CHAPTER THIRTEEN

1.8K 37 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas ng maibalik ang paningin ni Tanner, nasa veranda siyang mag isa, nakaupo habang nakatingala sa madilim na kalangitan, hindi pa rin siya makapaniwala na nakikita na niya kahit ang pinakamaliit na bituin sa kalangitan, akala niya ay sa pangarap na lang niya iyon makikita.

Lumipat ang mga mata niya sa isang painting na natapos niya noong isang linggo, kahit wala siyang paningin ay sinikap niyang tapusin iyon upang ibigay kay Anniza, iyon sana ang regalong pasasalamat niya sa dalaga dahil sa mga nagawa nito sa kanya.

Mapait na napangiti siya, she's right, mas mukhang ibon iyon kaysa angel.

Kung bakit parang may kulang sa kanya ngayon ay hindi niya alam, A sudden, deep emptiness came over him. May hinahanap hanap siyang presensya, hinahanap hanap niya si Anniza.

Damn! Forget about her Tanner..hindi siya karapat dapat na mahalin...niloko ka lang niya, pinaasa...atsaka hindi ka rin naman niya mahal..ang tanging gusto niya ay maghiganti..

Bigla ay kumirot ang puso niya sa naisip, bakit nasasaktan pa rin siya, mas triple ang sakit na nararamdaman niya kaysa noong iniwan siya ni Steph.

Malalim na nagbuntong hininga siya, sinubukan niyang pakalmahin ang isip, sumimsim siya ng wine sa kopitang hawak niya.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa hawak na mga papel, ibinigay iyon sa kanya ni manang Lucia noong isang araw, hindi rin makapaniwala ang matanda sa mga nangyari pero naninindigan itong hindi magagawa ni Anniza na lokohin siya, sinabi nito sa kanya na totoong mahal siya ng dalaga.

He was confused, hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin, basta ang alam niya ay miss na miss niya ang presensya ng dalaga, ang magandang tinig nito, ang mga pagbungisngis at pagtawa nito.

Ah, how she missed her...

Pinagkatitigan niya ang litrato ni Anniza na naroon sa resume na binigay nito kay manang Lucia, her smile was really beautiful.

Naalala niya ang huling sinabi ni manang Lucia, "Bakit hindi mo siya kausapin ng personal Tanner, bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag." Anito

Nagbuntong hininga siya, bakit nga ba hindi niya kausapin ang dalaga, tutal hirap na hirap na siyang isipin kung ano ba talaga ang totoo.

"Tan, bakit hindi ka pa natutulog?" bahagya siyang napatuwid ng marinig niya ang tinig na iyon, nang lingunin niya ito ay nakita niya si Steph. His chest rose and fell, kung bakit nadismaya siya ng ito ang makita niya, binitawan niya ang hawak at kinuha ang glass wine.

"Bakit naririto ka pa rin?" bagkus ay tanong niya, simula ng magpakita ito sa kanya ay hindi na siya nito iniwanan, inaalagaan siya nito at pinaparamdam ang pag aalala sa kanya but it's no use, wala na itong magagawa dahil huli na ang lahat. Nawala na ang pagmamahal niya dito at hindi na niya iyon kaya pang ibalik.

"Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" anito, muli siyang nagbuntong hininga

"Kinalimutan ko na iyon Steph, naibalik na rin ang paningin ko kaya wala ng dahilan para magalit pa ako sa'yo." sagot niya

"Can you give me another chance? Mahal na mahal kita Tan."

"I'm sorry Steph, I can't love you anymore."

"Because of her? hindi mo ba siya kayang kalimutan since siya rin ang may kasalanan ng pagkabulag mo?"

Hindi siya umimik, kaya nagpatuloy ang babae.

"Tan, please give me a second chance." Nakalapit na ito sa kanya at yumakap ng mahigpit. "Magsimula tayong muli." Anito pa.

Inalis niya ang mga kamay nito sa baywang niya, "Stop this Steph, hayaan mo muna akong mag isa." Aniya, nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito

FLOWER BOYS  HOST CLUB 6: TANNER. My Gorgeous OgreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon