Prologue

878 14 30
                                    

Sabi nga nila.... 

Ang LOVE parang:

BATO, patigasan at higit sa lahat…it’s hard

CUSTOMER, always right kasi

CHOCOLATE, sweet but it can cause cavities

GRAVITY, hihilahin ka pa rin papalapit sa kanya

TRIGONOMETRY, kailangan ng proofs para masabing legit

LOTTO 6/49, you only have 1/ 13 983 816chance to win the jackpot

BASKETBALL, kailangan ng team work para maganda ang kalabasan

CODES, 101010101010101111000111 medyo mahirap maperfect ang program

TWITTER, you can tweet whatever you want pero may limit pa rin and 140 characters lang ang allowed per tweet

At para yang KIDLAT na kapag tinamaan ka, patay ka.

Kaya nga maraming natatakot magmahal dahil sa mga consequences na pwedeng idulot ng PAG-IBIG. Kapag nahulog ka kasi ang hirap nang umahon. Parang natrap ka sa isang never ending na daan, hindi mo alam kung saan ka mapupunta o may katapusan pa ba ang pinagdadaanan mo. Swerte mo na lang kung may taong sasagip sayo. Ngunit paano na kaya kung wala? Mukhang minamalas ka na, pinagkaitan ka kasi ng tadhana.

Tandaan: Maunang mainlove TALO at huling makamove on TALO.

You can’t start the next chapter of your life if you keep re-reading the last one.

Pero paano mo nga ba maiiwasang isipin ang nakaraan kung tanging yun lang ang natitirang ala-ala niya sayo? Masisi mo ba ang utak mo kung parang sirang plaka na lang na replay ng replay ang mga ala-ala mo kasama siya? Hindi ‘di ba? Pero ano ba ung puno’t dulo nito? ‘Di ba ito ang PASAWAY na puso natin na walang ibang ginawa kundi isigaw ung pangalan ng iniibig natin? Halimbawa ‘yong tipong: “YEAH BEYBEEEEEE NAKA MOVE ON NA KOOO TSUPI FIRST LOVE! DUN KA NA SA BERMUDA TRIANGLE! AT MAGPALAPA SA MGA PATING NYAHAHA!”

Kaso ang sabi nga nila, the heart always speaks first. Isang pintig lang nito babalik na lahat ng nakalimutan mong paghihiganti, pagmomove on at higit sa lahat ang galit na iniwan ka niya. 

The past cannot be changed, forgotten, edited or erased; it can only be accepted.

Tanggapin na lang ang lahat. The end! Joke :)

Pero ano nga ba ang gagawin mo kung may isa o mga taong dumating sa buhay mo at binuhay ulit ang kinadena mo nang puso?

Paano na rin kung bumalik ang nakaraan mo at sinabing Ikaw pa rin ang minamahal niya? Tatanggapin mo pa ba sya? Kakalimutan mo na lang ba lahat ng ginawa nya para maging masaya kayo o ikaw?

Ngunit paano kung may nakisali sa kwento ng inyong supposed-to-be-happy-ending?

And then what will you do if you don’t know that unconsciously, you fall in love with someone you didn’t even want to? 

Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon