" SAMPUNG ALAY "

118 2 0
                                    


" SAMPUNG ALAY "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" SAMPUNG ALAY "

Tagaktak ang pawis na binitawan ni Samarah ang hawak na piko at tuloy-tuloy iyong bumagsak sa malambot at nakatumpok na lupa sa kanyang paanan..Wala pa halos kalahati ang nagagawa niya ngunit nakakaramdam na siya ng matinding pagkahingal. Habol hiningang napaupo sa tabi ng ginagawang hukay ang dalaga upang sandaling maipahinga ang pagod na katawan. Latag na ang dilim sa kapaligiran at tanging huni lamang ng mga nag-aawitang kulisap ang siyang tangi niyang musika. Pagkaupo'y mabilis niyang inilabas mula sa bulsa ng suot na pantaloon ang kahuli-hulihang stick ng sigarilyo at saka sinindihan gamit ang apoy sa dalang gasera na tanging pananglaw sa madilim na gabi. Sunod-sunod ang bugang ginawa ni Samarah na bahagya pang nilaro-laro ang mangitim-ngitim na usok sa kawalan habang nakatingin sa isang body bag , di kalayuan sa inuupuang lupa. Pang-siyam na iyon sa kanyang naililibing sa nagdaang dalawang buwan. Experto na siyang maituturing pagdating sa ganoong karumal-dumal na bagay. Mula sa paghuhukay at paglilibing , gayundin sa pagpatay.

Sa tindig at ganda ,sinong mag-aakala na isang halang ang kaluluwa at mamamatay tao si Samarah. Sinong mag-aakala na may demonyong nagkukubli sa likod ng mala-anghel nitong mukha. Pilyang napangisi ang dalaga nang isiping malapit nang magtapos sa ginagawang misyon . Papalapit na ang kanyang tagumpay at kaunting panahon nalang ay matutupad na niya lahat ng mga pinapangarap. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pagbabago ngayon sa buhay at lahat ng iyon ay utang niya sa itinuturing na diyos. Diyos na siyang pinaghahandugan niya ng mga alay.

Bawat buhay katumbas ay swerte... Bawat kaluluwa malaki ang ginagampanang papel sa kasalukuyang tinatamasa.... Isang patak ng dugo para sa isang hiling...

Sa lahat ng ito'y walang bahid ng pagsisisi ang dalaga na buong puso nang ipinagkaloob at isinangla ang kaluluwa sa imperno. Buong puso nang niyakap ang kadiliman.

" Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya marating lang ang rurok ng tagumpay kahit kapalit nito ay aking kaluluwa.. "

Kasabay ng binitiwang pangako ang pag-alay ng sariling dugo sa harap ng altar ng sinasambang panginoon. Panghabang buhay na kasaganahan kapalit ng sampung buhay ng mga babaeng birhen.

" Isang buhay nalang at matatapos ko na rin ang nakakadiring Gawain na'to. Sayang naman ang talento't talino ko kung sa ganitong bagay ko lang gagamitin. "

Naudlot ang tangkang paghitit muli ni Samarah nang biglang makarinig ng mga kaluskos. Maigi muna siyang nakiramdaman sa paligid bago inis na itinapon ang nalalabing sigarilyo at tumayo. Hindi paman siya nagtatagal sa ganoong ayos nang sunod namang makarinig ng dalawang pares na mga yabag , marahan lang ang mga yabag na di tiyak kung saang direksyon ang tungo. Tinalasan ng dalaga ang pakiramdam at maingat na inilabas ang kuwarenta'y singkong baril mula sa likurang damit. Malikot na inilibot ang paningin sa madilim na sementeryong kanyang kinaroroonan.

The Dark Pages II  " Book Compilation " { On Going }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon