Chapter 19

9 0 0
                                    

Harudiosko.

Iba pala talaga nagagawa ng pageant. Akalain mong may magpapapicture sa akin? Shet ang ganda ko talaga. Pwede na akong legit na artista. Nagtataka nga ako bakit hindi pa rin ako kinukuha ng ABS-CBN at GMA. Nako nako.

HAHAHAHAHAHAHAHA LAKAS NG HANGIN.

ANYWAYS

MIDTERMS NAAAAA!!!!!

Kailangan kong magsunog ng kilay at maging mataas naman grades ko. Maging proud pa aking mader, pader, koya at ng buong buong bloodline ko. MEHEHEHEHE

Eto schedule of exams ko:

Monday, walwal day
Tuesday , walwal day.
Wednesday, tatlong walangyang exams.
Thursday, dalawang major exams.
Friday, isang malaking pagsubok ni Hesus, Math.

Hindi naman ako ganoon kahina sa Math. Actually naipanglaban pa ng ako nung high school (deym). Kaso ako yung pinakahina sa aming 3 (at least napili HAHAHA).

Kaya buong Saturday naghahanap lang ako ng mga tutorial videos sa Youtube at Google. Kaya naman kaso feeling ko kulang pa rin. Tipong kahit 150% ko na, kulang pa rin. Maiiyak ka na lang talaga minsan.

Kayaaaa, nagpaenlist ako sa Math Clinic ng College of Engineering.

Since Monday is walwal day, pumunta na ako ng Math Clinic at magpapaturo. Nagsign in na ko, ID verification, sinulat ang dahilan kung bakit ako nandoon (nilagay ko 'May malaking pagsubok po sa akin si Hesus. Tulungan niyo po akong manatili sa magandang unibersidad na ito.') at nag-intay ng kaparehas ko ng vacant time.

10 minutes

15 minutes

20 minutes

Wala pa. Nako hindi ko na mahal ang paaralang ito. Magtatransfer na ako. Chos.

Buti na lang talaga lmay para silang mini library dito nakapagbasa ako ng kaunti. Nakuha kong libro ay *tenenen* 50 Shades of Grey Tagalog Version. DioskopoLord. Hanap pa ng iba. Eto! The Little Prince! Maganda daw 'to. Try kong hiramin mamaya.

"Miss, sorry for the delay. May classes po kasi yung mga volunteer sa Math Clinic for today kaya ako na lang po muna. I'm Christian Langit." sabi sa akin ng isang Kuya na naka grey polo shirt at black pants. His haircut's like Lee Jong Suk on I Hear Your Voice. He's also a megane type of bishounen. With legit glasses (may grado talaga) and braces.

Lord, thanks. Worth the wait.

Charot. Lumalandi lang. Pagpasensyahan na po. Dalaga eh. hihi

"Ah~ okay lang po. Yuri Go." pagpapakilala ko and then he offered his hand. I gladly accepted him as my lawfully wedded husband. CHOS. Kamayan lang naman :>

Iniassist niya ako papunta sa table number 1. Favorite niya daw kasi yun kasi lahat ng tinuturan niya dun nakakauno sa exams.

"Anong topic ka sa Math may difficulty?" tanong niya sa akin habang inaayos niya yung salamin niya.

"Ah dun sa x and y chorvalu substitution tapos yung ipaplot." explanation ko sa kanya.

"Ahhhh okay gets. Kanino kang prof?" tanong niya habang kinukuha niya naman yung Gtech 0.4 niya at isang business pad.

"Kay Sir Maglaria po." sabi ko.

"Nako nambabagsak yun! May dart board siya divided into uno, 1.25, 1.50, 1.75, 2.00, 2.25, 2.50, 2.75, 3 at singk0!" pananakot niya.

"TOTOOOO?" gulat ko na lang kasi bakit naman ganon? Ang daya! Sayang efforts ng estudyante sa pag-aaral kung ganoon!

"Oo. Bagsak ako dun sa kanya eh. Nako mag-ingat ka. Kwarto o Kwatro system." dagdag pa niya.

Totoo ba 'to? As in legit? As in totoo?

"Hahahaha joke. Mabait na professor 'yan si Sir. Medyo *kamay movement ng maliit/konti* mataas nakuha ko sa kanya." sa wakas kala ko totoo na eh. Maiiyak talaga ako.

"Oh. Good thing." sabi ko na lang.

"Shall we start? Para matapos agad tsaka para mas madami kang matutunan. I'll make sure na papasa ka sa exam na yun and the subject itself." pangungumbinsi niya habang nakangiti.

Ghad. Para siyang nabuhay na megane ikemen manga character. Hindi man ako pinagpala ng magandang lovelife pinagpala naman ako ng maraming gwapong nakikilala.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

MALANDI.

:>

He taught me a lot for 2 hours. Fun din syang magtutor. He makes math really easy. May bright personality din siya. Kumbaga parang magkaradar kami. We will meet again tomorrow para sa supplementary materials. Willing din daw siya akong turuan sa other subjects at eto matinde:

"I'm really looking forward to know you and be your good friend."

Pwede ba kong magmura kahit di ako nagmumura ng hard? HAHAHA

DIUSKOLORD MAY CRUSH NA RIN PO AKO SA WAKAS. THANK YOU PO!

KWENTO KO NA LANG SA SUSUNOD IN DETAILS LAHAT NUNG NANGYARI SA TUTOR SESSION SA SUSUNOD. I KENNOT CONTAIN MY FEELINGS ASDFJLMBHSOQMAGAVAIAKAHARTHART

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon