SW7

181 2 1
                                    

Pagbilang

Isa,dalawa,tatlo,apat,lima,anim,pito,walo,siyam,sampu

Sampu,
Sampung buwan tayong nagkasama,
Na ngako ng magkasama,
Pero ang mga binuo nating mga pangako na magkasama
Ay ngayo'y wala na,
Hanggang kailan pa kaya tayo magkakasama?
Hanggang dulo ba?
O hanggang dito nalang ba?

Siyam,
Siyam na araw akong naghintay na babalik kapa,
Dahil umaasa ako na may pag-asa pa,
Sana binigyan moko ng isa pang pagkakataon upang patunayan sayo na pwede pa,
Pwede pa na magkasama uli tayong dalawa.

Walo,
Walong oras akong huhumingi ng tawad sayo,
Humihingi ng tawad upang maayos natin to,
Dahil ayokong mawala ang salitang merong pang "tayo"
At ayokong mawala ka sa piling ko.

Pito,
Pitong beses nakong gustong umamin ng nararamdaman ko sayo,
Pero ilang beses binabinalewala ang nararamdaman dahil baka masaktan lang ako,
Natatakot na baka hindi mo magustuhan ang katulad ko,
Natatakot rin ako na baka hindi ibigin ng puso mo ang puso ko.

Anim,
Anim na beses konang pag-iyak ito,
Pag-iyak ng dahil sayo,
At nagtatanong kung bakit ba ako nasasaktan ng ganito?
Dahil nararamdaman ko na ako lang ang nagmahal sa panahong meron pang tayo.

Lima,
Limang rason kung bakit hanggang ngayon ay mahal parin kita,
Umaasa na mag babalik kapa,
Umaasa na magiging tayo pa,
Minahal kita dahil mahal kita,
Mahal kita dahil ikaw ang dahilan kung bakit kopa kinakaya,
Mahal kita at mamahalin pa hanggang saakin ka.

Apat,
Apat na araw konang sinusubukan na kalimutan ka
Pero hindi ko magawa dahil mahal kita,
Bakit kailangan kong kalimutan ka?
Kung ang puso ko ay ikaw ang pinapantasiya?

Tatlo,
Pangatlong beses na kitang nakita na may kasamang iba,
Nasasaktan ako dahil nakikita kong masaya ka sa piling ng iba,
Nasasaktan ako dahil hindi mo nakuhang sumaya noong panahong tayo pa,
Pero bakit hanggang ngayon "mahal parin kita".

Dalawa,
Tayong dalawa ang bida sa storya pero ngayon ay nag-iisa,
Dalawa
Dalawa lang naman ang laman ng aking puso at yun, ay "Tayong dalawa"

Isa
Isang rason kung bakit ikaw parin hanggang ngayon,
Laging iniisip ang dating nag daang relasyon,
Kahit ang kapalit ay sakit lang naman,
Kaya ikaw, Ikaw lang ang aking iibigin hanggang ika'y magbalik sakin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon