ORAS
Mahal may kulang ba sakin?
Nagkulang bako ng pagmamahal sayo?,
Sana masagi rin minsan sa isipan mo na, napapagod rin ako mahal,
Pero nananatili parin akong matatag para sating dalawa.Oo mahal, inaamin ko mahina ako alam mo bakit?,
Kase nagmamahal lang naman ako sayo pero bakit hindi mo kayang pahalagahan?
Naging mahina ako mahal!,
Naging mahina ang puso ko na tiisin nalang ang sakit habang merong pang natatawag na "tayo"Oo naging matatag ako,
Pero hindi sa lahat ng oras ay matatag ako,
Nasasaktan din ako lalo na napapagod din ako,
Kung darating man ang araw na mawala ako sa piling mo, sana alam mo ang dahilan kung bakit.Laging sumasagi sa isipan ko na,
Susuko nabako sa taong mahal ko?,
O mananatili parin akong kakapit kahit wala namang makakapitan?
Sana sa oras na tumalikod ako sayo, ihila moko pabalik at sabihing mahal moko.Dahil nawawalan kana ng oras sakin mahal,
Napapagod nako sa paulit ulit mong sorry,
Sorry dahil busy ka? Sorry dahil madami kang ginagawa?
Ganon kanaba ka busy para hindi moko paglaanan ng oras?Tao lang naman ako,
Hindi ako bakal na kahit ihagis mo,
Ibale wala mo, ay hindi masasaktan,
At lalong hindi ako manhid para hindi masaktan at mapagod,Ano ba ang hinihingi ko sayo mahal?
Tanging pagmamahal at oras molang ang hinihingi ko,
Kung may pakealam kapa sakin mahal,
Sabihin mona kaagad habang hindi pa huli ang lahatDahil pagod nako mahal,
Pagod nakong magparaya,
Pagod nakong maghintay sayo araw-araw,
Tanging hingi kolang naman sayo ay ORAS.
BINABASA MO ANG
Spoken words
PoetryHi sa mga taong broken jan! O kahit sa mga mahilig mag basa ng mga spoken words. Basahin niyo na to. Panigurado makaka relate kayo!