" BLANKO "

54 0 0
                                    



" BLANKO "                                            

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" BLANKO "                                            

Bigyan niyo ng liwanag ang madilim kong daan sapagkat ako'y naliligaw sa gitna ng kawalan....                                                                                                                                                        

Hindi ko alam kung anong oras na , wala kasi ang alarm clock na madalas katabi ko sa pagtulog dahil nagkataong nakapatong iyon sa ibabaw ng study table.                                                Ewan , bakit ko nakaligtaang itabi yun , nagiging makakalimuin na yata ako. May limang hakbang pa naman ang layo ng study table mula sa kinaroroonan ng kama kaya imposibleng matanaw ko mula roon ang orasan , hirap talaga pag near-sighted ka. Kinusot ko ang magkabilang mata , nangungulap pa ito kaya medyo blurd ang vision ko , gayunpaman tanaw ko pa rin ang madilim na kalangitan mula sa labas. Mahangin kaya malayang lumilipad-lipad ang kurtina. Malakas ang hangin na tila walang balak na huminto. Sa palagay ko alas kwatro y medya na , ito kasi ang oras na tumitilaok ang tandang sa kabilang bahay. Oo , kahit papano ay nakabisado ko na ang ugali ng tandang ni Ninong Julio , nanggigising talaga yun sa tuwing sasapit ang ganitong oras. Sa bagay , natural lang naman yun pero on the back of my mind parang may ipinapahawatig na iba ang pagtilaok ng manok ni Ninong Julio. Hindi yung pangkaraniwang pagtilaok. Sumasabay din sa pagtilaok ng tandang ang pag-alulong ng alaga naming asong si Luffi. Sa ilang taong paninirahan ng labrador na si Luffi sa'min , ni minsan ay di ko siya narinig na umalulong kahit gabi , nakakapagtaka lang ang ngayon , hindi , mag-iisang linggo na yata. Alam ko dahil nasa salas siya palagi , kusa siyang pinapapasok upang magbantay. Mahirap na baka pasukin pa kami , delikado pa naman ang panahon ngayon.

Inumpisahan kong bumangon nang dahan-dahan at maingat. Tulad ng dati nanghihina ang buong katawan ko at sumasabay din ang hirap ko sa paghinga. Yung pakiramdam na panipis na panipis ang hangin sa paligid , sumisikip kasi ang dibdib ko na parang may kung anong dumadagan. Pailalim na pailalim. Sa kabila nito , kinakailangan ko pa ring kumilos dahil kung hahayaan ko lang ito , tiyak na sasama pa lalo. Pinakiramdaman ko ng mabuti ang sarili ko , kagaya ng nakaraang mga gabi , tanging panghihina't paghihirap sa paghinga ang nadarama ko. Wala akong makita dahil madilim pero may kukunting liwanag din naman nangagaling sa sinag ng buwan na kahit papano ay nagpaliwanag sa iilang bahagi ng kwarto at dahil kailangan ko ng ilaw inabot ko ang switch ng lampshade sa side table upang kunin sa drawer ang gamot na parati kong ginagamit.

" Inhale , exhale , inhale , exhale...." Sa wakas , nairaos kong muli ang gabing ito. Hindi ko na pinatay ang ilaw pagkatapos , sa nangyari , batid kong di na naman ako makakabalik sa pagtulog at kung makakatulog man ay sandali lang. Ngayong maayos na muli akong nakakahinga ay kailangan ko nang bumalik ng higaan. Nais ko na ding isandal ng panandalian ang likod ko sa headborad nang sa ganun humupa na ang lahat.

The Dark Pages II  " Book Compilation " { On Going }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon