"Are you ready for your eye operation Tanner?" Doctor Vash Carreon asked him, ang optalmologist na kaibigan niya, Hindi na siya kinakabahan, hindi katulad ng dati na halos tumanggi siyang magpa opera sa sobrang takot na nararamdaman niya. Mas naeexcite siya sa operation niyang iyon. He was excited to see again, to see his girlfriend. He wanted to see her beautiful face. I can't wait to see her....
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita
"Yes."
Kinapa niya ang babae na nakaupo sa gilid ng kamang inookupahan niya. Ginagap niya ang kamay nito, kung maaari lamang na hanggang sa matapos ang operasyon niya ay kasama niya ito.
"Relax Tanner, you're going to be alright. Alam kong magtatagumpay ang operasyon mo." masuyong bulong nito
"I know because you're here." nakangiting sabi niya, hinaplos niya ang mukha nito, "I can't wait to see you Anniza. Ikaw ang unang taong gusto kong makita kapag nagbalik na ang paningin ko."
"T-talaga?"
"Oo, I love you."
"I-I love you too." Sagot nito
Hinagkan niya ang labi nito at mahigpit itong niyakap, naghiwalay lang sila ng marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya.
Kinapa niya iyon sa bulsa ng pantalon niya, bahagya siyang humiwalay sa nobya niya upang sagutin iyon.
"Hello."
"Dude, it's me Xien." Anang kaibigan niya
"Oh Xien, Ano na ang balita?" tanong niya sa kaibigan,
Naramdaman niya ang paglayo ng nobya niya, "Kakausapin ko lang si Doc." Paalam ng nobya, tumango lang siya tanda ng pagsagot.
"Is that Anniza?" Xien asked, siguro'y narinig nito ang boses ng nobya
"Yes she is."
"Nasaan ka ba? Let's talk about this personally."
"Hindi pwede ngayon Xien." Hindi niya nasabi sa mga kaibigan niya na ang araw na iyon ang araw ng eye operation niya.
"But this is important, may kailangan kang malaman."
"About what?"
"Tungkol sa taong hinahanap mo." anito, bigla ay nakuyom niya ang mga palad, kapag naaalala niya ang taong iyon na siyang may kasalanan ng lahat ng iyon ay hindi niya mapigilang magalit. Gusto niyang pagbayarin nito ang nangyari sa kanya.
Kahit nawalan siya ng paningin ay sariwa pa sa naalala niya ang mukha nito, kaya nakapagbigay siya ng drawing sketch kay Xien.
"You already know where she is?" tiim ang bagang na tanong niya
"Yes."
"Damn! Gustong gusto ko ng makakita para ako mismo ang humarap sa kanya." galit na sabi niya, narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng kaibigan.
"Kailangan nating mag usap Tan, nasaan ka ba?"
Magsasalita pa sana siya ng may humablot sa cellphone niya.
"Tsk, oras na Tanner." narinig niyang pakli ni Vash, ang kaibigan niyang doktor na siya ring mag oopera sa kanya.
"That was Xien." Angil niya sa kaibigan
"So? I don't care. I'll transfer you to the operating room." Anito, wala na rin siyang nagawa ng maramdaman niya ang ilang bultong umalalay sa kanya upang ilipat siya sa stretcher.
"I'll pray for you Tan. I love you." bulong ni Anniza sa tainga niya bago siya hinagkan sa noo.
"Hintayin mo ako dyan, mahal na mahal kita." Aniya
BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 6: TANNER. My Gorgeous Ogre
RomanceJob and fiance - two important things in Anniza's life, wala na siyang maihihiling pa, she was blessed to had those two. Pero isang araw ay nawala na lang ang mga iyon sa kanya. Iisang tao lang ang gumawa niyon, si Steph. Hindi naman niya akalain na...