Tinanggap kita, dahil mahal kita.
Oo mahal, nasaktan moko,
Pero wala akong nasabing,
Hindi na kita mahal pa.Nagpakatanga ako noon sa mga salita mong "mahal kita",
Kaya heto nanaman ako para magpakatanga sayo,
Wala eh mahal kita.Sana ngayon ay sa bawat salita na binibitawan mo,
Ay kaya mong panindigan,
Panindigan ang salitang "mahal kita"
Lalo na ang panindigan ang salitang "hindi kita iiwan"Mahal, sana sa pagkakataong ito'
hindi na masayang pa,
Dahil tinanggap kita hindi para
Saktan mulang muli.Tinanggap ulit kita para mahalin mong muli,
Ito nanaman ang bagong yugto ng atin' pagsasama
Pagsasamang minalas noon, pero papalitan ng masasayang pagsasama ngayon.Sana mahal, sa ating bagong pagsasamang muli.
Ay mapuno ito ng masasayang mga alala na kasama ka,
Mga alala na hindi na mabubura pa,
At mga alala na kahit pilitin mang burahin sa iyong isipan hindi parin ito maibubura pa dahil bahagi na ito ng ating buhay.Ang tanging hiling kolang mahal,
Ay ang mahalin mo sana ako ng gaya ng pagmamahal ko sayo
Dahil tinanggap kita dahil mahal kita,
At hindi para saktan mulang muli.
BINABASA MO ANG
Spoken words
PoetryHi sa mga taong broken jan! O kahit sa mga mahilig mag basa ng mga spoken words. Basahin niyo na to. Panigurado makaka relate kayo!