" ANG IKATLONG MATA NI JAIMA "
" Si... Sino ka ? Anong kailangan mo ? " May sa takot sa pananalita ni Jaima. Isang babaeng nakaputi ang ngayo'y nasa pintuan niya. Ito din ang babaeng sumusunod sa kanya mga ilang linggo na. Kung hindi sa eskwela. Sa bahay o di kaya'y sa sariling kwarto niya ito nakaabang. Waring nagkikiusap. Waring nagmamakaawa.
" Tulungan mo'ko , nakikiusap ako. Kailangan ko lang ng tulong mo. "
Mabilis na napatakip ng kanyang tenga si Jaima. Muli na naman kasi niyang naririnig ang makapanindig-bahahibo nitong panaghoy. Naging paulit-ulit iyon sa kanyang isip. Kinuha niya ang florera sa katabing mesa at buong tapang na ibinato sa kinaroroonan ng babae ngunit di niya ito derektang tinamaan. Bagkus , lumagos lamang iyon at tumama sa pinto na kalaunay nabasag.
" Tumigil kana ! tumigil na kayo. Tigilan niyo na ako ! " Nagsisigaw na ang dalaga sa labis na takot.
Mas lalong diniinan ni Jaima ang pagkakatakip sa tenga subalit kahit anong gawin , patuloy pa rin niyang naririnig ang boses ng babae. Gabi-gabi iyong umaalingawngaw sa kanyang utak , bagay na siyang dahilan ng kanyang palagiang pagkabalisa. Ni hindi na nga siya nakakapag-aral ng maayos dahil dito. Nagsimulang humakbang ang babae palapit sa kinaroroona ng kama niya. Ang mga kamay nitong kulapol ng dugo ay nakaturo sa dalaga na animo'y humihingi ng saklolo. Lalong nilukob ng matinding sindak si Jaima na halos mapasiksik na sa uluhan ng kama , pilit iniiwasan ang nakakakilabot na nilalang. Umatras pa siya lalo hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Daing-daing ang pananakit sa may ibabang parte ng katawan na tumakbo patungo sa pinto ang dalaga. Subalit sa kanyang panggigilas , di sadyang natabig niya ang sariling kwadro na nakapatong sa lamesitang katabi ng pintuan. Naapakan pa niya ang ilan sa mga bubog na siyang dahilan ng pagkakasugat niya sa paa. Nanlalambot na napaupo sa sahig si Jaima , takot at halos mapaiyak na dala ng pangyayari. Ang naturang insidente ay naulit pa ng sumunod na mga araw.
Biyernes ng hapon. Nasa kanilang gymnasion noon si Jaima at abalang nag-iensayo kasama ang ibang miyembro ng kinabibilangang cheering squad nang aksidente itong mahulog habang nasa kalagitnaan ng ginagawang routine . Mabuti't walang kahit anong fracture sa kanya maliban sa matinding pananakit ng balakang. Ang dahilan: Ang muling pagpapakita ng babae. Nakatayo ito malapit sa basketball ring at katulad dati , ganoon pa rin ang parating ipinapahiwatig. Ang paghingi ng tulong. Sa huli ay di na rin napigilan ni Jaima ang mainis pagkat palagi siyang nadidisgrasya sa tuwing may lumalapit sa kanya. Humantong na sa puntong nangangamba na rin siya sa sariling kaligtasan. Upang matigil na ang panggugulo ng mga ito , nagpasiya si Jaima na harapin at tanggapin kung anong kakayahan may taglay siya. Alam ni Jaima na mayroon siyang " ikatlong mata ". Ilang beses na niya itong napatunayan. Bata pa lang ay lapitin na siya ng mga multong ligaw. Ito na yata ang namana niya sa namayapang lola. Sa paglipas ng panahon kahit konti'y napaglabanan niya ang lahat yun nga lang mas madalas pa ding daigin ng takot. Upang ganap na maunawaan ang natatanging abilidad , lihim na nagsaliksik si Jaima. Nagbasa-basa siya ng mga librong may kaugnayan sa paranormal sa kanilang library. Sa bandang huli , napagtanto niya na kahit anong pagtatakwil at pagkukunwari ang gawin , kalakip na ng pagkatao niya ang pagkakaroon nito na kailanma'y hindi maiaalis. Nang tuluyang gumaling , buong tapang na hinarap ni Jaima ang multong madalas magpakita. Isang araw. Kusang nagpaiwan ang dalaga sa kanilang classroom upang doo'y hintayin ang muling paglitaw ng babae. Batid niyang sumusulpot lamang ito sa tuwing nag-iisa siya. Dapit-hapon kaya may kadiliman na sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
The Dark Pages II " Book Compilation " { On Going }
HorrorIsang Libro...... Sampung kwento na tiyak magpapatindig ng iyong balahibo.... Halina't sumama sa mundong puno ng kadiliman , katatakutan at misteryo..... Tara na't salubungin ang ikalawang taon ng........ " The Dark Pages II " -Dark...