CHAPTER EIGHT

1.8K 34 0
                                    

"Ano bang meron dito?" takang tanong ni Tanner, nasa veranda sila isang hapon, katatapos lang nitong makapagpahinga kaya alam ni Anniza na maganda ang mood ng binata.

Iyon na ang magandang pagkakataon para sa gagawin niyang pagkumbinsi sa binata. Isa iyon sa gusto niyang maibalik dito.

Pinaupo niya ang binata sa steel chair sa tapat nito naroon ang isang malinis na canvas, nasa steel table naman ang ilang gamit para sa pagpipinta nito.

Dinampot niya ang paint brush pagkuwan ay ibinigay niya sa binata, ganon na lamang ang pagkunot ng noo nito.

"Are you insulting me?" he asked impatiently, padabog na binitawan nito ang paint brush, "I'm blind man now, how am I supposed to paint if I can't see anything. I couldn't distinguish the paint color or put paint onto canvas, paano ako makakapagpinta kung ganito ako?" mapait na sabi nito, she bit her lower lip. Nagumpisa na naman siyang usigin ng konsensya niya.

"Simula nang mabulag ako, nakalimutan ko na rin ang magpinta." Saad nito, "Alisin mo na sa harap ko ang mga bagay na yan." Madilim ang anyong utos nito.

Kusang dumaloy ang mga luha ni Anniza, nasasaktan siyang makitang nagkakaganoon ang binata, kasalanan niya ang lahat ng iyon kaya mas lalong bumibigat ang loob niya.

Pinunasan niya ang mga luha niya, kailangan niyang gawin ang lahat ng paraan para makabawi sa lahat ng kasalanan niya dito. Kailangan niyang tatagan ang sarili niya kung gusto niyang tulungan ang binata.

Tumayo ang binata at akmang maglalakad nang pigilan niya ito sa braso, kinuha niya ang isang kamay nito at pinagsalikop ang mga kamay nila, mahigpit niyang ginagap ang palad nito upang maramdaman nito ang sinseridad niya.

"I'll be your eyes...hindi ba yung ang pinangako ko sa'yo?" aniya, natigilan naman ang binata, "Tutulungan kita kaya magtiwala ka lang sa'kin." Dagdag niya, pinaramdam niya sa binata na handa siyang tulungan ito.

Hindi naman ito nagsalita kaya dinampot muli niya ang paint brush, inilagay niya iyon sa palad ng binata.

"Please Tanner...magtiwala ka lang sa'kin." Pakiusap niya sa binata, pinisil pa niya ang kamay nito.

Hindi naman nagsalita ang binata subalit naupo muli ito sa steel chair, napangiti siya at maluwang na nakahinga.

"Salamat." Masayang sabi niya dito.

Hindi pa rin ito umiimik subalit may ngiti na sa mga labi niya nang kumilos siya, dinampot niya sa ibabaw ng steel chair ang ilang coloring paint, hindi iyon basta basta pintura, isa iyong espesyal na pintura na ginawa niya mismo, naisip niya iyon upang matulungan niya ang binata.

Bago siya nagsalita ay pinaamoy muna niya ang isang kulay ng pintura na nakalagay sa isang maliit na bowl, napansin niya ang pagtataka sa mukha nito.

"Rose. That is rose." He said, nakangiting tumango siya.

"Yes, it is rose."

"You want me to paint a rose?" takang tanong nito, umiling siya.

"Hindi, pinaamoy ko lang sa'yo." Aniya, "This is a red rose."

Kumilos ang mga kamay nito at hinawakan nito ang hawak niya, ganon na lamang ang pagkagulat nito nang madama nito ang bagay na hawak niya.

"That was..."

"Paint color." Nakangiting sabi niya, natigilan ito at hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat kaya nagsalita muli siya.

"Since matalas ang pang amoy mo gumawa ako ng espesyal na pintura na gawa sa mga bulaklak." Nakangiting sabi niya, inisa isa niyang ipinaamoy dito ang mga bulaklak na pinitpit niya hanggang sa maging likido, maaaring gamitin ang katas ng mga bulaklak sa pagpipinta. Ipinaliwanag niya dito ang kulay nang bawat bulaklak, sa pamamagitan niyon ay hindi na ito mahihirapan ma-distinguish ang kulay na gagamitin nito.

FLOWER BOYS  HOST CLUB 6: TANNER. My Gorgeous OgreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon