Bumungad sa akin ang panibagong umaga, kaagad kong tinungo ang aming kusina upang kumain, ng marami. Sinigurado ko rin na hindi ako magugutom sa school kaya't nagbaon ako ng sandwiches nang sa gayon ay magkaroon ng lunas kung sakaling kumalam ang aking tiyan.
"Kuya Jim, alis na po tayo," pag-aaya ko sa aming drayber na ngayon ay katatayo lamang mula sa pagkakaupo.
Bitbit ko ang tatlong pirasong libro sa aking braso at nang mabuksan ko ang pintuan ay una ko itong pinasok at pagkatapos ay sumunod na ako sa loob. Habang hinihintay si Kuya Jim na paandarin ang kotse ay tinanaw ko ang aking suot na relos at doon ay napabuntong hininga ako dahil kung aking tatansyahin ay matas ang posibilidad na mahuli na naman ako sa klase.
Wala na rin namang bago, sanay na ako. Sanay na ako sa pambungad na sermon ng aming guro at mga mapanghusgang mata ng aking mga kaklase. Kung tutuusin ay mas nakadadama pa ako ng kaba sa magiging sitwasyon ng aking tiyan mamaya dahil sandwich lang aking makakain, iyon lang ang magbibigay sa akin ng lakas sa buong araw.
Nang maramdaman ko ang paghinto ng sinasakyan kong kotse ay kaagad akong bumaba rito at pumasok na sa aming paaralan. Sinasabi ko na nga ba, late ako ng dalawang minuto kaya binilisan ko na ang aking mga hakbang patungo sa aming silid aralan. Hindi na rin sumagi sa isipan ko na puntahan at hanapin pa si Chris dahil mas lalo pa akong mahuhuli sa klase.
Sa araw din na ito ay mas kailangan ko ang mag-aral at hindi muna pagtuunan ng pansin si Chris dahil pansin ko na sa mga nakaraang araw ay siya na lamang ang aking alintana.
Sinulat ko ang lahat ng lectures at nag-advance reading na rin sa lahat ng subjects at madami-dami rin naganap na seatworks and quizzes. Mabuti na lang at naisip kong magbasa sa aming library kahapon kaya't nairaos ko ang aming mga pagsusulit.
Oras na ng recess, ito ako at kasalukuyang binabagtas muli ang daan patungong library habang kinakain ang sandwich na aking dinala at nang maubos ko ito ay tinungo ko muna ang basurahan sa likod ng library upang doon itapon ang plastic na ginamit pangbalot sa sandwich.
Nang matunton ko ang kinaroroonan ng basurahan ay napukaw ang aking atensiyon ng isang bagay na pamilyar sa akin.
Hindi ako pwedeng magkamali....
Hinding-hindi....
Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang supot na pinaglagyan ko ng mga ginawa kong proyekto ni Chris. Nanlaki ang aking mga mata at diretsong nakatitig sa supot na aking natanaw.
Kusang humakbang ang aking dalawang paa patungo sa kinalalagyan ng supot at doon ay tuluyan kong napagmasdan ito, wala itong pinagbago at para bang hindi ito ginalaw o nagalaw sa pagkakaayos.
bakit nandito 'to?
Nangunot ang aking noo at malalim na umisip ng dahilan kung bakit narito ang pinagpaguran ko, kung bakit narito ang mga proyektong binigyan ko ng lubos na oras at pagsisikap. Ang kaninang kasiyahan ay mabilis na napaliyan ng pagtataka at pagkagalit.
Wala akong mahanap na dahilan kung bakit natagpuan ko ito sa basurahan. Isa lang ang may kakayahang sagutin ang tanong ko. bakit nandito ito?
Walang iba kundi si Chris.
Kinuha ko ang bag mula sa basurahan at halos lumabas ang nanggagalit na ugat sa aking kamay dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko rito.
Mabigat ang aking mga hakbang at maaaninag sa aking mga mata ang nararamdamang galit. Hindi ko maintindihan, wala akong nakikitang rason kung bakit nakita ko ito roon at bakit ganoon nalang kung iwan ito ni Chris sa maduming lugar na iyon.
Matapos kong ilibot ang aking paningin ay aking natanaw ang imahe ni Chris, naroon siya sa waiting shed kasama ang kaniyang mga kaibigan.
"Chris, ano ito?" may kataasan ang tonong pagtatanong ko. Kaagad naman akong nilingon ni Chris.
"Ano ba 'yan?" tanong niya at saka tumungo ang kaniyang mga mata sa hawak kong supot. Pinigil ko ang galit na nararamdaman ko dahil maraming mga estudyante sa paligid.
"Ah, iyan ba yung mga pinagawa ko sayo?" kalmadong pagkakasabi niya na para bang hindi man lamang siya nakakaramdam ng pangamba.
Nanatiling nakatikom ang aking labi, walang kahit na anong salita ang gustong lumabas dito. Naramdaman ko na lamang na dumausdos sa aking pisngi ang mga luha na kanina pa namumuo sa aking mata.
"Ano bang problema!?" pagtatanong niya, nagsisimula na ring tumaas ang tono ng kanyang boses.
"N-nakita ko ito kanina sa basurahan, b-bakit mo to pinabayaan lang doon!" nauutal kong usal dahil pilit kong pinipigilan na lumabas ang galit na kanina ko pa kinikimkim.
"Anong gusto mo? Iuwi ko 'yan at itambak lang sa bahay?" sabi ni Chris at nanatiling mataas ang kaniyan boses ngunit ngayon ay may panlalaki na ng mga mata.
"Bakit ka ganyan, Chris?" pagtatanong ko habang patuloy na humihikbi.
"KASI HINDI NA KITA MAHAL!" pasigaw na pagkakasabi ni Chris. Nanlaki ang aking mga mata, hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o nagkamali lang ako ng pagkakadinig.
Napukaw ang atensiyon ng maraming estudyante at nagsimula ang mga itong magbulungan patungkol sa amin.
Para akong sinampal ng maraming beses sa sinabi ni Chris. Masyado akong naging abala sa taong kailanman ay hindi ako naging mahalaga.
"Ano Chris? Ulitin mo nga yung sinabi mo," sabi ko habang bumabakas sa mukha ko ang pagkagulat.
"Gusto mong ulitin ko? HINDI NA KITA MAHAL!" Malakas na sabi ni Chris na parang wala siyang pakialam sa pwedeng maidulot ng mga sinasabi niya sa akin.
"Okay kana? Umalis kana kung ayaw mong masaktan," muling usal ni Chris.
Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Chris at mariing tumitig sa kanyang mga mata.
"Chris please tell me that this is only a joke. Please tell me." Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang nakatitig sa mga mata ni Chris.
"Krish...". Huminto ng bahagya si Chris, "I don't love you anymore!" Pagpapatuloy niya.
Binitawan ko ang kaniyang mga kamay habang nakatungo ang aking mukha. Masakit sa akin marinig ang mga salitang iyon mula sa taong binigyan ko ng sobrang atensiyon at effort.
Huminga ako ng malalim at hinawi ang mga luha sa aking mga mata. Lakas loob akong humarap muli sa kinatatayuan ni Chris.
"You don't love me anymore? O hindi mo talaga ako minahal una palang! Ginamit mo lang ako! Binigay ko lahat sayo, lahat ng gusto mo ginawa ko! Naniwala ako sa taong walang ibang gawin kun'di lokohin ako. Sa bawat pagkikita natin lahat yun! Lahat kasinungalingan lang at walang katotohanan?--"
"Krishna, stop!". Pagputol sa akin ni Chris
"Now i know what love is! Pagmamahal na tanging sakit lang ang naidudulot. Magsisisi ka Chris na niloko mo ako! Hinayin mo ang karama mo!" sabi ko na punong puno ng puot at galit.
Mabilis kung nilisan ang lugar na iyon habang si Chris ay ang tanging ginawa lamang ay ngumiti ng nakakaloko na tila ba pinadaan niya lang sa kabilang tenga niya ang lahat ng aking mga sinabi.
Pumunta ako sa likod ng isang lumang building na walang masyadong studyante, pumunta ako sa ilalim ng puno at malakas na sinuntok ito ng maraming beses hanggang sa mamaga at magdugo ang aking kamay.
Sisiguraduhin ko na iba na ang Krishna Zurc na makikilala niya sa susunod.
I hate him, there's no way to express my feelings. Pero ang gusto ko lamang gawin ay ibalik lahat ng sakit Chris at karmahin siya sa panlolokong ginawa niya, Isinusumpa ko siya!
I've never done this before, Every hurt needs a punishment.

BINABASA MO ANG
PRETTY REVENGE
Roman d'amour[COMPLETED-EDITING] NAGMAHAL. NASAKTAN. NAGHIGANTI Sa maraming tao na nagmamahal sa mundo ay siguro'y may nasaktan na rin dahil sa pag-ibig at dadaan sa proseso ng paglimot upang mawala ang sakit na iniwan ng mga lalaking mapaglaro at mapanakit pagd...