A/N: WE ARE NOT PERFECT. lols
KABANATA 4
NAGDAAN ang ilang mga araw pero wala na akong natatanggap na sulat mula sa locker ko mismo. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas mabuti na iyon kaysa naman napapadalas ang pagbibigay ng kung sino man iyon.
"Hindi pa ba nagpapakita ulit sa'yo si Arris? Oh my! Kating-kati na ako na makasabay siyang mag-lunch." paghihimutok sa akin ni Rhaine ngayon habang patungo kami sa locker room.
"Hindi pa eh. Hayaan na natin siya." sagot ko na lamang.
Simula ng huli naming pagkikita ni Arris ay hindi na ulit siya nagpakita sa amin. Katulad ng anonymous na nagpapadala ng mga sulat sa'kin.
Hindi kaya iisa lang sila?
Agad kong ipinilig ang aking ulo sa isiping iyon at agad na itinuloy ang paglalakad nang bigla na lang natigilan si Rhaine.
"Ikaw?!" sigaw niya.
Nilingon ko naman ang taong pinagsabihan niya at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot pa ng jersey habang may tumutulo pang mga pawis sa buhok nito.
"Problema mo na naman?" kunot-noong tanong ng lalaki sa harap namin.
Dumapo ang paningin nito sa'kin at agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nang makita ako na siyang ikinataka ko naman.
"Bakit ka nandito sa tapat ng locker namin ha?!" bulyaw sa kaniya ni Rhaine.
Ngayon ko lang napansin na nasa tapat nga siya ng locker namin. Locker ko to be exact habang may kinukuyupos sa mga kamay nito.
"I didn't know na natapat na pala ako sa locker niyo mismo. Kung alam ko lang kanina pa ako umalis rito." aroganteng sagot niya.
"Argh! Alis na nga tayo rito, Andy. Nakakasira ng araw ba naman." saad ng kaibigan ko at hinila ako.
"Wait!" rinig naming sigaw ng lalaki. Nilingon naman namin siya mula sa likod. "Sorry again for what happened last time." sinserong sabi nito na ikinatigil ng katabi ko na siya namang ikinakunot ng noo ko. Anong meron?
"Whatever!" sigaw ng katabi ko at tuluyan na akong hinila paalis.
Nang makalayo na kami ay agad ko siyang tinanong at hindi naman niya ako binigo't ikinuwento niya rin sa'kin ang nangyari.
At ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo ni Rhaine sa lalaking iyon.
Sa pag-uwi ko sa bahay ay hindi ako mapakali sa hindi malamang dahilan. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nakatapat sa harap ng salamin at unti-unting nagbabago ang pakiramdam ko.
Nier is going to control my entire body now.
THIRD PERSON POV:
DAHAN-DAHANG idinausdos ni Nier ang mga palad sa harap ng salamin na tila may sinusundang mga direksyon sa bawat dampi nito kasabay ng mapaglarong ngiti sa kaniyang labi.
"Finally, ako naman ngayon. Masyado na akong naboboring, Andy kaya naisipan ko munang lumabas. Why are you so boring, huh?" saad nito sa mababang tono, while grinning.
"You know what, sa tagal ko ng nasa katauhan mo I'm so thankful at hindi pa ako nabubulok. Feeling ko tuloy nagsisisi ako na sa iyo ako napunta. Well, maybe there's a perfect reason about that and I'm looking forward to it." ani Nier habang iniikot-ikot ang dulong parte ng buhok niya sa pamamagitan ng daliri.
BINABASA MO ANG
Shadow Inside
General FictionIsang katawan sa dalawang katauhan. Malalagpasan nga ba ito ni Andynier de Costa? O mas lalala at marami ang madadamay?