~~" kanta ko habang binubuksan yung locker ko.
"Uulan." sulpot ni Luluko.
"Kabute ka ba?" tanong ko.
"Bakit?" tanong niya habang kinakalkal yung gamit niya.
"Sa dinami-daming lugar na pwede kang sumulpot, sa puso ko pa." Facebook ko yan nakuha XD
"Bwahahahahahahahaha!!! Push mo yan Miko!!!" sabi ni Luluko habang tumatawa.
"Iyak-tawa!!! Pangit mo uy!" sabi ko. Bakit di mo ako napapansin? Huhu. TT^TT
"Mas pangit ka! :P" sabi niya at umalis na. Pag bukas ko ng locker ay may nalaglag na isang maliit na piraso ng papel.
ISANG SUMPA ANG NANGYAYARI.
CLASS RECORDS. OLD LIBRARY. LIBRARIAN.
Shet. Ano ito?
"Luluko, mauna na kayo. May pupuntahan pa ako."
"Geh lang." sabi niya at lumabas na ng school. Dumeretso naman ako sa Old Library. Di na ito masyadong pinupuntahan ng mga estudyante dahil medyo luma na ito.
"Good Afternoon po." bati ko sa librarian. Si Mr. Kazura.
"Anong aipaglilingkod ko iho?" tanong niya.
"Itatanong ko po sana kung meron kayong kopya ng mga class records ng mga klase ng Grade 9 this past few years." tanong ko. Nagulat naman siya at hiningi ang grade at section ko. Noong una ay nag-dadalawang isip siya ngunit binigay niya pa rin.
Noong nakita ko ay kinilabutan ako. Nanlaki ang mga mata ko at tumayo ang mga balahibo ko.
"Maaari ko po bang tanungin kung bakit...."
"Iho, kung gusto mo pang manatili sa mundong ito ay itigil mo na ang pag-iimbestiga mo." banta niya.
"Bakit ho?"
"Isang sumpa ang bumabalot sa klase mo iho." Eh di parang sinagot na rin niya ang tanong ko.
"Sumpa? Anong klaseng sumpa?"
"Bawat taon ay may mga guro o estudyanteng pinapatay. Sa aking pag-iimbestiga ay isang grupo ng estudyante ang gumagawa noon. May kanya-kanya silang dahilan. Na di ko alam. Misteryoso ang kanilang grupo hanggang sa matapos ang taon. Pero tuwing makikita ko ang class records nila ay....." pabitin pa.
"Alin po?"
"Yan ang nangyayari.... Nabubura, nasusunog, natatapakpan, o nababalot ng dugo ang ilang mga pangalan. Tinanong ko sa gurong humawak ng klaseng iyon kung bakit ganoon ang nangyari ngunit kahit sila ay di nila alam. Isa sa mga estudyanteng nawala ang pangalan sa isang class records ay tambay ng library noong. Kilala ko siya. Lulu Kim ang kanyang pangalan."
"Lulu Kim?" katunog ng Luluko.
"Bakit iho?"
"Wala po. Ituloy niyo lang."
"Tinatanong ko ang mga estudyante noon ngunit sinasabi nilang wala silang kakilang Lulu o Lulu Kim na sadyang pinagtaka ko. Isang araw naman ay nag-lalakad ako sa corridor noon at may nakita akong class picture. At yun ang class picture ng klase ni Lulu. Ngunit may mga blangkong lugar sa pagitan ng mga estudyante. At yun marahil ang grupong iyon. Ang pumapatay."
"Paano po matitigil ang sumpa?"
"Di ko alam iho. Basta isang beses na natigil ang sumpa. Ngunit di ko alam kung papaano yun na tigil.Kumpleto ang listahan ng estudyante. May namatay ngunit dalawang guro lamang."
"Anong taon po iyon?"
"Tignan mo sa pagitan ng 1980-2012." sabi niya. Bumalik ako sa pwesto ko at sinuri ang bawat pahina. Nakita ko ang isang malinis na record ng Grade Nine Class-C. Year 1989. Klase ito ni Mama at nandito talaga ang pangalan niya.
"Salamat po sa impormasyon." ngiti ko.
"Basta mag-ingat ka sa mga taong pinapakisamahan mo iho. Baka malay mo sila na yun."
"Huli na po kayo." sabi ko bago lumabas ng library.
Pumunta muna ako kila mama. Jeep lang ang sasakyan pero malayo ito sa school namin.
Habang kumakain kami sumagi sa isip ko ang mga natuklasan ko kanina.
"Ma, noong nasa 9-C kayo dati, may namatay ba kayong teacher?"
"Hmmm.... Wala naman... Bakit mo natanong?"
"W-Wala po." ngiti ko. Bakit ganun? Bakit? Eh ang sabi ng librarian ay may dalawang teacher na pinatay.
Sumunod na araw ay pumunta ulit ako sa Old Library at hiningi naman ang schedula ng klaseng iyon noon. May dalawang pangalan ng teacher ang wala. Sila marahil ang namatay. Paano ko mapipigil ang sumpa?
"Madalas ka na yatang tumatambay sa Old Lib."
"Harujusko." Nagulat lang ako. Pakshet.
"Bakit ka madalas doon?" tanong ulit ni Luluko.
"H-Huh?! Paano mo nalaman?!" takang tanong ko.
"Bago umuwi, sinusundan kita at sa Old Lib ka lang pumupunta. Saka kakaiba na ang kinikilos mo."
"W-Wala lang... Mas payapa kasi sa Old Lib eh."
"Ah. Sasabay ka ba pauwi?" tanong niya. Wala naman na akong makukuha sa Old Lib eh.
"Oo..." at pagbukas ko ng locker ko ay may papel na namang nalaglag mula dito.
REBIRTH
Rebirth?
BINABASA MO ANG
CLASSROOM: The Deadly Prophecy
HorrorThis is not your typical classroom. [Previous title: CLASSROOM]