" Community Service ".....
Minsan may mga bagay talaga na kay hirap paniwalaan at hanapan ng explinasyon lalo na sa modernong panahon ngayon. Mga kaganapang nangyayari ngunit walang sapat na katibayan.....
Sa masaya naming kwentuhan ng pinsan kong si Mary , isang kakaibang kwento ang biglang sumulpot. Kwento na ayon sa kanya ay personal niyang naranasan. Karanasan na kailanman ay hinding-hindi raw niya malilimutan. Si Mary ay pinsan kong buo sa side ng Mama ko , elder sister kasi ni Mama ang nanay niya na si Tiya Esing. Anim silang magkakapatid at pangatlo si Mary doon. May negosyo silang kainan sa isang public market sa siyudad. Ilang taon nang tumatakbo ang negosyong iyon ng kanilang pamilya at yun din mismo ang nakapagpatapos sa tatlo sa mga pinsan ko kasama na siyempre si Mary. Iisang barangay lang ang inuuwian namin ng pinsan ko pero magkalayo kami ng mga tinitirhan. Sa kabila nun madalas pa rin kaming nagkikita , kung minsan ay ako pa ang dumadayo sa kanila at gayundin naman siya sa akin pag may free time. Sa tuwing nagkikita ay parati kaming nagkakamustahan sa isa't-isa , nagkakamustahan na parang kay tagal na di nagkita. Sa aming kwentuhan , iba't-ibang paksa rin ang aming napag-uusapan kabilang na riyan ang mga kaganapan sa mga buhay , kadramahan , kabaliwan at kung minsan ay napupunta pa sa kababalaghan.
" Grabeh huh , totoo ba'yan ? Baka naman ginu-good ka lang ng mga kaklase niyong pasaway."
" Hindi insan , totoo talaga 'to. Mamatay pa lahat ng daga at ipis dito sa bahay niyo. " Ani Mary sa sarkastikong tono.
Sa kabila ng pagbibiro ay pansinin ang pag-iiwas ng tingin ni Mary sa kahit na saang sulok ng aming bahay , una ko iyong napuna sa pagsisimula namin ng kwento. Bagamat matagal ko nang alam na medyo may pagkaduwag ang pinsan ko pero iba talaga ang ipinakita niyang kilos sa harap ko nung hapong iyon. Kilos na parang may kinatatakutan na kung ano , gayunpaman di ko na dinagdagan pa ang kanyang nararamdaman , sa halip ay umarte na lamang ako ng parang walang alam. Ayon kay Mary , nangyari daw ito sa mismong community service nila noong isang taon. Ang naturang aktibidadis ay bahagi lang ng kanilang NSTP class. Sa isang kilalang munisipalidad raw ginanap ang kanilang community service na tatlong oras ang layo mula sa siyudad.
Hapon na nang makarating sila sa St. Vicente High School , { Eskwelahan sa naturang lugar }. Sa isaa't kalahating araw nila roon , tanging H.E room ng eskwelahan ang naging kanlungan nilang lahat. May kalakihan naman ang lugar kaya't doon na lamang sila tumuloy kasama ang kanilang school adviser. Para kay Mary , maituturing niyang kakaiba ang kwentong ito dahil sa naiibang pakiramdam niya sa lugar. Bago daw yun ay may mga usap-usapan na rin siyang naririnig mula sa ilang estudyante ng eskwelahan. Dagdag niya una umanong nakaranas ng kakaiba ang isa sa mga kaklase niya. Si Trina.
*****
Isang gabing maalinsangan. Mag-isang nagtungo ng banyo si Trina. Nanlalagkit ang kanyang pakiramdam dulot ng buong araw na pagwawalis , paglilinis at pagtulong sa ibang gawain kaya't nagpasiya siyang mag-half bath. Bago maglinis ng katawan , una muna niyang nilabhan ang pinagrumihang damit. Pagkatapos sa paglalaba'y kanyang itabi ang nabanlawang damit at pumasok na sa cubicle. Habang nagbabanlaw , isang yabag ang narinig ni Trina mula sa labas ng cubicle. Nagtaka siya sa kadahilanang wala naman siyang kasama sa banyong iyon . Walang ibang tao roon maliban sa kanya. Nakatitiyak siya roon. Sigurado din siyang nailock niya ang main door ng banyo. Ginawa niya iyon upang makatiyak na walang gagawa ng kalokohan sa kanya pagkat kilala niya ang ibang kaklase. Mga likas itong pasaway. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ng panlalamig ang dalaga , nanlalamig siya sa kabila ng maalinsangang panahon. Ang mga yabag ay nasundan pa ng biglaang pagbagsak-sara ng pinto. Hindi matiyak ni Trina kung saang pintuan nanggagaling ang naturang tunog , kung iyon ba'y isa sa mga pintuan ng katabing cubicle o ang mismong main door. Isinara ni Trina ang dutsa ng shower saka kinuha ang nakasabit niyang tuwalya. Nais niyang makapagbihis agad at lumabas pagkat tumitindi na ang nararamdaman niyang ginaw gayundin ng kaba. Hindi paman tuluyang naisasara ng maayos ng dalaga ang pinakahuling butones ng damit nang may maaninag naman siyang anino na tila nakatayo sa tapat ng mismong cubicle niya.
" Si....Sino yan ? Rachel ? Mary ? Kayo ba' yan ? " Pasigaw niyang tanong.
Ngunit wala siyang nakuhang sagot. May kunting kaba ma'y , sinikap pa rin ng dalaga na aliwin ang sarili , kumanta-kanta siya habang kinukuha ang mga kagamitang panligo. Makakalimutan na sana niya ang tungkol sa anino nang sa di inaasahan ay kumurap-kurap lahat ng mga ilaw hanggang sa tuluyan nang mamatay. Dahil may takot sa dilim , nagmadaling lumabas ng cubicle si Trina. Lalong-tumindi ang takot niya nang di makapa ang sariling cellphone sa bulsa ng pantalon , doon na lamang niya naalala na nakalimutan niya iyong dalhin . Kahit madilim ay pilit siyang nangapa-ngapa sa paligid , makalabas lang. Nilakihan niya ang mga hakbang upang marating ang main door na pitong hakbang ang layo sa mga cubicle. Habol-hininga niyang kinapa bawat madaanan , sa pader , sahig at maging sa kawalan hanggang sa tuluyan niyang maramdaman ang door map ng pinto. Laking gulat na lang ni Trina nang mapagtantong nakalock pa rin ang pinto na parang walang may gumalaw niyon. Dahil sa halo-halong kaba at takot , tarantang pinihit ng dalaga nang makailang beses ang siradura. Ganap lang nakalabas ang dalaga nang mabuksan na ang pintuan. Dahil sa sobrang takot ay nakalimutan niya ang nilabhang damit pati ang kagamitang panligo.
" Noong dumating si Trina sa kwarto ay namumutla siya. Para siyang nakakita ng kung ano. Mangiyak-ngiyak pa nga siya nung ikwento ang nangyari. " Kwento ni Mary.
*****
Sa huling kwento ng pinsan ko , karanasan naman niya ang ibinahagi niya. Bago magkwento ay napalipat pa sa katabing upuan ko si Mary , pabulong niyang isinalaysay ang lahat.
" Huling araw namin sa community service noon. Madaling araw nung nagtungo ako sa banyo sa ibaba ng building ng mag-isa. Sira kasi ang banyo doon sa H.E room kaya kailangan pang bumaba upang makapagbanyo. Ang totoo niyan , gusto ko sanang magpasama sa kaibigan ko pero nakakahiya naman kung iisturbuhin ko pa kaya ayun kahit naduduwag ay napilitan akong magtungo roon ng mga around 2:30 . Nang makatapos ay binilisan ko ang paglakad para makabalik agad sa kwarto. Habang pabalik ay nakarinig ako ng sutsot. Akala ko nga gumising si Rachel at sinundan ako pero hindi. Lumingon ako sa paligid pero wala akong nakitang tao , ni isa. Nakakapagtaka ang ganun , walang tao pero may sumusutsot. Doon na tumayo ang balahibo ko lalo nang dumampi ang malamig na hangin , yung pakiramdam na may humahawak sa'yo. Nung sa pagbalik ko napatunayan dahil tulog naman ang lahat at ako lang ang gising. Doon na ako mas natakot at kinilabutan. Sumiksik na lang ako sa gitna nina Rachel at Trina upang di matakot. Kahit mainit ay nagtalukbong ako ng kumot. Hanggang ngayon tumatayo pa rin ang balahibo ko sa tuwing naalala yun. "
Bago umalis ng pook ay napag-alaman raw ng grupo ni Mary na dating sementeryo ang pinagtayuan ng paaralan. Napag-alaman din nila na marami na ang insidente ng di umano'y possession o sapi sa paaralang iyon. Kung anuman ang nais iparating ng mga nakatira roon , yun ang bagay na walang may nakakaalam.
WAKAS !
BINABASA MO ANG
The Dark Pages II " Book Compilation " { On Going }
HorrorIsang Libro...... Sampung kwento na tiyak magpapatindig ng iyong balahibo.... Halina't sumama sa mundong puno ng kadiliman , katatakutan at misteryo..... Tara na't salubungin ang ikalawang taon ng........ " The Dark Pages II " -Dark...