REVENGE ONE

5.4K 166 74
                                    

     Si Krishna ay malakas na nakisabay sa sigawan ng mga babaeng nagkakandarapa kay Christian na malimit nilang tawaging Chris. Sa dami ng mga babaeng tila ba mapatid na ang ugat sa leeg ay sinigurado niya na ang kaniyang magandang boses ang mangingibabaw sa kanilang lahat.

     Si Christian Holden ay isa sa mga kilala nitong lalaki na nagtataglay ng kakaibang kagwapuhan sa kanilang paaralan. Maliban sa singkit nitong mga mata ay mas nakakahalina ang kaniyang makinis at mapupulang labi, isama mo pa ang matangos niyang ilong at maputi na balat. Dahil sa kaniyang katangian ay malimit siyang masabihan na may lahi ngunit siya ay purong Pilipino dahil wala sa kaniyang mga magulang ang may lahing banyaga.

     Minsan nang naisip ni Krishna na siya ay mapalad dahil mayroong Christian Holden sa kaniyang buhay samantalang ang mga ganoong mukha ay nakikita't napapanood niya lamang sa telebisyon.

     Kung hindi niyo napapansin at alam ko naman na hindi talaga halata na ang lalaking si Chris ang ultimate crush nito. Hindi niyo siya masisisi dahil sabi nga niya ay tinatanggap lamang niya ang pagpapala mula sa Diyos.

     Hindi nito alam kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya sa binata ngunit sa tuwing makikita niya ito ay tila ba nakakapasok siya sa mundong tanging puso lamang ang umiiral.

     "Padaan po!" malakas na hiyaw ang pinakawala ni Krishna sa mga babaeng patuloy pa rin na nagkakagulo at naghihiyawan.

     Halos hindi na ito mahulugan ng karayom dahil sa nagsisiksikang mga kababaihan makita lamang ang kanilang iniibig na lalaking si Chris. Kung susumahin ay hindi na mabilang ang mga nagkakagusto sa binata, ang iba'y palihim lamang ngunit ang karamihan ay buong lakas na ipinapakita sa lalaki ang kanilang paghanga.

     Nasa kalagitnaan nang pakikipagsiksikan si Krishna ng may humatak sa pang commercial 'kuno' nitong buhok.

     "Masakit 'yon, a!" galit na sambit niya sa kaibigang si Brix dahil sa ginawa nito.

     Siya si Brix Samante, ang kaibigan ni Krishna simula pa pagkabata. May mukha rin ang katoto niyang ito, ang kaso ay may pagkabaduy sa pananamit kaya hindi ito masyadong ma-appeal kaya babahagya lamang ang nagkakagusto rito kay Brix.

     "Nagsasayang ka lang ng oras diyan, Krish. Mahuhuli kana sa first subject mo," masungit at walang emosyong sabi ni Brix habang si Krishna ay kasalukuyang inaayos ang buhok nito dahil sa ginawang paghigit ng kaibigan.

     "Oo nga pala! Paalam, Brix!" natatarantang untag ni Krish bago ito kumaripas nang takbo patungo sa kanilang silid. Kumaway muna ito kay Brix bago pa man ito makalayo ng tuluyan.

     "You're late, Ms. Zurc!" bungad kay Krishna ng kaniyang adviser nang sandali siyang huminto sa pintuan.

     "Pasensiya na po, Sir," paghingi niya ng kapatawaran sa kaniyang guro habang nakatungo dahil sa nararamdamang pagkahiya. Lahat ng mga kaklase nitong nasa loob ng silid ay nakatitig sa kaniya at walang imik na pinagmamasdan siyang sinesermonan ng kanilang guro.

     "Araw-araw ka nalang nahuhuli sa klase. Ano bang problema, Ms. Zurc?" tanong ng kanilang guro kay Krishna.

     "Pasensiya na po talaga, Sir," muli niyang paghingi ng tawad sa guro ng hindi ito dinadapuan ng kahit kaunting tingin. Ramdam ni Krishna ang tensyon sa pagitan niya at ng kaniyang guro kaya ang mga mata nito'y kusang umiiwas sa bawat isa.

     "Maaari kanang pumasok pero aasahan kong ito na ang huli," seryosong pagkakasabi ng kanilang guro. Kilalang masiyahing tao ang kanilang gurong tagapayo sa labas ng silid-aralan ngunit sa oras na ito ay pumasok at magsimulang magturo sa loob ng parisukat na kuwarto ay wari nag-iiba ang pakikitungo nito sa mga estudyante at nagsisimulang maging seryoso.

PRETTY REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon