A/N: WE ARE NOT PERFECT!KABANATA 1
"HOY, Andynier de Costa! Tulaley ka na naman."
Napakurap ako ng mata nang tumabi sa aking tabi si Rhaine. Ang kaisa-isang kaibigan ko. Kinuha niya sa aking mga kamay ang papel na kanina ko pa ginuguhitan.
"Ay, ang galing. Bakit naman ganito ang ni-drawing mo? Na-sandwich ng dalawang truck ang kotseng 'to. Ang harsh ah!" sabi niya at ibinalik sa akin ang papel. Hindi ko namalayan na naiguhit ko na pala ang nangyari sa akin noong bata pa ako. Agad kong itinago ang papel sa aking bag.
"Wala. Naisip ko lang bigla tapos saka ko ni-drawing." sagot ko.
"Ang weird ah? Hahaha. By the way, aayain sana kitang lumabas. Let's shopping! Tutal sembreak naman na." masaya niyang sabi sa akin. Bigla namang umasim ang mukha ko sa narinig ko.
"Alam mo nama--"
"Hep! Wala ako sa mood na i-reject mo ngayon, Andy. Nahi-hurt na ako sa lagi mong pagtanggi." sabiya. Bago pa ako makasagot ay agad na niya akong hinatak.
Pagpasok namin sa kotse niya ay agad niyang pinaandar ang kotse. Tsk. Nanigurado talaga ang bruha.
"Loko ka rin noh? Tinanong mo pa ako eh ikaw rin naman pala ang masusunod." biro ko sa kaniya.
"Hahaha! Sorry na. Ikaw kasi eh, lagi mo na lang akong tinatanggihan kaya ayan!"
"Sorry, Rhaine. Alam mo namang anti-social akong tao kaya indi kita nasasamahan lagi sa mga lakad mo." ang sabi ko sa kaniya.
"Yeah, I know. Alam mo dapat mong i-overcome iyang pagiging anti-social mo. Try to communicate with others, 'yan ang sinasabi sa akin ni mommy. Alam mo naman si mommy, professor ng mga tulad nating psychologist student . Wala lang share ko lang. Hahaha!"
Nginitian ko lang siya at tumingin na lang sa labas upang aliwin ang aking sarili. Kailangan kong ma-relax ang aking sarili kung ayaw kong magkaroon ng problema. Sa tuwing makakaramdam ako ng matinding emosyon nagbabago ang tulad ko. Ang tulad ko na mahiyain at mahina ay nag-iiba na lang bigla at mapapalitan ng isang malakas na Andy. Ang tagapagtanggol ko sa tuwing makakaramdam ako ng panghihina ng loob.
Pagdating sa mall ay agad kaming dumiretso sa paboriting boutique ni Rhaine at agad na namili rin. Ramdam ko na binibilisan niya talaga ang kilos para sa akin at natutuwa naman ako, dahil naiisip niya pa rin ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pagkatapos ay dumiretso kami sa isang ice cream parlor at bumili na rin. Nagulat naman ako nang makitang palabas na kami ng mall. I didn't expected na ganito lang kami kabilis.
"Where are we going now, Rhaine?" tanong ko sa kaniya pagkapasok namin sa kotse niya.
"Ihahatid na kita sa inyo." masaya niyang sagot sa akin.
"Salamat, Rhaine. Alam kong nabitin ka sa ginawa natin ngayon, pero you still considered me. Sorry." sinsero kong saad.
"Nah! Wala 'yun noh. Sanay na ako sa iyo, Andy." sagot niya.
Mabilis lang ang naging byahe namin papunta sa bahay. Agad na rin naman kaming nagpaalaman ni Rhaine. Ngayon lang ulit ako lumabas nang ganito and I felt strange now. Pagpasok ko sa bahay ay wala akong nadatnan kungdi ang mga katulong lang. Marahil nasa trabaho pa sila mommy't daddy. Dumiretso na ako sa kuwarto at naglinis ng katawan, dahil naaasiwa ako. Agad kong inihiga ang aking sarili sa malambot kong kama dala na rin ng pagod, until I realized something. Kinuha ko ang aking bag at inilabas ang lahat ng papel na may mga drawing ko. Kinalat ko ang lahat ng iyon sa kama at tiningnan ng maigi.
BINABASA MO ANG
Shadow Inside
General FictionIsang katawan sa dalawang katauhan. Malalagpasan nga ba ito ni Andynier de Costa? O mas lalala at marami ang madadamay?