REVENGE SIX

1.4K 111 6
                                        


     Pilit na ibinubuka ni Krishna ang talukap ng kaniyang mga mata kahit pa pakiramdam niya na ito'y mabigat. Kalaunan ay matagumpay niya itong naimulat at kaniyang nakita ang nasa paligid. Sa kaniyang pagwawari ay nasa klinika siya ng kanilang paaralan. Inilibot ni Krishna ang kaniyang paningin at doon ay kaniyang nahagip si Chris na siyang namataan niyang nakaupo sa dulo ng kama na kaniyang hinihigaan.

     Nang sandaling maibaling sa kaniya ang mga tingin nito ay kaagad siya nitong nilapitan dala ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha. Mahigpit siyang hinawakan nito sa kamay habang ang isang kamay ay pinadaan sa mga buhok ni Krishna.

     "Okay kana ba, Krish?" pagtatanong ni Chris habang patuloy sa ginagawang paghagod sa buhok ni Krishna.

     "Anong nangyari? Bakit ako nandito?" nagtatakang tanong ni Krishna. Wala kahit na katiting o maliit na detalye sa kaniyang memorya ang nalalagi kung paano siya napunta sa lugar na iyon.

     "Ipapaliwanag ko sa'yo mamaya, Krish, pero sa ngayon ay hintayin mo una ako dahil sasabihin ko lang sa nurse na gising kana para makalabas kana rito sa clinic," sabi ni Chris at saka agad na tinungo ang kinaroroonan ng nurse.

     Habang hinihintay ang pagbalik ni Chris ay bigla na lamang nakaramdam ng kaunting pananakit ng ulo si Krishna kasabay nang pagsakit din ng ilang parte ng kaniyang katawan.

     "Tara na, Krish," untag ni Chris habang siya ay naglalakad papalapit sa nobya kasama ang nag-iisang nurse na siyang naiwan sa klinika upang bantayan si Krishna.

     Bago pa man sila tuluyang makalabas, nagsagawa muna ito ng pagsusuri kay Krishna upang masiguro na talagang maayos na ito at pwede nang umuwi sa kanilang bahay. Pagkatapos ay ipinabatid nito na maayos na Krishna kaya sila'y maaari nang makalabas.

     Sa paglabas nilang dalawa sa klinika ay dagling napansin ni Krishna ang katahimikan sa labas. Walang estudyante sa paligid at madilim na rin ang kalangitan. Tanging mga ilaw lamang sa pasilyo ang siyang nagbibigay liwanag sa paligid.

     "Anong oras na, Chris?" pagtatanong ni Krishna kay nobyo na naging sanhi ng pagtingin nito sa kaniyang relos.

     "Ang oras ay alas sais apatnapu't lima na ng gabi. Kailangan mo nang umuwi, Krish. Get inside," sambit ni Chris nang sila ay makarating sa kotse nito. Agad itong pinasok ni Krishna at sinundan naman siya ni Chris. Nang parehas na silang naroon sa loob ay kagyat na itong umandar.

     "Hindi mo ba talaga matandaan, Krish?" pagtatanong ni Chris sa katabing si Krishna habang ang mga mata nito ay seryosong nakatingin sa kanilang dinaraanan.

     "Wala akong matandaan kahit na kaunti," walang ideyang tugon ni Krishna. Natatanaw sa kaniyang mga mata ang kagustuhang malaman ang pangyayaring kanyang hindi mapagtanto kaya lubos na kasiyahan ang kaniyang nadama nang magsimulang magkwento si Chris.

     "While we are in the canteen, you are attacked by Kianna. She strongly pulled your hair and your head goes straight to one of the canteens' seats which causes your loss of consciousness," pahayag ni Chris habang kapansin-pansin ang pagiging tulala ni Krishna.

     "Mabilis ang naging pangyayari kaya wala ka masyadong maalala. Pero huwag ka mag-alala, Kianna has already received his lesson and I'm sure that she will not do it again," dagdag pa ni Chris na nagpatango-tango sa nobya.

     Sa hinaba-haba ng daan ay tuluyan nang nakauwi sa kanilang bahay si Krishna. Nakadampi ang palad niya sa kaniyang ulo habang naglalakad papasok ng kanilang tirahan. Hindi niya maitago ang kirot na nararamdaman sa kaniyang ulo na unti-unting nagkakaroon ng pamamaga o bukol dahil sa malakas na pagtama nito.

PRETTY REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon