CHAPTER SIXTEEN

1.8K 30 0
                                    

Sweet Angel,

I'm dreaming of you night and day

Like flowers that bloom everyday

Shrek

Kinabukasan ay muling nakakita si Anniza nang mensahe mula kay Shrek, hinablot niya ang nakadikit na sticky note sa tapat ng monitor niya.

Binuksan niya ang drawer at gaya ng inaasahan ay nakakita siya ng tulip flower doon, dinispatsa na niya si Mr. Cruz kahapon, ibig sabihin si Dranreb ay si Shrek.

Naiiling na inilagay niya ang bulaklak sa flower vase, tatlong tulip flowers na ang naroon, and they were beautiful.

Bigla ay sumingit sa balintataw niya ang gwapong mukha ni Tanner.

Oh Tanner, paano kita magagawang kalimutan kung palagi mo naman akong dinadalaw ng mga alaala mo.

Inayos niya ang sarili nang makarinig ng mga katok sa pintuan.

"Come in." aniya

Ang nakangiting Dranreb ang bumungad sa kanya.

"Hi, good morning!" bati nito na may kasamang pagkaway

"Hi." Ganting bati niya, naupo ito sa tapat niya pagkuwan ay nangalumbabang tumingin sa kanya.

"Bakit parang wala ka sa mood?" tanong nito, umiling siya

"Hindi lang maganda ang gising ko." sagot niya

"Bakit? Dapat iniisip mo ako para gumaan ang pakiramdam mo." biro nito

"Dranreb..." saway niya sa lalaki

"Sorry, nagsa-suggest lang naman ako." Nakangiting sabi nito

Naiiling na tinuro niya ang tulip flower, "H'wag ka ng magpadala ng bulaklak, mahal ang tulip baka maubos ang ipon mo." aniya, nangunot naman ang noo nito

"Anong sinasabi mo?" takang tanong nito

"Ang sabi ko, tigilan mo na ang pagdadala ng bulaklak sa'kin dahil wala rin namang patutunguhan iyon." wala na siyang nagawa kundi tapatin na ito.

"Ha? Wala akong alam sa sinasabi mo." Maang na sabi nito, nagulat naman siya sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin? Diba ikaw din ang nagdidikit ng sticky note sa computer ko." sabi pa niya at ipinakita ang isang sticky note na may maikling mensahe.

Ganon na lamang ang pag iling nito.

"Hindi ah, pagbibigay nga ng bulaklak sa babae ay hindi ko gawain, iyon pang magdikit ng quotes sa pc mo, masyadong baduy." Saad nito

"Eh sino ang gagawa niyon?"

Nagkibit balikat ito, "Ewan ko." anito, "Teka, hindi pa ako umaamin sa'yo, basted na kaagad ako?" may dismayadong sabi nito, nagbuntong hininga siya.

"Dranreb, kaibigan lang ang turing ko sa'yo, ayokong masira yun." Aniya, pumalatak naman ito.

"Grabe, ang bilis mo naman akong basted-in. Mabilis pero masakit." Anito na hinaplos ang tapat ng dibdib, naiiling siya.

"I'm just being honest Dranreb." Sabi niya

"Tsk, okay, kahit broken hearted ako, I hope we're still friends." nakasimangot na sabi nito, ngumiti na siya sa sinabi nito

"Of course, we're still friends."

Nahulog sa malalim na palaisipan si Anniza kung sino si Shrek, wala siyang ideya kung sino ito. Habang nakatitig siya sa ilang sticky note ni Shrek na nakalapag sa ibabaw ng lamesa niya ay tumunog ang telepono niya.

FLOWER BOYS  HOST CLUB 6: TANNER. My Gorgeous OgreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon