Chapter 1

435 10 16
                                    

Yuri's POV

Ako nga pala si Carla Yuri Go. Isang mabait na bata, simple lang pero rock, medyo makulit at fickle-minded. I fell in love once and I don't want to feel abandoned the same way he did.

Monday. June 7, 6:00 am habang naksakay ako sa jeep. Back to school na kami. Welcome College life! Pakiramdam ko matanda na ko. Chos.

''Makikiabot po ng bayad. Isa pong Gregorio, estudyante." Aba. Parang walang nakaririnig sa akin sa loob ng jeepney sa 'to. Sa dinami dami ng tao wala man lang pumapansin sa akin.

''Makikiabot po ng bayad.''

''Makikiabot po ng bayad.''

"Makikiabot po ng bayad."

Naulit pa ito ng ilang beses at hindi pa rin inaabot ang bayad ko. Mahina ba boses ko? Last time na narinig ko boses ko at last time na nakausap ko si Mama talo ko pa daw ang Beats ni Dr. Dre. -_____-

Nilakasan ko pa lalo 'yung boses ko kaya ayon naiabot na rin sa wakas ang sampung pisong pinaghirapan ng ama't ina ko. Hoho. It was then I found out na itong mga estudyanteng kasabay ko ay pare-parehas na nakaearphone at hiwa-hiwalay sa mala-pa-Lucban na jeep.

Since naging ganon ang nangyari palalampasin ko na lang and magpapasalamat ako sa nag-abot ng bayad ko. :>

''Salamat Kuya!'' bulong ko doon sa nag-abot.

''Wala 'yon. Welcome.'' sagot niya. Woah. Narinig niya pa 'yon? Parang namumukaan ko siya. Hmmmm

''Pwede magtanong?'' nagtatanong na nga ako eh 'no?

''Geh.'' matapos niya sabihin 'yon tinanong ko siya kung "Taga Rodolfo ka ba?".

"'Di ba obvious?" palokong sagot ni Kuya. Oo nga nakauniform siya ng pang RHS at nakalanyard pa. Maganda pala siya ngumiti. Alam mo 'yung Duchenne smile? Ganon!

Ngiti ka pa ng isa daliiii \(*u*)/ Pagkatapos namin mag-usap saglit nilagay na nya ulit 'yung headset niyang color white.

Sa wakas nakababa na ko sa lesheng jeep na to. Pero infairness nakakilala ako ng kaibigan(?) dahil sa jeep na 'to. HALA! Late na pla ako ko 7:00 time namin tapos 7:25 na ko dumating T.T napaupo tuloy ako sa dulo,malapit sa bintana. Mahirap 'to. Hindi pala! Sa mga ganitong pwesto pala nakaupo ang mga heroine sa mga anime.

Think positive! Since ayokong natutuyuan ng laway kinausap ko ang katabi ko sa kaliwa.

''Hello! Kamusta?'' sabi ko dun sa kalapit kong babae.

''A-ayos lang naman. Ikaw?'' sagot niya. Ngayong nag-uusap na kami napansin ko na marami pala siyang nunal at medyo petite.

''Huwag ka na mahiya! Saan ka nag-aral? :)'' tanong ko. Wala na akong matanong. Merk merk.

''Sa MSI National High School. Ikaw?" sagot niya. Ang alam ko halos henyo mga galing dito. Expert peeps.

''Kapwa public! Hoho. Bernardo Sigmund Amorsolo National High School. Haba ano?" sabi ko sa kanya. Hindi na kami natapos ng usapan kasi dumating na si Professor.

Napakaboring nga ngayong kasi halos buong araw nagpapakilala lang kami tapos sa mga susunod na araw na lang daw kami ililibot sa school. To be specific bukas. HAHA. 'Di ba parang highschool lang? Maliit lang naman ang unibersidad na 'to.

After a week wala naman masyadong nangyari sa amin. Puro lecture/discussion lang. Tapos puro essay, quiz at seatwork the following week. Nakakapanibago. Huhu. Pwede bang highschool na lang ulit? Miss ko na mga kaibigan ko. :'(

I don't even see any familiar faces here.

I tried to look for the guy na nakausap ko sa jeep. Dahil mahirap ata na wala akong pen name sa kanya, pangalanan na lang natin siyang...Mr. Smile.

*phone ringing*

Ako: Hello?

Caller: Uhm...hi?

Ako: Who are you?

Caller: 'Di ba ikaw si Yuri? Ano kasi... anoo... kasi...ahm... xhguzwotonaamtavnjata

Ako: What? Kung wala kang magawa sa buhay mo, 'wag mo na akong idamay.

Caller: ....

Ako: The hell... sayang load mo, sayang din oras ko. Leche.

Magkakaphobia na nga yata akong sumagot ng mga calls na hindi registered 'yung number sa akin. Dati kasi may tumatawag sa akin na kung sino tapos kung ano-anong sinasabi. Should I change my number? Kaso bigay pa 'tong sim ko ng bestfriend ko. Pero nagsalita pa siya.

Caller: *murmurs* Ano...huwag ka nang masungit magpapakilala na 'ko.

Ako: What? Talk.

Caller: Si Jiro 'to. Miss na kita. Hindi mo na rin ako pinansin.

*ends call*

WHAAAAT? I need to call Beks.

*calls Beks*

Beks: Oh bakit?

Ako: Beks! Si Jiro! Ano...leshe! TUMAWAG!

Beks: Anong sabi ng kumag na 'yon?

Ako: *imitates Jiro* Miss na kita. Hindi mo na rin ako pinansin

Beks: Walangyang 'yon. Magpalit ka na ng number!

Ako: A...yoko

Beks: Pa-Maria Clara ka na naman eh.

Ako: Eh kasi!

Beks: To forget or not?

Ako: To...forget

Beks: If you are worrying about the sim, ayos lang. Tago mo na lang 'yan. I'm not that sensitive sweetcheeks!

Ako: Since mas kilala mo ako, I'll follow you Beks.

Beks: Good girl!

Ako: Yes Ma'am! [Just like what my bestfriend says, delete it.]

Beks: Bebe Gurl, may pinadala ako diyan sa inyo. Wala pa ba?

Ako: Alin? Etong box na may nakalagay na ''DO NOT TOUCH"?

Beks: Yes please

Ako: 10 Easy Steps to Move on by XYZ, anong gagawin ko dito?

Beks: Kainin mo. Dejoke. Read that book tapos gawin mo yung checklist na nakainsert dun sa may bandang middle.

Ako: Sige. I'll try.

Beks: Anong *imitates my voice* I'll try~ Nek nek mo Girl! Sige! Bye na!

Jiro...Jiro... isa kang malaking dumi! Makikita mong dumi ka! 10 Easy Steps to Move On? Why not?! Maitry na rin!

Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon