"Pasensya na Anniza at hindi ako makakasama sa inyo." Ani manang Lucia, "Gusto ko sanang sumama kaya lang masama talaga ang pakiramdam ko." dagdag pa ng matanda, nakangiting tumango siya.
"Okay lang ho iyon." sagot niya
"Happy birthday na lang at mag iingat kayo ni Tanner." Sabi pa ni manang, sinulyapan muna niya ang binata na nasa passenger seat pagkuwan ay tumango siya.
"Opo, ako pong bahala kay Tanner." Sagot niya
Ini-start na niya ang sasakyan at pinaandar iyon, marunong naman siyang magmaneho ng sasakyan, sa katunayan ay nagkaroon siya noon ng sasakyan kaya lang ay kasama niyang naipagbenta iyon.
"Buckle your seat belt Tanner." Aniya sa binata, sumunod naman ito sa sinabi niya.
Birthday niya ng araw na iyon, binigyan siya ng ticket ni Zab noong nakaraang buwan ng tatlong ticket para sa Sky Ranch, ang bagong bukas na theme park sa Tagaytay, minsan na kasing naimbitahan ang banda nito na tumugtog sa nasabing theme park kaya nagkaroon ito ng libreng ticket, madalas naman itong abala kaya ibinigay na lang sa kanya kaysa masayang ang ticket na iyon.
Hindi nagtagal ay narating nila ang magandang lugar na iyon, tinapik niya ang binata upang agawin ang atensyon nito.
"We're here, Tan." Aniya sa binata.
Kumilos siya upang buksan ang pinto sa tagiliran nito, palibhasa ay magkatabi lang sila nito kaya ng abutin niya ang pintuan ay hindi sinasadyang dumikit ang katawan niya sa katawan nito, bumilis ang pagtahip ng puso niya, she looked at him and paused for a while, she swallowed hard, halos gadipa na lang pala ang pagitan nila sa isa't isa, kung lalapit pa siya dito ay magkakadikit na ang mga labi niya sa labi nito, nanuot din sa ilong niya ang mabango at mainit na hininga nito.
Darn! How irrisistable man!
Lumayo siya bago pa mawala siya sa huwisyo, bumaba na lang siya ng sasakyan atsaka binuksan sa labas ang pinto kung saan nakapwesto ang binata.
"Wow, ang ganda!" bulalas niya
"Really?" nakita niya ang matinding kuryosidad sa binata
"Oo Tan, maya maya lang kapag dumilim na ay mas maganda dito." Nakangiting sabi pa niya.
She feels the cool, soothing Tagaytay breeze and she appreciates the picturesque view of Taal Volcano.
Hinawakan niya ang kamay ni Tanner at binulungan niya ito.
"I'll be your eyes.." bulong niya, tumango lang ito.
Nagsimula na silang maglakad papasok ng theme park, maganda sa loob ng parke, maraming rides at ilang booth, may mga makakainan din namang restaurant sa gilid niyon.
Ilang sandali pa ay nag eenjoy na sila sa mga rides na sinasakyan nila, natutuwa naman si Anniza kay Tanner dahil sa kabila ng kundisyon nito ay hindi ito nagpapaiwan, kung anong sinasakyan nilang rides ay sumasakay din ito.
She was very happy, simula din nang dumating sila sa theme park ay hindi na sila nagbitaw ng kamay ng binata.
Akala tuloy ng ibang nakakakita sa kanila ay magkasintahan sila nito, hindi rin napansin ng mga ito na bulag ang kasama niya dahil napakagaling magdala ng sarili si Tanner.
Nang sumapit ang alas sais ng gabi ay lumiwanag ang buong lugar dahil sa mga ilaw na nakapalibot, mas gumanda ang theme park sa paningin niya.
Mas nanabik din siyang sakyan ang mataas na ferris wheel, ito ang pinakamagandang rides sa lahat, nakakaakit ang liwanag niyon.
BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 6: TANNER. My Gorgeous Ogre
RomanceJob and fiance - two important things in Anniza's life, wala na siyang maihihiling pa, she was blessed to had those two. Pero isang araw ay nawala na lang ang mga iyon sa kanya. Iisang tao lang ang gumawa niyon, si Steph. Hindi naman niya akalain na...