REVENGE FIVE

1.5K 107 8
                                    

     Pinaghalong pagkagulat at kilig ang nararamdaman ng ngayo'y nahihiyang si Krishna. Halos sumambulat na ang kaniyang puso nang manalaytay sa kaniyang tainga ang narinig mula kay Chris. Hindi nito alam ang gagawin, tila ba biglaang naging blangko ang kaniyang isipan. Maging ang kaniyang diwa ay wari naapektuhan na rin.

     "Okay ka lang ba?" Isang elektrisidad ang natanggap ng kamay ni Krishna nang sandali itong madampian ng kamay ni Chris. Iyon ay lubos niyang ikinagulat na naging sanhi ng pahapyaw niyang pagsigaw.

     "A, o-okay lang ako," tugon ni Krishna habang dahan-dahang inilalayo ang kamay sa binata, ngunit patuloy naman si Chris sa pagkapit sa kamay nito, para bang wala na itong balak na bitiwan ang kamay ni Krishna.

     "Wala ka bang sasabihin sa akin, Krish?" nakangiting pagtatanong ni Chris. Ang mga mata nito ay seryoso lamang na nakatitig sa mukha ng kaharap niyang si Krishna. Kaniyang inaabangan ang magiging tugon nito.

     "Chris..." mahinang anas ni Krishna. Ang ulo nito'y nakayuko ngunit katagalan ay ito'y unti-unti nang nagkakaroon ng lakas ng loob na harapin ang maamong mukha ng binatang si Chris.

     "Yes?" tugon ni Chris. Hindi maiwasan ng binata na babahagyang matawa dahil sa kinikilos ni Krishna.

     "Chris, hindi ba tayo masyadong mabilis?" diretsong tanong ni Krishna ngunit mapapansin pa rin ang kaniyang kaba dahil sa tono ng kaniyang pananalita.

     Ngumisi si Chris at sabay na ipinatong ang dalawa niyang braso sa lamesa. "Come closer," sambit ng binata, sanhi ng mahinay na paglapit ng tainga ni Krishna sa labi ni Chris.

"I just want to be yours, Krish," bulong ni Chris. Naramdaman ni Krishna ang pagbagtas ng mainit na hininga ng binata sa kaniyang tainga kalakip ang matamis na sinabi nito.

     "Ikaw, gusto mo ba na maging sayo ako?" karagdagan pa ni Chris.

     Kung gaano kabagal lumapit si Krishna kay Chris ay ganoon din siya kung lumayo sa binata. Urong ang dila nitong umayos ng upo habang hindi pa rin kumukupas sa mukha ni Chris ang nakakawasak na pagngisi.

     Lumipas ang ilang minuto nang wala pa ring lumalabas na kahit isang salita sa bibig ni Krishna. Hindi nito alam ang gagawin at sasabihin. Siya ba ay mapapangunahan ng kaniyang pagmahahal tungo sa binata o mas papairalin ang utak na nagsasabing tumanggi dahil may tamang oras ang mga ganoong bagay.

     Ang mga tingin ni Krishna ay unti-unting tumungo sa mga mata ni Chris at doon ay diretso niya itong tinitigan. Buo na ang kaniyang desisyon at kahit ano mang mangyari ay haharapin niya ng buong tapang ang posibleng maging dulot nito.

     "Pumapayag na ako, Chris," tugon ni Krishna na naging dahilan upang mas lumawak pa ang mga ngiti ni Chris. Ilang saglit ay lumitaw na rin ang ngiti sa labi ng Krishna na simbolo ng kaniyang kasiyahan at pagsabi sa sarili na tama ang kaniyang naging desisyon.

     Si Chris ay tumayo sa kaniyang kinauupuan at saka pumaroon sa kinalalagyan ni Krishna. Mahigpit niyang niyakap ito kasabay ng banayad nitong paghalik sa noo.

     Habang nasa ganoong posisyon at pagkakataon ay nagbuntong-hininga si Krishna. Hindi niya magawang kuruin na ang lalaking tinitilian at kinababaliwan niya noon ay kaniyang nasa harapan at sinabing siya ay mahal nito. Ang kaniyang kahilingan ay mapansin lamang siya ni Chris pero ngayon ay siya na ang opisyal na nobya nito. Sa kabilang banda, pakiramdam ni Krishna ay masyadong mabilis ang mga pangyayari ngunit siya ay puno ng kagalakan dahil dito.

     Matapos nilang kumain ay kaagad na nilang nilisan ang restawran. Aminado si Krishna na siya ay hindi kumportable dahil kasalukuyang magkahawak ang kanilang kamay habang nililibot ang kabuuan ng Mall.

PRETTY REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon