KABANATA 7

20 0 0
                                    

A/N: WE ARE NOT PERFECT! lols.

RHAINE POV:

"MAIWAN ko muna kayo. Mag-oobserba pa kami sa bawat booths na mayroon rito, dahil maya-maya ay magsisimula na rin." paalam sa amin ni mommy. Hinagkan niya ako bago tuluyang umalis kasama ang dalawang lalaki na Psychologist.

Agad namang hinila ni Val ang dulo ng buhok ko nang umalis na sila mommy. Loko itong babaeng ito! Mapanakit.

"Tih! Kaloka naman ang nanay mo. Isang propesor at hindi mo man lang nasabi sa amin."

"Eh hindi naman kayo nagtanong." pabiro kong sagot.

"Ganiyan nga 'yan si Rhaine. Ayos lang, kami lang naman 'to. Kaibigan mo lang naman kami." singit ni Jhay M.

Natatawa na lang ako sa kanila habang umiiling-iling. Kahit kailan talaga ang mga ito.

"Rhaine, maiwan muna namin kayo. Itutuloy pa namin iyong task namin eh." pagsasabi ni Val at nag-aalangang tumingin sa gawi ni Andy. "A-ah... Andy, mauna na kami ni Jhay M." paalam niya.

Tiningnan namin si Andy habang hinihintay ang magiging sagot niya. Ngumiti naman siya habang tumatango.

"Sige. Goodluck na lang sa task niyong dalawa." sagot nito habang nakangiti. Halata sa itsura ni Andy ang pagiging sinsero.

Alam kong kapwa nagulat rin ang dalawa na kasama ko, dahil sa naging sagot ni Andy sa kanila. Hindi ko rin naman maitatanggi ang gulat na naramdaman ko, dahil kung titingnan si Andy noong mga nagdaang araw ay ibang-iba sa ngayon.
Simula nang makita ko ang bestfriend ko kanina kahit nakatalikod pa ito alam kong siya ang bestfriend ko. Kaya laking gulat na lang talaga nang may pagbabago sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Alam ko naman na siya pa rin ito pero pakiramdam ko talaga may mali eh. And that is what I need to find out.

ANDYNIER POV:

"Andy, okay lang ba sa iyo kung maiwan muna kita rito? May naka-assigned na task rin kasi sa akin eh." medyo naiilang na sabi sa akin ni Rhaine.

"Ayos lang. Gawin mo na iyong assigned task sa iyo. Andito lang naman ako." sagot ko. Para naman siyang nakahinga ng maluwag sa isinagot ko sa kaniya.

"Salamat. Nga pala, bakit hindi mo naisipan na sumali rito sa exhibit? Kung sa tutuusin nga kaya mo naman eh."

"Ah... H-hahaha! Hindi ba nga mahirap para sa akin ang sumali sa mga ganitong event. I d-don't have enough strength para makipagsapalaran sa ganito." I lied. Pinagpawisan ako sa paghahagilap ng maisasagot sa kaniya, dahil sa totoo lang ay wala talaga akong kaalam-alam na may pa-exhibit pala si mayor para sa amin.

"Oo nga pala. Oh siya maiwan na muna kita ha? Babalikan rin kita when I'm done." tinanguan ko siya bilang sagot.

Pagkaalis niya ay pumuwesto ako sa may sulok kung saan walang gaanong tao at mga booths. Nagmasid lang ako sa mga nangyayari hanggang sa mapadako ang tingin ko sa entablado.

Nagsasalita sa mikropono ang nagsisilbing emcee para sa programang ito. Samantalang, nakahilera ang mga judges habang nakaupo. Kung hindi ako nagkakamali ang apat roon ay mga professors ng mga Psychologist students na nagmula pa sa iba't-ibang sikat na unibersidad. At ang dalawang lalaki naman na kapwa nakaputing lab coat ay sikat na mga Psychologists. Ang isa roon na nakasalamin ay minsan ko ng nakita sa balita kapag nagkakaroon ng mga pagtatalo ang ilang mamamayan pagdating sa behavior ng isang tao at siya mismo ang hinihingian ng opinyon o detalye.

Napadako ang tingin ko sa gawi ng mommy ni Rhaine na kasalukuyang nakikipag-usap sa kapwa niya ring propesor. Hindi ko alam pero sa tuwing tumitingin ako sa kaniya ay may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. It looks like that there is connection between us.

Shadow InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon