" Block. #13 , Balete St. "

64 0 0
                                    


" Block

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Block. #13 , Balete St. "

" Hay kelan ba ulit bababa ang presyo ng gasolina tsk , hina pa naman ng kita ngayon. " Himutok ng 28 anyos na drayber na si Gio pagkatapos marinig ang kakapasok palang na balita.

  Kasalukuyan siyang nakikinig ng stereo sa loob ng sasakyan. Magdamag na sa kalye ang lalaki ngunit kakaunting pasahero pa lang ang naisasakay niya. Sa pamamasada niya sa linggong iyon palaging matumal ang benta. Nagkataong kuwarisma kaya madalang ang mga taong nakikita sa siyudad , kung wala sa bahay at namamanata , nasa bakasyon naman ang karamihan. Sa kabila nito , nananatiling porsigedo si Gio. Aniya'y kinakailangan pa ding magsipag para sa pamilya , may okasyon man o wala. Kapapanganak lamang ng asawa niyang si Clara sa ikalawa nilang supling kaya tudo sa pagkayod ang lalaki kahit sa panahon ng paninilay-nilay. Sa pangkaraniwang mga araw , masasabing mas maganda ang kita niya sa gabi. Kahit papano may mangilan-ngilan siyang nakukuha at nakokontratang may kayang mga pasahero , kabilang na riyan ang mga balik-bayang namimili ng pasalubong sa mga kaanak. Sa loob ng walong taong pamamasada , nakasanayan na ni Gio ang pabago-bagong ruta , maging ang eskedyul. Hanggang alas-nuwebe lang dapat ang uwi niya ngunit buhat nang bumuo ng sariling pamilya ay nagdoble sikap na siya na madaling araw na kung umuwi. Ginagawa niyang araw ang gabi. Sa tagal niya sa napiling hanap-buhay , ni minsan ay di pa napapahamak si Gio sapagkat napakamaingat niya sa pagmamaneho. Pagdating naman sa mga masasamang-loob ay handa rin ang lalaki dahil kahit papano ay may kaalaman siya sa self-defense. Sa tinagal-tagal na din niya bilang drayber ng taxi , di pa nakakaengkwentro ng " unwanted passenger " si Gio tulad ng palaging naririnig sa mga kasamahan sa tuwing magtitipon at kakain sa karinderya.

***** 

" Pare matanong lang , hindi kaba natatakot ? Ang ibig kong sabihin , hindi kaba natatakot na baka may maisakay kang...... Alam mo na. " Nananakot na sabi ni Lance. Matalik na kaibigan ni Gio. 

  Tinawanan lang ni Gio ang patutsadang iyon ng matalik na kaibigan , sa halip na tumugon ay nagpatuloy na lamang siya sa pagkain. Muli , nasa paborito nilang tambayan ang lalaki at masayang kumakain kasama ang mga kaibigang drayber. Tanghaling-tapat nang mapagdesisyunan nilang magpahinga muna at kumain. Tulad ng nakagawian ay may baon siyang kanin , tanging ulam at softdrinks lang ang binili niya para sa sarili. Paraan niya ito upang mas lalong makatipid. " Kwentong barbero lang yan pare . Likha lang yan ng malilikot na isip ng mga tao. " Pailing niyang sambit nang makatapos sa pagkain. Hindi ang tipo ni Gio na nagpapaniwala sa mga kababalaghan kaya't di na rin siya gaanong sumali sa kwentuhan ng mga kasamahan.

The Dark Pages II  " Book Compilation " { On Going }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon