SW3

273 6 0
                                    

Pagod nako, mahal

Saan bako lulugar?
Sa bawat oras na kasama kita mas lalo akong napapamahal sayo,
Pero sa bawat oras rin na lumilipas napapaisip ako,
Minamahal muba nga talaga ako?

Kahit minsan hindi ko naramdaman na mahal morin ako,
Sana mahal iparamdam mo rin
Iparamdam mo na mahalaga ako,
Lalo na iparamdam mo na mahal morin ako.

Tinulad ko ang sarili ko sa isang plastic na sumusunod nalang sa hangin na hindi alam kung saan hihinto,
Hanggat may hangin,
Patuloy parin akong maglalakbay,
Hanggat huminto ako sa tabi mo.

Hindi ko maisip na,
Mahal morin kaya ako?,
Dahil ramdam ko,
Mag-isa lang akong umiibig.

Umiibig sa taong hindi ko alam kung mahal ba talaga ako,
Umiibig lang naman ako,
Sa taong walang kasiguraduhan kung mananatili saking tabi,
Tanging hiling kolang ay manatili ka sa piling ko.

Sana maramdaman ko rin balang araw ang pagmamahal mo,
Pagmamahal na inaasam ko,
Pagmamahal na kaya pang lampasan ang pagmamahal ko,
Pagmamahal na mananatili hanggang sa huli.

Dahil kung hindi mo kayang iparamdam,
Parang awa muna,
Umalis kana sa piling ko,
Dahil pagod nako, kaibigan.

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon