" Spirit of the Coin "

74 0 0
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Huwag gambalain ang nananahimik....

Huwag nang buksan ang matagal nang nakasara...

Dahil baka di mo makayahanan ang magiging bunga...

            

                   Kung may isang bagay man akong pinagsisihan sa nakaraang buhay , yun walang iba kungdi ang gabing pagsama ko sa mga kaibigan ko. Isang gabi na kailanma'y hinding-hindi ko makakalimutan at kahit ngayong may pamilya na ako. Walang araw yata na hindi sumasagi sa isipan ko ang mga nangyari. Kung tutuusin may kasalanan din ako dahil hindi naging sapat ang tapang ko upang pigilan ang trahedya. Hindi sila nakinig kahit na paulit-ulit ko silang pinaaalahanan. Sinubukan ko pero bigo ako kaya ang gabing iyon ay talagang nag-iwan ng malaking pilat , hindi lamang sa'kin , kundi maging sa mga kaibigan kong sina Louie, Samuel, Kenneth, Irene, Kyline , Jake , Carlo at siyempre kay Ivy. Minsan man kami magkausap na lahat , nakadikit pa rin ang takot sa aming mga puso. Magkalayo man sa isa't-isa , naroroon pa rin ang kilabot sa aming mga balahibo..... Matapos ang gabing iyon , isang pangako ang aming binitawan. Ipinangako namin sa bawat isa na walang sinuman ang babanggit sa insidente at walang sinuman ang maglalaro ulit ng larong iyon. Kailanman , hanggang sa huling hininga. Pinanghawakan ko ng mabuti ang pangakong iyon. Itinago ng kay tagal at ibinaon sa limot. Noong una akala ko , mapaninindigan ko ang pangakong iyon pero nagkamali ako. Nang minsan kasing nagkita kami nina Irene , Louie at Kyline sa isang coffee shop, di namin sinasadyang mapag-usapan ang tagpong iyon.

" Kasalanan ko talaga ang nangyari girl, kungdi sana ako nagpumilit sigu--" Putol na sabi ni Louie.

" Tama na. Huwag na nating pag-usapan yan. Nangako na tayo diba na hindi na natin pag-uusapan ang tungkol doon. " Maagap kong protesta

" Kung sana nakinig lang kami sa iyo Lyncel , wala sanang napahamak. " Nangingilid ang luhang dugtong ni Kyline.

" Hindi sana nangyari yun kina Ivy at Carlo. " Saad naman ni Irene.

Malungkot kong sinang-ayunan ang mga sinabi nilang tatlo. Aaminin ko na lihim ko din silang sinisisi sa nangyari pero ano pa bang magagawa ng paninisi. Di na nito maibabalik ang oras. Di na nito mababago ang lahat. Naganap na ang dapat maganap at nangyari na ang dapat na mangyari. Wala na kaming magagawa kungdi tanggapin ang naging resulta ng katigasan namin ng ulo. Kalmado ang loob na tumingala ako sa nagkukumilim na kalangitan. Gamit ang isip, umusal ako ng isang maikling panalangin. Panalangin para sa katahimikan. Sa gitna ng aking pagdarasal , isang eksena ng kahapong lumipas ang bigla'y sumilip at nanumbalik sa akin sa kasalukuyan.....

The Dark Pages II  " Book Compilation " { On Going }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon