Kahit masarap ang mga pagkain sa restaurant na iyon, hindi naman maenjoy ni Anniza ang mga iyon. Her attention was at the man who was sitting at the corner of the restaurant, coincidence na doon din ito kumain para maglunch.
Ang kinasasama lang ng loob niya ay may kasama itong babae, doon kaagad dumiretso ang binata pagkapasok sa restaurant.
Gusto niya itong puntahan at itanong kung sino ang babaeng kasama nito, sabihing layuan niya ang babaeng iyon dahil nasasaktan siya, nagseselos siya.
Pero wala na siyang karapatan pa dito, paano pa niya magagawa ang bagay na iyon?
Her vision clouded by mist.
"Anniza, masama ba ang pakiramdam mo?" narinig niyang tanong ni Dranreb, sinulyapan niya ang lalaking kasama.
"Hindi, okay lang ako." Aniya, hindi pa niya halos nagagalaw ang pagkain niya. "Saglit lang ha, pupunta lang ako sa comfort room." Pilit ang ngiting sabi niya, itinago niya ang tunay na nararamdaman niya.
Pagkapasok ni Anniza sa comfort room ay tumapat siya sa malaking salamin at tinitigan ang mukha, malaki nga ang nabawas sa timbang niya, she looks thin and pale, nadagdagan pa ng panlalalim ng mga mata niya.
Hindi kasi siya makatulog ng maayos sa gabi, palagi siyang dinadalaw sa mga panaginip ni Tanner at kung gising naman siya, ito lang din ang pinagkakaabalahan niyang isipin.
Walang oras na hindi ito sumasagi sa isipan niya simula nang magkahiwalay sila ni Tanner. The more the days gone by, the more she misses him so much.
Saglit pa muna niyang inilabas ang sama ng loob bago inayos ang sarili at lumabas ng comfort room.
Sa paglabas niya ng ladies room ay lumundag yata ang puso niya nang eksakto ring lumabas si Tanner sa men's room. Hindi na nito suot ang sun glass kaya kitang kita niya ang magagandang mga mata nito, ang mga matang kinahumalingan niya noon at magpahanggang ngayon, ang mga matang hindi niya pinagsasawaang tinitigan at hinding hindi kailanman pagsasawaan, those dark eyes that could crumble her knees in an instant.
The moment he looked at her, nagblack out ang buong nervous system niya, natulos siya sa kinatatayuan niya at nanginginig ang mga tuhod niya.
But she still manage to utter his name..
"Tan..Tanner.."
Ah, her heart beat triplicated the moment she mention his name, she holds her chest of the fear her heart might jump out the moment he looked at her straight in her eyes.
"Who you?" he asked expressionless, ni hindi man lang niya mawari kung anong nararamdaman nito ng mga sandaling iyon.
Her heart torn into pieces, pakiramdam niya ay in-absorbed niya ang lahat ng sakit at pait sa mundo ng mga sandaling iyon.
Iniisip niya noon paano kung magkita sila ni Tanner? Ano kayang mangyayari?
Akala niya ay magagalit ito gaya noong araw na nakita siya, noong araw na nakakita na ito. Akala niya ay kakausapin siya nito at sasabihin nito sa kanya kung gaano siya nito kinamumuhian....napakasakit niyon para sa kanya..pero..mas masakit pa pala na tratuhin na hindi sila nito nagkakilala. As if she was nobody, nawala lahat ng pinagsamahan nila nito, ang masasayang sandali na magkasama sila.
Hindi na niya napigilan ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga mata, it was worse than she had expected, she was hurt at that moment, parang pinipiga ang puso niya.
"Tanner! Let's go." Mula sa di kalayuan ay tawag ng babaeng kasama nito, saglit pa siyang tinitigan ni Tanner bago tumalikod.
Hindi pa ito nakakalayo sa kanya nang magsalita siya.
BINABASA MO ANG
FLOWER BOYS HOST CLUB 6: TANNER. My Gorgeous Ogre
RomanceJob and fiance - two important things in Anniza's life, wala na siyang maihihiling pa, she was blessed to had those two. Pero isang araw ay nawala na lang ang mga iyon sa kanya. Iisang tao lang ang gumawa niyon, si Steph. Hindi naman niya akalain na...