A/N: WE ARE NOT PERFECT! lols
KABANATA 8
RHAINE POV:
"THANK YOU, Sir." magiliw kong pasasalamat sa isa sa mga judges na nakapanayam ko.
Siya ang huling target ko para sa assigned task ko. I need to make an interview to those people who has a big part for this exhibit and that includes the judges. It took me an hour to finished my job kaya hindi na ako magtataka kung gaano na kainip si Andy sa pag-iintay sa akin. Alam ko naman kung saan hahagilapin ang babaeng iyon kaya mabilis kong inayos ang mga gamit ko.
"Anak?"
"Mom!"
"Sasabay ka na ba sa akin sa pag-uwi o may gagawin ka pa?"
"May kailangan pa akong tapusin, Mom, e. Much better na mauna ka na sa akin baka matagalan pa ako sa pag-uwi." sagot ko.
"Okay. Ingat ka sa pag-uwi, okay?"
"Yes, mom! And by the way, baka late na rin po akong makauwi mukhang magkakaroon pa 'ata ng mini celebration ang org namin, e." tinanguan ako ni mommy.
"It's okay. Make sure lang na makakauwi ka ng buo," pabirong sagot ni mom. "Oh siya! Mauna na ako. Take care, my dear," She said while hugging me.
"Noted po. Ingat ka rin."
Sa pag-alis ni mommy ay agad ko ring nakita ang ilang mga kasamahan ko na papalapit sa gawi ko.
"Yow, Rhaine!" Bungad ni Jhing sa akin.
"Hey. Are you done?" Tanong ko sa kanila.
"Yep! Ikaw ba?" Balik-tanong ni Lei.
"Uh-huh. Katatapos ko lang."
"Finally! Tapos na rin tayooo!" Masayang sabi ni Izziang na ikinatawa naming lahat.
"Halatang masaya, Izziang ah? Hahaha!" Sabi ni Shin habang may inii-scan sa notepad niya.
"Syempre naman! Lalo pa't nangangamoy celebration! Whooo!" Sigaw niya habang nagka-cramping sa harap namin. Naiiling na lang kami sa pinaggagawa ng babaitang ito, dahil pinagtitinginan siya ng ilang mga estudyante.
"We're not yet done. Wala pa tayo sa finishing ng mga ginawa natin." Singit ni Maia. Bigla namang napatigil si Izziang sa pagsayaw at napasimangot ang mukha.
"Oo nga pala." Izziang murmured.
"Ano ba kayo?! Syempre, kailangan muna natin maghappy-happy bago sumabak ulit sa matinding trabaho!" Pasigaw na namang sabi ni Jhing. Itong babaeng 'to laging pasigaw kung magsalita. Akala mo may megaphone sa lalamunan.
"Nag-text na si Vice Nah sa'kin. Pinapapunta na tayo sa meeting room natin." Biglang sabi ni Lei habang nakatingin sa cellphone na hawak niya.
"Oh tara naaa!" Duet ni Jhing at Izziang.
"Wait! Mauna na pala kayo pupuntahan ko pa si Andy. Kanina pa ako hinihintay no'n, e." Napatahimik naman sila nang nabanggit ko ang pangalan ni Andy.
"Okay na kayo?" Curious na tanong ni Jhing.
"Okay naman kami ah? Nawirdohan lang ako sa kaniya. That's all." Maikling paliwanag ko sa kanila.
Tumango na lang sila at nagpaalam sa akin. Huwag ko raw silang indianin. Mga loko talaga! Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa pinagtatambayan ni Andy habang inilalabas ko ang cellphone sa bag. Unti-unting bumagal ang lakad ko nang mabasa ko ang text mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Shadow Inside
General FictionIsang katawan sa dalawang katauhan. Malalagpasan nga ba ito ni Andynier de Costa? O mas lalala at marami ang madadamay?