A/N: WE ARE NOT PERFECT! lols.
KABANATA 6
THIRD PERSON POV:
LATE nang pumasok si Nier, dahil na rin sa inanunsyo sa auditorium kahapon. Magkakaroon ng isang malakihang event ang field ng mga Psychology, isang exhibit para sa mga Psychologist students.
Hindi na nag-abala pang makisali o makiusyoso si Nier para sa aktibidad na ito, dahil para sa kaniya isa lang itong malaking kalokohan. She will definitely not waste her time and her efforts just for nothing.
Kasalukuyan siyang naglalakad-lakad at sinusubukang walang makasalubong ni anino nila Rhaine o Ashton man lang. She want a peaceful day.
Nakarating siya sa kung saan gaganapin ang exhibit at naabutan niyang abala ang lahat sa pagdidisenyo ng entablado maging ang kabuuang lugar. Ang iba ay nagtatayo ng mga tent para sa kanilang booth at ang iba naman ay inaayos ang kanilang mga sari-sariling imbensyon para iprisenta sa mga bigating panauhin.
Napatigil siya sa isang bench upang maupo at tingnan lamang ang buong paligid. Lahat sila ay mga abala at kaniya-kaniya ang mga gawain. Naramdaman niya ang pagtabi ng kung sino man sa bandang kaliwa niya at narinig ang pag-click ng isang camera.
What a disturbance? Tss. Bulong na lamang niya sa kaniyang sarili at hindi na lang binalingan ito. Ayaw niyang mairita ngayon.
"You're not interested, right?" tanong ng katabi niya. Nilingon niya ang isang 'to, pero hindi naman nakatingin sa kaniya sa halip ay patuloy lamang ito sa pagkuha ng litrato. Hindi niya ito pinansin.
"Ikaw ang kausap ko, Ms. De Costa." baling sa kaniya ng babae na ngayon ay nakatuon na sa kaniya ang atensyon. Walang mababakas na ano mang emosyon sa kaharap.
" I don't want to talk to someone who's not even familiar to me, miss." Nier said with her straight face while rolling her eyes.
"I'm Maia, by the way. Sorry for not mentioning my name, hindi ko naman alam na aloof ka sa taong hindi ganoon kapamilyar sa iyo." tunog sarkastikong saad ng kausap. Hindi nagustuhan ni Nier ang tono ng babae kaya medyo nairita siya sa naging sagot nito sa kaniya.
"Anong trip mo? Wala akong balak na makipag-usap sa katulad mo, okay?!" iritadong sabi ni Nier. Nanatili lamang blangko ang mukha ni Maia.
"I'm just being friendly here, pero hindi ko naman alam na hirap ka palang makipag-usap ng matino sa tao. Kaibigan ako ng bestfriend mo, don't worry. At wala rin naman akong balak na makipag-usap sa iyo, sinusubukan ko lang maging nice. I gotta go, I have my task." paalam sa kaniya nito at umalis na rin nang parang wala lang.
Pinagmasdan ito ni Nier habang kumukuha ng litrato na palayo sa pwesto niya hangga't matabunan ang babae ng ilang mga estudyante. Nanatiling gulat ang mukha niya. Naiwan siyang nagpupuyos sa galit at halos isinumpa sa isipan ang lahat ng malapit kay Rhaine.
Leche! Sino siya para pagsabihan ako ng ganoon? Huwag na huwag silang magsalita ng mga ganoong bagay kapag ako ang kumokontrol sa katawang lupa nitong si Andy, dahil kapag nagdilim ang paningin ko ay baka hindi na sila sikatan ng araw!
Isinaisip na lamang ni Nier ang mga gustong sabihin, dahil baka mapagkamalan pa siyang baliw the moment she will uttered those words. Inis niyang nilisan ang lugar na iyon at taas noong naglakad paalis kahit na may nababangga siya.
Mas minabuti niya ang umuwi na lang kaysa magtagal pa rito at baka madagdagan pa ang dahilan ng pagkasira ng araw niya.
I will assure that when the right time comes, I'll surely make them regret for making me feel this way. Darating ang araw at luluhod kayong lahat para magmakaawa sa akin. How I wish na mangyari na 'yon sa ngayon, pero nasisiguro kong malapit na iyon. You'll regret everything.
BINABASA MO ANG
Shadow Inside
General FictionIsang katawan sa dalawang katauhan. Malalagpasan nga ba ito ni Andynier de Costa? O mas lalala at marami ang madadamay?