Chapter 16

26 1 0
                                    

Ano ba 'yan. Lahat na lang sila sinasabing bigla na lang ako nagbago. Parang bigla bigla na lang nawala ang makulit na Yuri. Hindi naman ako totally na nagbabago... siguro may mga konting changes lang pero makulit pa din ako. Papalipasin ko muna siguro 'tong mga kalituhan sa puso ko tapos keri na!

Tinanong ulit ako ni Sir tungkol sa pageant. Sayang daw kasi. Kaya heto, nagdadalawang isip ako. Tinanong ko si Kuya at heto ang naging usapan namin:

K: Ano?! Pageant?!

Y: Bingi? Paulit ulit?

K: Eh bakit ka umayaw?

Y: Parang 'di ko kaya

K: First time mo nga 'di ba? Syempre wala ka pang experience.

Y: Nakakatakot naman kasi Kuya

K: Kaya mo 'yan! Ikaw pa! Kapatid kita eh. Kaya sa susunod na tatanungin ka ulit ng Prof mo, umoo ka na! 'Wag ka na tumangi. Pero teka, wala namang swimsuit competition diyan 'di ba?!

Y: Wala... ata?

K: Alamin mo! Bah! Kapag may swimsuit competition hindi ako papayag ok?!

Y: May sister complex ka na ano? Aminin~

K: Kadiri. Ayoko lang na may makakita ng cellulites mo. Maawa ka naman sa kanila.

Y: Wala akong cellulites!

K: Varicose veins!

Y: Ano?! Ikaw an-an!

K: Eczema!

Y: My daughter has ec-zema. Hahaha

K: Tumuloy ka na. Malay mo may twist ka palang hindi inaasahan?

Y: Hmmm...

K: Tumuloy ka na! Sayang. 'Di ba may cash prize 'yon? Haha. Dali na!

Y: Hmmm...

K: Tutuloy na 'yan!

Y: Sige. Tetext ko na si Sir.

K: Good girl!

Y: Wala kang porsyento sa cash prize ko, ok?

K: Oo. Sali ka na. Para madivert na rin attention mo. Ginugulo ka na naman ng Jiro na 'yon 'di ba?

Y: Paano mo nalaman?

K: *segway* Ma. May Piattos ba tayo diyan?

M: *shouts* Oo. Dalawang green binili ko.

Y: Oi. Kausap pa kita!

K: Teka.

Tapos kinuha na niya yung isang piattos at nanginain kami habang naunuod ng movies.

Wala nga rin eh. 'Di rin niya sinagot tanong ko. Kainis. T3T Pero sinabi na rin niya na kasi nga daw marami siyang galamay na hindi ko nakikita. Korni aba.

Tinext ko na din si Sir Lemuel. Nagsorry din ako dahil nga sa abalang nagawa ko. Ininform na rin niya ako sa mga naganap. Hindi daw siya kumuha ng replacement ko kasi alam niyang babalik din ako sa competition. Sweet! Hihi. :3

Tapos sa mga dance steps tuturuan na lang daw ako ng partner ko. Sana marunong sumayaw magiging partner ko. Sabagay... kukuha ba sila ng hindi? Sana hindi. Hahaha. Kapag ganon potek matatawa ako ng sobra. :'D

*Ring ding dong ring ding dong digiding digiding ding ding*

Y: Oh Rin? Bakit?

R: Yuri, 'di ba ngayon na 'yung photoshoot na nacancel kasi nakahanap na daw ng iba si Dave?

Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon