Chapter 11

100 3 0
                                    

Yuri’s POV

Sa hindi inaasahang pagkakataon… nakita ko ang pinakaayaw kong makita. Ang iniiwasan ko at ang kinaiinisan ko sa lahat.

“8. If by chance you accidently meet each other, stay away or move away from the area.”

Kakayanin ko kaya talaga ‘tong number 8 sa sitwasyon na meron ako ngayon? Mukhang talo ako. Tatakbo na sana ako palayo at pipiglas na sana ako kaso hawak na niya ang balikat ko at napakahigpit na ng hawak niya sa right hand ko.

Urgh. Ganito pala yung nararamdam nung mga heroine sa manga at drama kapag nakakaharap na yung pinakaayaw nila makita. Nakakapanghina. Wooo. Mesyede ne ekeng neheleg se peg-ebeg ne ete.

Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari. Naramdaman ko na lang na kusang sumama ang other self ko sa kanya. Patuloy lang kami sa pagtakbo sa ilalim ng init ng araw at pawis.

''Oi ikaw napapasarap ka na sa paghawak ng kamay ko ah! Bitawan mo nga ako! Mamaya may makakita sa atin! Uupakan na kitang bwiset ka!'' sabi ko kanya. Ang weak ko kainis! Ni hindi ko maalis yung kamay ko sa kamay nya. Makapagmixed martial arts na nga kaya ako?

'Tss. Kunyari ka pa. Kinikilig ka naman.'' sabi nya. Ay taragis koya. Letsi ka.

Grabe lang ah lakas ng loob mo.

''Kilig? Naririnig mo ba sarili mo? Will you shut it?!'' baka mahulog na naman ako sayo. Im barely hanging, I’m barely breathing, and I’m barely hanging on my stupidity.

''A-Y-O-K-O. Takasan mo na naman ako.'' pang-iinis niya.

''Matamaan ka sana ng kidlat. ‘Di ako tumatakas. I’m not even a criminal.'' sabi ko sa kanya. Siya kaya ang kriminal. Magnanakaw ng puso. :P

''Naks English. Ah basta kahit ano pang sabihin mo, ‘di kita bibitawan'' pagpipilit niya. 

''Peste ka!'' bakit ba ang kulit nitong nilalang na ‘to? Pwede bang dalhin nyo na lang ‘to sa Mars? At makipagtakbuhan sa mga Martian? O kaya naman sa black hole na lang para sure na deads na ‘to at hindi ko na makikita.

''Please, bitawan mo na ako. Kung hindi-'' pakiusap ko. Ah ah, ayoko na. :'( Nahuhulog na naman ako. Pasaway talaga tong puso na ‘to. Tokwa.

''Kung hindi ano? Sasampalin mo ko?'' pagtatanong niya sa akin.

''May sinabi ba ‘ko? Gusto mo? Tuko ka! Bitawan mo na ko please tsaka ang init kaya!'' reklamo ko sa kanya. Bakit tuko? Kasi para ka siyang tuko na hanggang ngayon ayaw iwan ‘tong pesteng puso ko. Kala ko kaya ko na kahit ilang buwan pa lang ang nakakalipas. Ni ayoko nga iavail ‘yung three month rule kasi alam kong matatalo na naman ako at siya na naman ang panalo. Grabe sa pagiging manhid nito ni Jiro. Lampas sa earth at umabot pa hanggang sa Multiverse.

''Hindi rin. Ayoko. Ang lambot lambot kaya ng kamay mo~'' pagbibiro niya. Che! Manhid ka! Manhid! *sings* Oh kay manhid ka, manhid ka, walang pakiramdam~

''Alam mo… ‘di wala lang pala.'' sasabihin ko sana sa kanya na Alam mo, sa lahat ng malanding taong nakilala ko, ikaw ang pinakamalandi.

''Ano ‘yon?'' tanong niya. Sabihin ko na kaya para macheckan ko na yung number 10 sa checklist?

''Wala. Dahil wala na rin naman akong magagawa sa katigasan ng ulo mo, bilisan na lang natin na makapunta sa school. Tsaka pwede bang pakibitaw na? Ok lang naman ako e. Kahit payungan mo na lang ako. Hinding hindi na ako magrereklamo. Basta bitawan mo lang kamay ko.'' pakiusap ko sa kanya. Pero sa totoo lang, gusto ko ‘to. Ang landi ko ‘di ba? Sorry naman. Ikaw ba? Halos crush mo ng halos kalahati ng buhay mo tapos hindi mo pa nakikita at eto ang matindi, naging boyfriend mo pa. ‘Di ka ba magnanais na maging close ulit? Puro sa pictures lang sa FB pero binlock at dinelete mo na rin kasi hindi na pwede. ‘Di ba, ‘di ba? Mamimiss mo din siya kung ikaw ang nasa pwesto ko ‘di ba? Nakakaasar ano? Nakakaasar ako. Nakakaasar ang mga desisyon at pag-iisip ko. Nakakaasar ‘tong puso ko kasi mali magdikta. Pwede namang iba na hindi na taken ‘di ba? Kaya… Author! Ireto mo na ako kahit kanino! Kahit sa kamukha ni ano… nino nga… ah basta bahala ka na! 

Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon