Maayos na ang pakiramdam ni Anniza nang pumasok siya sa loob ng silid ni Tanner, dala ang flower vase ay nagtuloy tuloy siya sa gilid ng kama ng binata, ipinatong niya iyon sa ibabaw ng bed side table.
Sinulyapan niya si Tanner, nakahiga itong nakatagilid patalikod sa kanya kaya hindi niya tiyak kung gising ba ito o natutulog.
Gusto niyang lapitan ang binata at yakapin ito, gusto niyang sabihin dito na gusto niyang tulungan ito, gusto niyang sabihin na magtiwala lang ito sa kanya dahil alam niyang makakakita rin ito.
Pero sa tuwing ikikilos niya ang mga paa ay pakiramdam niya ay matutumba siya, nanginginig ang mga iyon dahil nginangatngat siya ng kunsensya niya, sinasabi ng isang bahagi ng isip niya na "Paano mo tutulungan ang lalaking ikaw din ang may dahilan ng pagkabulag niya? Paano mo siya kukumbinsihin na magpaopera kahit na ikaw ay natatakot rin sa kahihinatnan niyon? Paano kung habang buhay na siyang hindi makakita? Paano ka na hihingi pa ng tawad sa kanya? Paano?"
Nag umpisa na namang mangilid ang mga luha niya nang maisip niya ang mga kasalanan niya dito, ang mga sinira niyang pangarap nito. Sigurado siyang hindi siya mapapatawad ni Tanner kung malalaman nitong siya ang umagaw sa kaligayahan nito, ang pagsira niya sa proposal nito at sa pagpipinta nito.
She bit her lower lip to hide her feelings, pakiramdam niya ay gusto niyang humagulgol ng iyak habang iniisip niya na darating ang araw na kamumuhian siya nito.
Namalisbis ang mga luha niya at lalabas na sana ng silid ng binata ng marinig niya ang tinig nito.
"Tulips." He said, takang napatingin naman siya dito.
"Ha?"
Bumangon ang binata, gusto niya itong tulungan ng makita niyang naglakad ito patungo sa veranda subalit alam naman niyang magagalit lang ito, hangga't maaari ay ayaw nito ng tinutulungan.
Sinundan niya ito sa veranda, suminghap ito ng malinis na hangin pagkuwan ay tumapat sa hamba ng veranda.
"Bring me tulip flowers, yun ang gusto kong ilagay mo sa flower vase at hindi ang white roses na yun." Wika nito, napamaang naman siya.
Paano nitong nalaman na puting mga rosas ang nasa flower vase.
"H'wag mong isiping nakakakita na ako, gaya ng sabi ko mas lumakas ang ibang senses ko nang mawalan ako ng paningin." Saad nito, tila nakita nito ang reaksyon niya kanina. "Gusto mo rin pala ng mga tulips." Nakangiting sabi niya, pinunasan niya ang mga luha, hindi naman ito sumagot.
"Nanghinayang akong pitasin sila dahil mangilan ngilan lang ang mga tulip sa garden, gusto ko rin sila, tulip is my favorite flower." Aniya pa
Napansin niya ang pagbuntong hininga nito, natitiyak niyang naiinis na naman ito sa kadaldalan niya, ano nga bang pakealam nito kung paborito niya ang tulip flower?
"Ah, pasensya na sa kadaldalan ko." Hinging paumanhin niya, hindi naman ito nagsalita.
"Papalitan ko na lang ng tulip flowers ang mga puting rosas sa flower vase." Saad niya, paalis na sana siya ng magsalita ito.
"I change my mind." He said, takang sumulyap siya dito. Ang moody talaga niya..
"Bakit? Akala ko gusto mo ng tulip flowers?" tanong niya
"Gusto ko lang na maamoy ang mga petals ng tulip at kung pipitasin mo lang dahil sa gusto ko, baka mawalan na ng tulip flowers sa garden." Sagot nito, bahagya siyang natigilan sa sinabi nito.
"White roses are beautiful..pero hindi ko gusto ang amoy nila, maganda silang tingnan pero hindi ko naman sila nakikita so it's useless."
She felt a twinge of guilt, naramdaman na naman niya ang pamamasa ng mga mata niya, suminghot siya upang pigilan ang napipinto na namang pagluha niya.
BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 6: TANNER. My Gorgeous Ogre
RomanceJob and fiance - two important things in Anniza's life, wala na siyang maihihiling pa, she was blessed to had those two. Pero isang araw ay nawala na lang ang mga iyon sa kanya. Iisang tao lang ang gumawa niyon, si Steph. Hindi naman niya akalain na...