SW6

174 1 0
                                    

Mga salitang binibitawan.

Itong tulang ito ay iniaalay ko para sa mga taong hanggang salita lamang,
Mga salita na maaring mag pakilig sayo,
Na para bang ito ay isang clown,
Na kahit alam mong niloloko kana pero nag eenjoy kapa.

Bakit ngaba may mga bagay na hindi mo masabi?
Mga bagay na dapat hindi kinikimkim,
Maaari kubang sabihin sayo na nalulungkot ako?
Nalulungkot ako ng dahil sa’yo?

Sana lahat ng nararamdaman ay kayang sabihin sa pamamagitan ng mga salita,
Ngunit hindi eh,
Na kahit anong gamitin kong mga salita ay hindi nito maipapaliwanag kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo,
Dahil ang mga salita ay mahirap ng paniwalaan.

Pero bakit ngaba sinasabihan moko ng salitang “Mahal kita”?
Wag mokong sabihan ng "Mahal kita"
Kung sa bandang huli naman ay mapapalitan rin lang naman ito ng “Suko na'ko”,
Na para bang ganoon nalang kadaling kalimutan ang mga salitang binitawan mo sakin,
Mga pangakong nanggaling sa mga salitang binitawan mo.

Napagtanto ko na nakakapanakit ang mga salita,
Salita na binibitawan mo sa mga panahon na mag ka-away tayo at ang mga panahon na nagkakalabuan na tayo,
Pero ano ngaba ang dapat kong maramdaman?,
Kung ako lang naman itong nasasaktan?
At hindi tayong dalawa?

Makukuha ba ng salitang “sorry”,
Ang mga bagay na nagawa muna?
Marahil may masasabi ngang “tayo”,
Pero meron ring masasabing “ikaw at ako”.

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon