Chapter 13

138 2 0
                                    

Third Person's POV

''Achoo! Sinisipon na ata ako. Sino bang nagsabing magpaulan ako? Argh! Asar naman dapat kasi 'di ko na lang pinansin yung lalaking 'yon eh. Nakakairita. Tulo pa ng tulo tong pesteng luha na 'to. Gaaaah!'' sigaw ni Yuri habang nagsastomp ng feet na parang isang bata at pinipigilang tumulo ang kanyang luha gamit ang pagtalon ng nakatingala.

"Gawin ko din kaya 'yung ginagawa ni Hua Zhi Lei?" naisip ng dalaga. Pero napatawa na lang siya kasi nga hindi naman siya ganoon ka atheletic para magheadstand.

Habang umuulan ng malakas, napag-isipan niyang sayang lang ang mga luha niya pero naisip rin niya na kung 'di pa ngayong nakikisama ang panahon, kailan pa? Kailan pa niya ilalabas ang mga luhang pilit niyang ikinikubli sa kanyang mga ngiti? Hanggang kailan pa siya aasang ayos lang lahat kung alam na niyang kahit kailan 'di naman naging masaya ang puso niya?

''Bakit ba naman kasi sa kanya pa eh?! Bakit?!'' sigaw pa niya. Mabuti na lang walang tao sa lugar na pinaglalabasan niya ng sama ng loob. Malaya siyang gawin ang kahit ano. Walang gumagambala sa kanya maliban na lamang sa pasulyap-sulyap na kulog at kidlat. Natatakot pa rin siya sa dilim at kidlat pero mas nangingibabaw sa kanya ang pagnanasang ilabas ang nararamdaman niya.

Nang sa 'di kalayuang lugar...

''What an annoying creature.'' wika ng isang matangkad, balingkinitan, maputi at gwapong lalaking may malagong na boses.

Sa 'di nya malamang dahilan, ninanais niyang lapitan ang ''annoying creature'' na 'yon para pasukubin sa kanyang payong. Ngunit napag-isip isipan niyang...

''Humans tend to fall inlove to those who are there when their hearts shatters into pieces.''

At matapos nito, unti-unti, tumalikod siya at nagsimulang lumakad palabas sa lugar na kanilang kinaroroonan.

Samantala, tahimik namang nilalasap ng dalaga ang bawat pagpatak ng ulan na lumalapat sa kanyang mukha habang nakapikit at nakatingala sa langit. Muli'y nagsalita siya at iminulat na ang mga mata.

''After this rain, this feeling will stop nor will never grow.'' at matapos niya ito sabihin naglakad na rin siya palabas sa lugar na nagbigay sa kanya ng comfort.

Habang naglalakad siya, nabigla na lamang siya ng may nagpayong sa kanya.

''Thanks'' -Yuri

Hindi naman sumagot ang lalaki at sa halip ay binigyan niya ito ng isang ''smirk'' at tahimik lang na pinapayungan ang babae. Kahit papaano naman kasi magkakilala sila.

''Hey. Where the hell are you going?'' tanong ng lalaki.

''Basa na rin naman ako so there's no need to give me that stuff.'' sagot naman ng babae.

Napakamot na lang ang lalaki ng ulo at napasinabing ''She's really a stubborn girl.'' ng pabulong.

''Do whatever you wan-'' at 'di na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil biglang nagsalita si Yuri.

''Bakit ganon kayong mga lalaki? Bakit ang hilig niyo magpaasa? Bakit...'' and she break down again.

Nasa isip naman ng lalaki na ''Go, cry until the very last drop of this rain.'' at ayon nga sinabi niya iyon na nagdulot naman ng lalong pag-iyak ng babae.

Mabuti na lamang walang ni isang taong naglalakad sa kalsada ngayon naulan nga naman kasi ng malakas at sino namang baliw ang magpapaulan sa ganitong panahon? Meron. Ayun, 'yung dalawang baliw. 'Yung isa naiyak, ung isa nakatayo lang na waring may iniintay na mangyari pa. Ewan ko ba, mahirap basahin ang nasa utak ng lalaking iyon. Sinabi niya ngang may plano siya hindi ba? Magulo siya. Sinabi din niya na ayaw niya daw maging parang tao na nandyan sa tuwing may heartbroken na tao.

Hear My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon