SIMULA

69 4 0
                                    

SIMULA


"Fernan, ano ba?! Kailan mo ba titigilan 'yang pambababae mo ha? Nagsasawa na ako. Lagi na lang tayong ganito!" rinig kong sigaw ni mommy noon habang nagtatalo sila ni daddy sa harap ko. Nakasakay kami sa kotse noon.

"Nagsasawa ka na pala eh. Itigil na natin 'tong kalokohang ito. Ikaw na rin mismo nagsabi na lagi na lang tayong ganito, so let's end up this kind of shit!" sigaw ni daddy kay mommy habang nagmamaneho siya.

"How about us?! How about our daughter?! Ha?!" anong ni mommy.


Natahimik si dad noon at rinig ko naman ang paghagulgol ni mommy. Nasa likod lang ako ng kotse noong mga panahong iyon at nakikinig lang sa mga pagtatalo nila habang yakap-yakap ko ang manikang si Renesmee. Sa murang edad ay nasaksihan ko na ang mga naging pagtatalo ng mga magulang ko.

Nakita ko ang ang pagsipat ng tingin sa akin ni dad mula sa rear view mirror. Nakita ko kung paano lumambot ang mukha niya nang magtama ang aming mga mata. Hanggang sa narinig ko ang pagsigaw ni mommy. Ang sigaw ni mommy na halata ang takot. Nakarinig ako ng malakas na busina mula sa magkabilang gilid ng aming sasakyan kasabay ng pagkahilo't pagkatumba ko nang may malakas na sumalpok sa aming sinasakyang kotse.

Ilang minuto ang lumipas at unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagtulo ng isang malamig at malapot na bagay sa aking ulo habang yakap ko pa rin ang manika kong si Renesmee. Narinig ko ang pag-ungol ni mommy sa pangalan ko kaya iniangat ko nang kaunti ang aking ulo sapat na para masaksihan ang kalagayang sinapit n aking mga magulang noon. Parehas silang duguan at wala nang malay. Nakayuko ang ulo ni daddy sa manibela habang nakaipit ang mga paa sa may nguso ng isang truck na halos pumasok na sa driver seat na kinalalagyan ni daddy. Habang si mommy naman ay halos magkandabali-bali ang buong katawan sa pagkaipit rin ng isang truck na bumunggo sa parteng iyon. Msakit marinig na sa huling hininga ng taong mahal ko ay pangalan ko pa ang binanggit. Hindi ko alam ang gagawin noon, dahil naipit na rin ang dalawa kong paa. Wala akong sapat na lakas upang humingi ng tulong. Nanghihina ako. Bago ko pa man maipikit ang aking mga mata ay rinig ko na ang sigawan at boses ng ilang mga tao kasabay ng isang sirena ng ambulansya.

Nang sa pagmulat ko ng mga mata ko nadatnan ko ang sarili ko noon sa isang malinis at may puting dingding na kuwarto. Pinalilibutan ako ng mga doktor na nakasuot ng mga lab gown at nakangiti sa akin. May mga pinag-uusapan sila na hindi ko labis maunawaan noong mga panahong iyon. Lumipas ang ilang araw na naroon lang ako habang nagpapagaling, nang may tatlong babae ang dumating. Nasa mid-40's siguro at parehas nang suot ng damit. Nagpakilala silang mga opisyal ng DSWD at kinukuha ako para doon mamalagi upang may magbantay sa akin.

Tumagal ako roon sa isang pinagkakatiwalaang bahay-ampunan na pinangangalagaan ng mga madre. Wala akong mga naging kaibigan maliban sa manika kong si Renesmee na talaga ko namang itinuring bilang isang kaibigan. Kaibigan na lagi kong kausap.

Dumating ang araw na may mag-asawa ang naghahanap ng kanilang aampunin, nang nilapitan nila ako at kinausap. Magmula nang nangyari ang trahedyang iyon sa akin ay ngayon lang ako umiyak nang humarap sa akin ang mag-asawa. Dala na rin siguro ng pangungulila ko kila mommy't daddy. Tuluyan nila akong inampon at nilisan ko ang ampunan na iyon nang kasa-kasama ko pa rin si Renesmee.

Shadow InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon