A/N: WE ARE NOT PERFECT! lolsKABANATA 2
Mabilis na lumipas ang mga araw. Masyado akong naging abala pagdating sa mga schoolworks. Gayon rin si Rhaine na walang araw na lagi siyang nagrereklamo sa mga pinapagawa ng mga professors namin. Mabuti na lang ngayon ay pa-easy-easy na lang kaming dalawa. At dahil roon ay napilit niya akong kumain sa cafeteria ngayon bilang selebrasyon raw. Pero alam ko naman na hindi para mag-celebrate kuno, kung hindi para magbaka-sakali na makita si Arris.
"Hi!" bati sa amin ni Sharmaine pagkaupo niya sa bakanteng silya na nasa table lang rin naman namin. Kaklase namin siya ni Rhaine sa isang subject. Mabait naman siya, pero never pa kaming nagkausap ng matagal.
"Uy! Hi, Sharmaine!" bati rin sa kaniya ni Rhaine at nginitian ko na lamang.
"Makikiupo lang ako panandalian kasi may ibibigay ako sa inyo. Here!" sabi niya at may iniabot sa aming tig-isang pink na envelope na maliit. Tinanggap naman namin iyon at binuksan ang laman ng envelope. "Gusto ko sana kayong imbitahan sa birthday party ko. You know party-party lang tayo the whole night. Meron ring pool party para sa may mga gusto. I hope na hindi niyo ako tatanggihan, right?" masaya niyang tanong sa amin ni Rhaine sabay tingin sa akin.
"Ahm. Kung ako lang Sharmaine gusto ko, pero ewan ko lang dito kay Andy." sagot ni Rhaine na nakatingin na rin sa akin. Parehas na silang naghihintay ng sagot mula sa'kin.
"Ahh.. kasi...ahm, pag-iisipan ko muna ah? Anyways, thank you pala dito sa invitation card mo, Sharmaine."
"Okay, no problem. Anyway, mauuna na ako ah mamimigay pa ako ng mga invitation cards eh. By the way, I hope na makita ko kayong dalawa sa party ko ah! Specially, you Andy." masaya niyang sabi sa'min saka tuluyan nang umalis sa table namin ni Rhaine.
Tiningnan ko lang ang mga nakasulat sa invitation card ni Sharmaine habang napapaisip kung pupunta ba ako o hindi. Napatingin ako kay Rhaine na nakamasid lang rin pala sa'kin. 'yung para bang tinatantiya niya kung ano ba ang magiging pinal na sagot ko. Halata sa mga mukha niya ang pagpupumilit sa akin even without saying any words. I can read her mind through her eyes.
Pakiramdam ko ang sama ko ng kaibigan sa kaniya kung pati ito ay tatanggihan ko pa, dahil alam kong hindi siya sasama kapag hindi rin ako kasama kaya pakiramdam ko nakasalalay talaga sa akin ang desisyon. Ang kasiyahan niya to be exact. Napabuga ako ng hangin bago sumagot sa mga nagtatanong niyang mga mata.
"We will attend to Sharmaine's party." pinal kong sagot. Mabilis naman siyang nakarating sa gilid ko at niyakap ako habang tumitili't tumatalon.
"Thank youuu! Oh my! First time 'to, Andy!" sabi niya.
Ramdam ko na ang atensyon ng mga tao rito sa loob ng cafeteria sa amin, dahil sa ginawang pagtili niya kaya agad ko siyang pinatigil at pinaupo ulit. Nag-peace sign siya sa akin and she just mouthed me a 'sorry'. Alam kong excited na siya and at the same time ay natutuwa, dahil for the first time ay makakasama niya ako sa ganitong klase ng event. And now the problem is, kaya ko ba or should I say kakayanin ko ba?
Maybe, I need to start internalizing myself para maiwasan ang biglaang paglabas ni Nier. I don't trust her at baka makagawa pa siya ng eksena, but I think hindi naman siguro. Siguro wala namang mawawala kung susubukan ko.
"Don't you worry, Andy. Ako bahala sa'yo sa party, dahil aayusan kita. Oh my! I can't wait na." sabi niya sa akin.
"But please. Promise me na hindi mo ako iiwan during the party, ha?" sabi ko.
"Of course, Andy! Hindi kita iiwan, promise. Cross my heart pa. Hahaha! Oh my!" sagot niya and I just smiled at her.
Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na ako kaagad kay Rhaine, dahil nagpasundo ako sa driver namin. Pagkauwi ko ay nadatnan ko sila mommy't daddy sa may dining table habang nagmemeryenda na halatang kagagaling lang sa trabaho. Lumapit ako sa kanila upang humalik at bumati na rin.
BINABASA MO ANG
Shadow Inside
General FictionIsang katawan sa dalawang katauhan. Malalagpasan nga ba ito ni Andynier de Costa? O mas lalala at marami ang madadamay?