SW5

205 3 2
                                    

Salita.

Bakit may mga bagay na hindi mo masabi?
Mga bagay na dapat hindi kinikimkim,
Maaari kubang sabihin sayo na nalulungkot ako?
Nalulungkot ako ng dahil sa'yo?

Sana lahat ng nararamdaman ay kayang sabihin sa pamamagitan ng salita,
Ngunit kahit ano pang gamitin mong salita ay hindi lahat ay maisasabi mo,
Dahil mas kaya kong paniwalaan ang kilos kesa sa pag gamit ng mga salita.

Bakit ngaba sinasabihan moko ng "Mahal kita"?
Kung sa bandang huli mapapalitan lang naman ito ng "Pagod na'ko",
Kaya maraming tao ang nasasaktan,
Dahil sa mga salitang hindi naman kayang iparamdam at panindigan.

Oo Inaamin ko!  malungkot ako,
Anong magagawa mo?
Nand'yan kaba para damayan ang aking nararamdaman na kalungkutan?
Kung maaari kulang hilingin na lagi kang nandiyan matagal kunang ginawa.

Napagtanto ko na nakakapanakit ang mga salita,
Salita na binibitawan mo sa mga panahon na mag ka-away tayo,
Pero ano ngaba ang mararamdaman ko? Kung ako naman ang nasasaktan?
At hindi ikaw.

Makukuha ba ng salitang "sorry",
Ang mga bagay na nagawa muna?
Marahil may masasabi ngang "tayo",
Pero meron ring masasabi "ikaw at ako".

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon