KABANATA 3

31 1 0
                                    


A/N: WE ARE NOT PERFECT! lols

KABANATA 3

SOMEONE'S POV:

     When I already unlocked the door I immediately walked in and looked around. Walang pinagbago. It's still our laboratory room. Nilapitan ko ang isang swivel chair at inupuan ito, like what I always did before. Tinitigan ko ang sahig na para bang maibabalik ko ang nakaraan.

"Alam kong naging matagumpay ang ginawa mong experiment, ate. Labing isang taon na ang nakakalipas, pero hindi pa rin kita mahanap. Kailangan kong makita kung kaninong katawan ang kasalukuyan mong ginagamit ngayon. Kailangan kong maagapan lahat, before everything become worst." sabi niya sa sarili na para bang nasa paligid niya lamang ang kaniyang kausap.

"Where are you now, ate Tina?" bulong niya.

ANDYNIER POV:

     Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa mga magiging tanong nila. Sariwa pa rin sa akin lahat ng nagawa ni Nier kagabi sa party. Malakas akong napabuntong-hininga at inihilamos sa aking mukha ang aking mga palad.

"I know what you're thinking." sabi ng isang lalaking may baritonong boses. Nagulat naman ako ng makitang si Arris ito.

"W-what?" kinakabahan kong tanong.

"I'm a psychologist student too. Kaya alam ko." seryosong sagot nito.

"A-ahm... Anong a-alam mo?"

"Nahihiya kang humarap sa amin. Hindi mo alam kung paano mo sasagutin ang mga posibleng katanungan namin lalo na ng kaibigan mo. Am I right?"

"T-tama ka." sagot ko na lamang. Nahihiya akong tumingin sa kaniya, dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawa niya kagabi. "Yesterday was a messed " bulong ko sa sarili ko.

     Matagal ang naging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ako natatakot na may biglang eeksena sa amin ngayon, dahil nasa usual spot namin kaming dalawa. It seems like na exclusive lang 'tong lugar para sa amin.

"I'm sorry " seryosong sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya, dahil sa biglaan niyang paghingi ng paumanhin sa akin.

"Bakit? For what?" taka kong tanong.

"Nang dahil sa akin binalikan ka ng mga babaeng 'yun."

"It's okay. Tapos na rin naman 'yun."

"Well, it's not okay for me." seryosong sagot niya na ikinabigla ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, dahil sa pagkailang na nararamdaman ko. Alam kong nananatiling nakatitig siya sa akin.

"A-ahm... S-salamat nga pala kagabi. Simula doon sa pagtulong mo sa'kin hanggang sa paghatid mo. Sorry hindi man lang ako nakapagpasalamat sa iyo kagabi, I was just spacing out t--".

" Apology accepted."

"O-okay."

"A piece of advice, you should talk to your friend. Nasaktan siya sa inakto mo last night."

"Yeah. Gagawin ko naman talaga eh. Humahanap lang ako ng tyempo. Nga pala, nakasakay ba siya kaagad ng taxi kagabi?" nag-aalala kong tanong.

"Hinatid ko siya sa kanila." tugon ni Arris. Napatango na lang ako at nakahinga ng maluwag, dahil naging ligtas si Rhaine pauwi sa kanila. Pero may isang parte sa akin na nasaktan at hindi ko alam kung dahil ba 'yun sa sinagot ni Arris sa akin.

"Let's go. Ihahatid na kita sa room mo." sabi niya at biglang tumayo.

"No! 'Wag na. Ako na lang. Masyado pang mainit ang mata nila sa akin."

Shadow InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon